Pinaka-recent TV series na nagpaiyak sa akin e ang POSE.
Prior to that, 'yung FEUD.
Bago ang FEUD, ang THE WALKING DEAD ('yung episode na
namatay si Glenn Rhee).
Pero humagulgol ako sa LOST. Gabalde ang luha ko dun nang
mag-final episode na 'yun.
Bakit may ganun akong pag-iinaso?
Simple lang ang sagot: napamahal ako sa mga characters.
Kaya nga huminto na ako sa panonood ng THE WALKING DEAD after
ng Season 6 e. Kasi 'yung mga writers at creative people behind the series e
mga walang puso. Pumapatay na lang sila nang walang habas ng character(s) sa
kuwento kada season. Naging bisyo na nila 'yun alang-alang sa ratings. Wala
silang pagpapahalaga sa mga damdamin ng audience. Naging torture porn series na
'yung show.
Kaya kung may kutob ako na walang pagpapahalaga 'yung writers
ng isang series sa audience at mas mahal nila ang ratings, dina-drop ko kaagad
'yung panonood. Lalo pa, kung nararamdaman kong pinakakapal na lang nila 'yung
kuwento para ma-stretched pa 'yung show upang mas pagkakitaan pa kahit na puwede
namang tapusin sa iisang season ito. Like 13 REASONS WHY at LOST IN SPACE, na
pareho kong binitawan.
Buti na lang dito sa MANIFEST, wala akong ganung vibes na
naramdaman.
Nakakaisang episode pa lang ako. Ito 'yung pilot episode, anufangavah?
At na-hooked na kaagad ako.
Ito ang concept:
Noong 2013, isang eroplano from Jamaica patungong America, lulan
ang mahigit isandaang pasahero ang nakaranas ng matinding turbulence pero
naka-land pa rin nang matiwasay sa kanilang destinasyon. Paglapag nila, nalaman
nilang year 2018 na. Lagpas limang taon na ang nagdaan at hindi man lamang sila nagsitandaan.
Kung ano ang misteryong bumabalot sa flight nilang 'yun ang
aalamin natin sa pagsunod sa mga characters (mga pasahero ng eroplano) sa mga
susunod na episodes ng series.
Ito pa, lahat sila ay nakakarinig na ng boses para makapang-save
ng ibang tao. Superpower?!
Supernatural/Mystery. Very interesting, 'di ba? My cup of tea.
Ilang characters pa lang ang natututukan pero hitik na hitik
na ito sa human drama.
Pilot pa lang, glued na ako.
Mukhang may iiyakan na naman akong series nito.
No comments:
Post a Comment