Para sa akin, ang isang comedy film na hindi nagpahalakhak
sa akin kahit isang beses sa isang eksena, i considered chaka. Kahit pa super
sikat ng bida o maganda 'yung kuwento. Kahit si Matthew Libatique pa ang
cinematographer nito.
Kasi comedy film nga 'di ba, tapos hindi ka natawa?
Balik-bayad na lang kung ganun.
Itong ANG PANGARAP KONG HOLDUP, limang beses akong
napahalakhak sa loob ng sinehan. Tawang-tawa ako!
Kuwento ito ng tatlong bobong holdupper na pangarap mag.No.
1 sa piniling karir.
Ganun lang kasimple ang concept.
Pero isang gintong titi ni Datu Puti sa probinsya ang magpapagulo
pa sa bobo at saksakan ng tangang mga bida.
Anlakas makagago, 'di ba? Gintong titi!
Sa umpisa, akala ko no-brainer comedy film lang ito. Don't
get me wrong, i love no-brainer films. Pambarag 'yan kapag nalulumbay ang
starlet. Well, depende pa rin pala. Yung cachupoy levels na comedy, nasusuka na
ako dun.
Sabi ko, 'tong concept na 'to nabuo habang ang mga creatives
e nag-iinuman tapos, pinitch nang animated at nakapasa sa kainuman din nilang
producer na nauto nilang makasama.
Habang tumatagal, naging intelligent comedy na siya.
Organized setups, devices, plant-offs, original punchlines.
Oo, may mga nakalusot na contraptions ng setups at punchlines.
Pero nakaiwas sa spoofed conventions at parodied cliches
kung saan nagtae ang Vice Ganda and Vic Sotto movies.
At hindi lang siya nag-rely sa mga jokes, kundi pati sa mga
characters. Blending ng character-driven at joke-driven ito. That's intelligent
humor. Yung tama 'yung timpla. Mahirap ma-achieve 'yun ng isang comedy writer.
Mukhang na-brainstorm at nabuo 'to ng writer habang kainuman
niya ang mga tropa niyang tambay na nakatira sa gilid ng riles.
Mas maappreciate 'to ng male audience.
Ito 'yung pelikulang pag-aagawan nina Adam Sandler, Jim
Carrey, Ben Stiller at Sacha Baron Cohen sa Hollywood kapag nagkaroon ng remake.
If you want to be entertained and have a good laugh, watch
this. Habulin niyo. Check CLICK THE CITY for cinemas and schedules.
VERDICT:
Apat na banga at ang gintong titi plot na bumarurot sa pelikula.
No comments:
Post a Comment