Monday, November 19, 2018

SEARCHING

Katatapos ko lang makanood ng very satisfying na mystery/thriller.

Itong SEARCHING.                      

Nang makita ko ang trailer nito noon, very promising na. Tapos, nung pinalabas 'to dito sa Pinas early part of this year, may isa akong friend na nagrekomenda sa aking panoorin ko daw at maganda nga daw. E, minsan kasi sumasablay din sa pagrerekomenda ng pelikula 'yung friend kong 'yun. Saka, ewan ko ba, busy din siguro ako that time kaya hindi ko ito pinag-effortan.

Until, makita ko nga sa Rotten Tomatoes na 93% ang tomatometer ratings niya. Kaya ako nagkainteres at dinownload ko sa torrents kamakailan lang.

Pambarag ko sa GLORIOUS kaya ko pinanood kani-kanina lang

Ito 'yung mga pelikulang iiwasan mong maihi sa sinehan para wala kang ma-missed out na detalye sa kuwento. Yung pelikulang magpapataas ng balahibo mo sa pa-Big Reveal. At yung klase ng pelikulang lalabasan mo sa sinehan nang nakangiti kasi satisfying 'yung ending. Sulit ka sa pinanood mo.

Kasi matapos ka nitong kurtahin at pakabahin sa umpisa hanggang gitna, hahandugan ka ng resolution na nakakaluwag ng dibdib. Nag-e-escalate 'yung tension e hanggang matapos. Tapos, flang! Isang rewarding na closing.

Ewan ko ba kung bakit di ito gumawa ng ingay sa social media nang mag-showing ito this year sa atin. Ganitong mga pelikula 'yung deserve na ma-hype e at pag-usapan.

Simple lang ang kuwento:                                             

Isang Asian American na Tatay ang nawawalan ng dalagitang anak  sa US kaya pinakialaman ang naiwang laptop nito para makakuha ng ebidensiya sa ikalulutas ng pagkawala ng anak. Sasamahan mo ang journey niya.

Mystery/Thriller? Check. Detective story? Check. Abduction? Check. Whodunit? Check. Father-Daughter movie? Check na check.

Lahat 'yan natutukan ng pelikula.

At ang pelikula ay pinresent sa screen recording ng laptop. Halos lahat. Screencast movie siya.

Yung pinakahuling pinanood kong ganito e 'yung UNFRIENDED noong 2015 sa sinehan. Puring-puri 'yung ka-FB kong director sa pelikula. Bago daw kasi 'yung filmmaking technique. Kaya sinama ko pa 'yung mommy kong nagbabakasyon sa Pilipinas noon sa sinehan. Ang ending,  very disappointed kami pareho. Ang simple-simple lang naman ng kuwento pero naguluhan kami. Bago pa lang kasi siguro sa akin 'yung ganung format ng pelikula. Ewan ko ba, pero nung pinauso ng BLAIRWITCH PROJECT ang Found Footage movie, nasakyan ko naman kaagad.

Kaya hindi rin ako naging fan ng mangilan-ngilang screencast movies e.

Pero itong SEARCHING, panalo!

Madali mo lang maiintindihan. Malinaw ang pagkakalahad. Parang kaharap mo lang ang laptop at nagmo-monitor ka lang ng mga ganap sa screen. Ganun siya ka-engaging.

Sa mga kaibigan mong MEMA, ito 'yung mga pelikulang ibibida nila sa'yo at pagkatapos mong mapanood,  pagkukwentuhan niyo ng tropa at sasabihan niya sa'yong "Sabi ko na e, siya 'yung may pakana. Sa umpisa pa lang, kinutuban na ako e." Yung kasama niyo si Jollibee sa kuwentuhan sa pagmamabida. Ganito 'yung pelikulang 'to.

Ako, aral ako sa whodunit na mga kuwento e. High school pa lang ako, naubos ko na ang Hardy Boys at  Nancy Drew mysteries. Pati Perry Mason mysteries ni Erle Stanley Gardner, natapos ko. Nung tumanda-tanda na ako, siyempre upgraded na. Nag-Jonathan Kellerman ako. Kaya kapag may hint ako kung sino ang may gawa ng krimen sa pelikula or sa nobela, tapos sa ending, tumama ang kutob ko, hindi ako natutuwa. Tulad ng GONE GIRL at THE GIRL IN THE TRAIN. Disappointed ako sa mga 'yun. Hindi ko inikutan ng upuan 'yun.

Kaya sa whodunit movies, kung minsan, nalalaman ko na kung sino ang salarin pero hindi ko alam kung ano ang kanyang motibo, nagugustuhan ko siya. Kapag clueless ako sa kung sino ang killer at kung ano ang motibo niya, pinapalakpakan ko ang writer. Kasi naligaw niya ako. Meaning, na-entertained niya ako sa paandar niyang liko sa kuwento kaya di ko namalayan na siya ang may gawa ng krimen.

Ang nasatisfied lang akong mystery/whodunit movie in recent years, e PRISONERS ni Dennis Villeneuve. Or mas earlier than that (2000s), pumantay 'yung IDENTITY ni  James Mangold, 'yung Korean film na MEMORIES OF MURDER at 'yung under-appreciated na pelikula ni Sylvester Stallone noon, D-TOX (EYE SEE YOU).

Tinumblingan ko 'yang mga 'yan.

Tapos ito na ngang SEARCHING 'yung pinaka-latest.

Winner siya!

Para sa mga naghahanap ng magandang late-night movie viewing, panoorin niyo ito at siguradong mag-eenjoy kayo.

Para sa mga Tatay na merong anak na dalagita diyan, watch this, ito ang bangungot niyo na dapat niyong matutukan para magkaroon kayo ng sense of parental control sa mga anak niyong menor-de-edad na very active sa social media.

At para sa mga whodunit at mystery/thriller fans, highly-recommended ko 'to sa inyo.

VERDICT:

Apat at kalahating banga sa pelikula at para sa TV actress na si Debra Messing na nagbalik-pelikula pero hindi gumawa ng ingay ang comeback.   

Friday, November 16, 2018

MANIFEST


Pinaka-recent TV series na nagpaiyak sa akin e ang POSE.

Prior to that, 'yung FEUD.

Bago ang FEUD, ang THE WALKING DEAD ('yung episode na namatay si Glenn Rhee).

Pero humagulgol ako sa LOST. Gabalde ang luha ko dun nang mag-final episode na 'yun.

Bakit may ganun akong pag-iinaso?             

Simple lang ang sagot: napamahal ako sa mga characters.

Kaya nga huminto na ako sa panonood ng THE WALKING DEAD after ng Season 6 e. Kasi 'yung mga writers at creative people behind the series e mga walang puso. Pumapatay na lang sila nang walang habas ng character(s) sa kuwento kada season. Naging bisyo na nila 'yun alang-alang sa ratings. Wala silang pagpapahalaga sa mga damdamin ng audience. Naging torture porn series na 'yung show.

Kaya kung may kutob ako na walang pagpapahalaga 'yung writers ng isang series sa audience at mas mahal nila ang ratings, dina-drop ko kaagad 'yung panonood. Lalo pa, kung nararamdaman kong pinakakapal na lang nila 'yung kuwento para ma-stretched pa 'yung show upang mas pagkakitaan pa kahit na puwede namang tapusin sa iisang season ito. Like 13 REASONS WHY at LOST IN SPACE, na pareho kong binitawan.

Buti na lang dito sa MANIFEST, wala akong ganung vibes na naramdaman.

Nakakaisang episode pa lang ako. Ito 'yung pilot episode, anufangavah?

At na-hooked na kaagad ako.

Ito ang concept:

Noong 2013, isang eroplano from Jamaica patungong America, lulan ang mahigit isandaang pasahero ang nakaranas ng matinding turbulence pero naka-land pa rin nang matiwasay sa kanilang destinasyon. Paglapag nila, nalaman nilang year 2018 na. Lagpas limang taon na ang nagdaan at hindi man lamang sila nagsitandaan.

Kung ano ang misteryong bumabalot sa flight nilang 'yun ang aalamin natin sa pagsunod sa mga characters (mga pasahero ng eroplano) sa mga susunod na episodes ng series.

Ito pa, lahat sila ay nakakarinig na ng boses para makapang-save ng ibang tao. Superpower?!

Supernatural/Mystery. Very interesting, 'di ba? My cup of tea.   

Ilang characters pa lang ang natututukan pero hitik na hitik na ito sa human drama.

Pilot pa lang, glued na ako.

Mukhang may iiyakan na naman akong series nito.

Friday, November 2, 2018

BOHEMIAN RHAPSODY


Nung bata ako, nagkaroon ng anniversary party ng prayer meeting dito sa tapat ng compound namin. Natural, aside from allelujiah/amen na ganapan, merong programa. At isang part ng programa, mini-play.



E gawa nang naghihintay ako ng distribution ng handa sa dulo ng event, no choice ako kung hindi tapusin ang programa at panoorin ang play.



Yung play e tungkol sa prodigal son. Tapos, may part dun kung saan nagmamakaawa 'yung Nanay niya (played by my auntie) sa anak para magbago at magbalik-loob na sa Panginoon.



Then pinlay sa sound system 'yung Bohemian Rhapsody.



Nabuhayan ako ng dugo. Nag-escalate ang lahat ng dapat mag-escalate sa katawan ko, including balahibo sa tumbong! Booster 'yung kanta!



Dun ko unang narinig 'yung Queen at na-appreciate ang music nila.



Tumatak sa akin 'yung memory na 'yun. Not because of the play, but because of the song.



Since then, pumasok na sa radar ko si Freddy Mercury at Queen. Na-rediscover ko siya sa cassette tape collections ng Uncle kong galing Saudi at hinihiram ko 'yung album niya ng QUEEN from time to time kapag hinahanap ng tenga ko ang bismillah.



Until, mag-high school ako at nakabili na ng CD ng Greatest Hits nila. Rape na ng play button sa player ang kasunod for years.



So, you see... familiar ako sa music ng Queen. Favorite rock band ko ito aside from Aerosmith. Come on, sino bang hindi nakakakailala sa kanila? May tao bang hindi nakaka-appreciate ng music nila aside from millennials?



Kaya na-excite ako nang malaman ko few months ago na may biopic about them. Hinintay ko ang release sate nito.



Kahapon, sinadya ko talagang panoorin ito sa sinehan sa gitna ng pagsusulat ng script.



Bakit?



Gusto ko kasing malaman kung totoo ang rumors na bakla at kung namatay nga ba sa AIDS si Freddy Mercury. 



Kung 'yun ba ang ending? Kasi alam ko naman ang tatakbuhin ng kuwento: origin ng banda, rise to fame, struggles, lovelife ng mga members, disbandment nila at 'yun nga... kamatayan ni Freddy.



(Drum rolls... Spoiler Alert)                                       



Lahat 'yan, nakita ko sa pelikula. Sobra akong satisfied kaya sa ending halos tumulo ang luha sa mga mata ko sa saya. Para akong nanood ng concert nila sa big screen.



Binuhay ni Rami Malek si Freddy!



Opening sequence pa lang, kinilabutan na ako. Yung eksenang papunta sa stage si Freddy para harapin ang libu-libong audience. Taena, likod pa lang, Freddy Mercury na. What more, kung humarap na at nagde=deliver na ng lines?



Sa isip-isip ko, tinapos na ni Rami ang race for best actor ng Oscars. Mukhang lulupain nito si Bradley Cooper sa A Star Is Born, na siyang niru-root ko for best actor sa next Oscars.



Until halfway through, hindi ko pa rin maramdaman 'yung character ni Freddy. Hindi ako maantig-antig sa pinaggagawa niya sa istorya. Hindi ako maka-relate.



Naghihintay ako ng moment niya na pang video clips kapag in-announce na 'yung name niya as nominees sa mismong awards night.



Wala.

Until 'yun nga, na-diagnosed siya ng duktor at sinupalpal sa kanya ang balitang may Aida siya. Dun ko lang siya naramdaman. Dun lang niya nakuha ang simpatya ko.



Mas naramdaman ko si Bradley Cooper sa A Star Is Born. Mas naramdaman ko ang struggle niya: Isang wasted na country singer na natagpuan ang love of his life, eventually nakaramdam siya na nauungusan na siya nito sa kasikatan at naging threat pa sa singing career nito kaya para hindi maging hadlang dito, nagpakamatay. Nagpaubaya siya para sa babaeng minamahal.



Mas iniyakan ko ang inenr struggle niya. Mas kinapitan ko 'yun.



Sabi nga ng Bee Gees... Emotions!



Yun ang wala at hindi ko naramdaman kay Rami Malek sa pelikula.



Bakit?



Kasi inintroduce siya sa kuwento bilang matapang na tao. Sinusuway ang mga magulang, pala-gimik at buo ang loob. Di ba, siya mismo ang nag-offer ng sarili sa banda na maging lead vocalist? So malakas ang loob niya. Until, sa kalagitnaan, pasaway sa producer. Mapagmataas. May attitude. Tapos, makasarili pa nang magdesisyong humiwalay sa banda. Sino ba naman ang matutuwa sa ganung character?



Si Bradley cooper, nagmahal ngunit hindi nga lang naging mabuti sa kanya ang mga consequences. Pero itong bratinellang si Freddy, gusto lang maging band vocalist tapos ang ending nagkasakit dahil sa kapokpokan?



Oo, may remorse siya pero hindi nabigyan ng emphasis 'yun. Single scene lang pinakita 'yun sa opisina ng bago nilang manager. At ang easy lang ng device, dinaan lang sa conversation with the band members. Tapos, nagkaayos na. Sigalot lang ng magkakaaway na bata sa kalsada ang peg?



Tsaka aminin mo, hindi gaanong natutukan ang love story nila ni Mary. Mas nag-focus sa kuwento ng banda, 'di ba? Well, biopic nga ng Queen at subplot lang ang love story ni Freddy. Pero dapat tumatak at nag-iwan ng marka. Mas gumawa pa ng eksena 'yung assistant niyang si Paul o ang ka-fling niyang si Jim e.



Kasi, 'yung break-up kay Mary ang dahilan kung bakit niya napabayaan ang sarili 'di ba?



Tapos ito pa, hindi ko pa naramdaman ang deterioration process ni Freddy. May AIDS na daw siya, not HIV ha, dapat papuntang levels na 'yan ni Ed Harris sa THE HOURS.



Nung umubo siya nang may dugo, hindi rin ako naalarma. May TB lang ba? Dahil sa stress sa tour at album preparation?



Yung conflict niya with his family, di ko rin naramdaman. Kaya balewala sa akin 'yung sana e powerful scene na nanood sa TV 'yung buong family ng concert niya sa ending. Yung eksenang 'yun pa naman ang isa sa pinakaimportante sa lahat e. Kasi in-embrace na ng tatay niya ang idea ng kasikatan ng anak at tinanggap na niya na may magandang naidulot ang pagiging pasaway nito.



Ang natutukan ng pelikula e 'yung authenticity ng pagiging Freddy Mercury. Yung galaw, pananalita, etc.



Pero wala itong emotions. Wala itong compassion na meron ang Forrest Gump at A Star Is Born.



Kung pulubi lang si Rami, hindi ko siya kakaawaan.



So, i'm still rooting for Bradley Cooper sa Oscars.



Pero palagay ko, ibibigay nila 'yan kay Rami e. Pinag-drag siya, pinakanta, binigyan ng choreography (halos sumirku-sirko na), pinahalik sa kapwa-lalaki.  Nagperform siya at nabigyan niya ng hustisya ang pagiging Freddy Mercury.



For me, it's a close fight between Bradley and Rami.



Sa lahat ng fans ng QUEEN, hindi niyo 'to dapat palampasin. Magsisisi kayo kung sa DVD niyo lang 'to pinanood. Movie viewing treat siya. Malalaman niyo ang origin ng halos lahat ng mga sikat nilang kanta. Kung may time nga lang ako, sana sa IMAX ko na lang pinanood 'to e.



Isa sa pinakasatisfying na biopic na napanood ko. Hindi ako umihi kahit isang beses at baka may ma-miss akong detalye.



VERDICT:                               



Apat na banga at ang buong pamilya ni Freddy Mercury naging props lang sa pelikula.