Sunday, August 10, 2014

SUNDALONG KANIN


Ang SUNDALONG KANIN ay parang Hiraya Manawari full-length version set during the Japanese occupation period.

Lumu-Lord of the Flies ang peg with ligawan between super bagets, rape scenes, patayan (brutality), gang war, etc.

Magagaling umarte ang apat na lead boys at ilan sa mga artistang nakuha for minor roles (most especially, Art Acuna).

Technically, nagkulang ito sa larangan ng production design at cinematography.

Sa sinematograpiya, maraming eksena ang hindi maayos ang pagkaka-framing, hindi wasto ang composition.

May mga eksena ding hindi consistent ang color grading dahil sa paiba-iba nitong kulay.

Sa prod. design, hindi mo maintindihan kung tinipid ang wardrobe, costumes at art department dahil sa kakulangan ng mga detalye. Malabnaw ang pagkakatimpla ng PD.
Ito ay isang napakagandang materyal na hindi nahawakan ng tama.

Ang buong pelikula ay naging interesting dahil sa content o script. Napakaganda ng mga dialogue.

Pero kulang sa authenticity ang wastong pagbigkas ng mga character at kanilang pagkilos.

Hindi sila convincing na mga taong nabubuhay sa panahon ng World War 2.

MY VERDICT: 3 out of 5 Stars

1ST KO SI THIRD

I always dig movies on "one great love" themes kaya sobra kong nagustuhan ang "1ST KO SI 3RD" ngayon.

Unexpectedly, it's very enjoyable pala at nakakaiyak ang ending.

Damang-dama ko ang role ni Ms. Nova Villa as an old lady who reconnects with her first love. 

Perfect siya sa role ni Cory!

Siya ang inaasam kong mananalong best actress ngayong gabi.

Tama ang timpla ng emotions na ipinakita niya sa buong pelikula. Very convincing!

Mahusay din ang pagkaka-direk dito, napakalinis.

Maayos ang editing, musical scoring at color grading.

It's a very charming romantic light drama movie!

I super love it!<3 font="">

MY VERDICT: 4 out of 5 Stars

#CinemalayaX

Friday, August 8, 2014

BWAYA


Ano ang masasabi ko sa Cinemalaya X film na BWAYA?

Ang treatment at texture nito ay parang pinaghalong TUHOG ni Jeffrey Jeturian at THY WOMB ni Brillante Mendoza.

Maayos ang sinematograpiya ng legendary DOP na si Neil Daza. Very passable.

Mahusay ang pagkakadirek ni Francis Xavier Pasion. Nakapaglahad ulit siya ng epektibong kuwento ng paghihinagpis ng isang nanay na namatayan ng paboritong anak tulad ng JAY, ang kanyang unang pelikula.

Naa-appreciate ko ang mga pelikulang nagsasama sa akin sa hindi ko pa na-e-experience na lugar tulad ng Agusan province at ang kakaibang community dito na sadyang kawili-wili panoorin.
Magaling na aktres si Angeli Bayani ngunit para sa akin, hindi siya ang perfect actress to portray Divina, ang namatayang nanay sa kuwento. Mas bagay ang role niya at mas nagustuhan ko ang pagkakaganap niya sa pelikulang "Lilet Never Happened".

Dito sa BWAYA, masyadong mataas ang pag-arte niya sa mga eksena matapos malaman niya ang pagkamatay ng anak.

Kung susumahin ko sa kaisipan, makakatulong sana ito dahil tila kumu-contrast ang performance niya from her passive husband, ang mahusay na si Karl Medina, gumanap bilang asawa ni Divina, ama ng batang babae.

Pero sa tulad kong nakapanood ng JAY noon, na-compare ko na mas bagay at mas effective si Ms. Flor Salanga sa role na ibinahagi ni direktor (Pasion) sa bida ng kanyang pelikula.

Mabuhay ang BWAYA!<3 font="">

VERDICT: 4 Stars out of 5!

#CinemalayaX #Cinemalaya2014 #Bwaya