Itong SEARCHING.
Nang makita ko ang trailer nito noon, very promising na. Tapos, nung pinalabas 'to dito sa Pinas early part of this year, may isa akong friend na nagrekomenda sa aking panoorin ko daw at maganda nga daw. E, minsan kasi sumasablay din sa pagrerekomenda ng pelikula 'yung friend kong 'yun. Saka, ewan ko ba, busy din siguro ako that time kaya hindi ko ito pinag-effortan.
Until, makita ko nga sa Rotten Tomatoes na 93% ang tomatometer ratings niya. Kaya ako nagkainteres at dinownload ko sa torrents kamakailan lang.
Pambarag ko sa GLORIOUS kaya ko pinanood kani-kanina lang
Ito 'yung mga pelikulang iiwasan mong maihi sa sinehan para wala kang ma-missed out na detalye sa kuwento. Yung pelikulang magpapataas ng balahibo mo sa pa-Big Reveal. At yung klase ng pelikulang lalabasan mo sa sinehan nang nakangiti kasi satisfying 'yung ending. Sulit ka sa pinanood mo.
Kasi matapos ka nitong kurtahin at pakabahin sa umpisa hanggang gitna, hahandugan ka ng resolution na nakakaluwag ng dibdib. Nag-e-escalate 'yung tension e hanggang matapos. Tapos, flang! Isang rewarding na closing.
Ewan ko ba kung bakit di ito gumawa ng ingay sa social media nang mag-showing ito this year sa atin. Ganitong mga pelikula 'yung deserve na ma-hype e at pag-usapan.
Simple lang ang kuwento:
Isang Asian American na Tatay ang nawawalan ng dalagitang anak sa US kaya pinakialaman ang naiwang laptop nito para makakuha ng ebidensiya sa ikalulutas ng pagkawala ng anak. Sasamahan mo ang journey niya.
Mystery/Thriller? Check. Detective story? Check. Abduction? Check. Whodunit? Check. Father-Daughter movie? Check na check.
Lahat 'yan natutukan ng pelikula.
At ang pelikula ay pinresent sa screen recording ng laptop. Halos lahat. Screencast movie siya.
Yung pinakahuling pinanood kong ganito e 'yung UNFRIENDED noong 2015 sa sinehan. Puring-puri 'yung ka-FB kong director sa pelikula. Bago daw kasi 'yung filmmaking technique. Kaya sinama ko pa 'yung mommy kong nagbabakasyon sa Pilipinas noon sa sinehan. Ang ending, very disappointed kami pareho. Ang simple-simple lang naman ng kuwento pero naguluhan kami. Bago pa lang kasi siguro sa akin 'yung ganung format ng pelikula. Ewan ko ba, pero nung pinauso ng BLAIRWITCH PROJECT ang Found Footage movie, nasakyan ko naman kaagad.
Kaya hindi rin ako naging fan ng mangilan-ngilang screencast movies e.
Pero itong SEARCHING, panalo!
Madali mo lang maiintindihan. Malinaw ang pagkakalahad. Parang kaharap mo lang ang laptop at nagmo-monitor ka lang ng mga ganap sa screen. Ganun siya ka-engaging.
Sa mga kaibigan mong MEMA, ito 'yung mga pelikulang ibibida nila sa'yo at pagkatapos mong mapanood, pagkukwentuhan niyo ng tropa at sasabihan niya sa'yong "Sabi ko na e, siya 'yung may pakana. Sa umpisa pa lang, kinutuban na ako e." Yung kasama niyo si Jollibee sa kuwentuhan sa pagmamabida. Ganito 'yung pelikulang 'to.
Ako, aral ako sa whodunit na mga kuwento e. High school pa lang ako, naubos ko na ang Hardy Boys at Nancy Drew mysteries. Pati Perry Mason mysteries ni Erle Stanley Gardner, natapos ko. Nung tumanda-tanda na ako, siyempre upgraded na. Nag-Jonathan Kellerman ako. Kaya kapag may hint ako kung sino ang may gawa ng krimen sa pelikula or sa nobela, tapos sa ending, tumama ang kutob ko, hindi ako natutuwa. Tulad ng GONE GIRL at THE GIRL IN THE TRAIN. Disappointed ako sa mga 'yun. Hindi ko inikutan ng upuan 'yun.
Kaya sa whodunit movies, kung minsan, nalalaman ko na kung sino ang salarin pero hindi ko alam kung ano ang kanyang motibo, nagugustuhan ko siya. Kapag clueless ako sa kung sino ang killer at kung ano ang motibo niya, pinapalakpakan ko ang writer. Kasi naligaw niya ako. Meaning, na-entertained niya ako sa paandar niyang liko sa kuwento kaya di ko namalayan na siya ang may gawa ng krimen.
Ang nasatisfied lang akong mystery/whodunit movie in recent years, e PRISONERS ni Dennis Villeneuve. Or mas earlier than that (2000s), pumantay 'yung IDENTITY ni James Mangold, 'yung Korean film na MEMORIES OF MURDER at 'yung under-appreciated na pelikula ni Sylvester Stallone noon, D-TOX (EYE SEE YOU).
Tinumblingan ko 'yang mga 'yan.
Tapos ito na ngang SEARCHING 'yung pinaka-latest.
Winner siya!
Para sa mga naghahanap ng magandang late-night movie viewing, panoorin niyo ito at siguradong mag-eenjoy kayo.
Para sa mga Tatay na merong anak na dalagita diyan, watch this, ito ang bangungot niyo na dapat niyong matutukan para magkaroon kayo ng sense of parental control sa mga anak niyong menor-de-edad na very active sa social media.
At para sa mga whodunit at mystery/thriller fans, highly-recommended ko 'to sa inyo.
VERDICT:
Apat at kalahating banga sa pelikula at para sa TV actress na si Debra Messing na nagbalik-pelikula pero hindi gumawa ng ingay ang comeback.
No comments:
Post a Comment