After kong mapanood ang malungkot na episode ng POSE kagabi,
kung saan namatay ang isang character ng series, alam ko kailangan ko ng romcom
movie para pambarag sa gloomy night.
Sinilip ko ang nasa watchlist ko sa Notepad ng cellphone.
Next in line na 'tong MOMOL NIGHTS Directed by Benedict
Mique.
Here's my take sa pelikula...
Yung treatment niya e parang Hollywood Romcom movies noong early 2000s, kung saan
nakabase ang ang pag-usad ng kuwento sa enumerated topics ng subject, which is
the art of Momol-ing. Kamolda ito ng HOW TO LOSE A GUY IN 10 DAYS ni Kate
Hudson at katimpla ng romantic movies ni Drew Barrymoore noon.
Yung ibang mga punchlines sa dialogue, familiar at nababasa
na natin sa mga memes at viral hugot posts sa social media. Though, may mga
nakalusot na ganun, mas maraming bagong linyahan.
Tingin ko, overused lang 'yung gamit ng millennial terms sa
dialogue na parang sinisigaw ng pelikula ang katagang "millennial movie
ito, huwag tanga!". Nakaka-slight irrirating lang. Kasi, hindi naman
kailangan na merong millennial terms kada convo with tropa o someone e para
masabing millennials ang mga character. Lahat ba ng baklang characters, dapat
marunong ng gay lingo? At saka 'yang millennial terms na 'yan, talamak lang ang
gamit dyan online at hindi sa usapan ng mga bagets sa totoong buhay. Yung isang
gamit lang ng word na "triggered" alam na ng audience na millennials
ang mga bida. Kaya even without those millennial terms, tatawid namang maganda
pa rin 'tong romcom movie na 'to e.
Yung malanding character ng lead na babae (Kim Molina, 'yung
bitchesang assistant ni Daniela Mondragon sa Kadenang Ginto) na sume-semi bakla
sa kapokpokan, aliw ako. havs na havs sa akin.
May katotohanan 'yung ganung character ng mga babae sa
panahon ngayon e. Authentic siya. Based siya sa reyalidad. Mas agressive na
talaga ang mga babae ngayon. Yung tipong gagawa sila ng paraan para matikman lang
ang lalaking gusto nila to the point na halos ligawan or vetsin-in na nila ito.
Desperada? Nope. Cheap? Nope.
Mas liberated lang.
At gusto ko 'yung ganung mga klaseng babae. Yung hindi
maaarte at nagpapaka-virgin.
Kaya likable para sa akin 'yung character ng lead actress
dito. Charming 'yung persoanality niya.
And she's really funny! Tawang-tawa ako sa kanya sa isang
eksena kung paano niya itinaboy ang isang babaeng nagpi-flirt sa leading man
niya sa art gallery scene. Galawang baks 'yun e. Panalo 'yun! That's hilarious!
Hindi lang 'yan, ang treat ng pelikula para sa mga pechay at
baks, tsaran.... si KIT THOMPSON! Ang sheref sheref ni kuya. Mapapahawak ka sa
vibrator mo na nakatago sa ilalim ng kutson sa mga sex scenes nila!
Kung gusto mong magbalik-tanaw sa una mong sex encounter or sa naka-one night
stand mong perfect guy na konting push na lang sana e kamuntikan mo nang maging
forever, watch this. Ito 'yung fairy tale na 'yun. Mapapa-reminisce ka sa
moments na 'yun. Mapapa-#RelateMuch.
Kilig overload! Baklang-bakla ang pelikula. Ang kikay-kikay!
Though, maikli lang 'yung running time ng movie e. Parang
kasinghaba lang siya ng anniversary special ng WAGAS. One and a half hour?
Parang ganun. Basta, hindi siya lalagpas ng 2 hours. Kaya medyo nabitin ako.
Pinang-fingger ko na lang 'yung sumunod na kalahating oras.
Over-all, ang masasabi ko lang sa pelikula, para siyang
'yung character ng lead actress... Cute and funny.
It's very entertaining. Watch mo ito sa I Want TV. Streaming
siya! Libre lang 'yun.
VERDICT:
Tatlo't kalahating banga at ang lead actress na naglalaro
kina Jodi Sta. Maria at Cynthia Patag ang fez at charm.
No comments:
Post a Comment