Nang mapanood ko ang trailer nitong LSS (Last Song Syndrome),
hindi talaga ako nagkainteres na panoorin ito. Hindi rin naman talaga ako faney
ng romantic movies E. Pinipili ko lang ang pinanonood kong romance movies.
Ang number 1 kong pinagbabasehan if dapat ko ba itong
pag-effortan ng oras e kung bet ko 'yung
leading man (kung pagfi-finggeran ko ba siya after) o may word of mouth na
maganda ito.
Hindi rin ako natutuwa sa mga lead characters na aspiring
musicians so wala akong kabalak-balak na panoorin ito.
Nang pumunta ako sa Robinsons Forum earlier, I was planning
to watch VERDICT. Kaso, hindi ito palabas dun. Nagche-check dapat muna kasi ng
sched sa Click the City, Joni. So i ended up watching LSS.
And i'm glad i did.
Para siyang Korean romantic movie. Napakalinis ng
pagkakagawa! Mula sa script hanggang sa cinematography, sound design at acting,
polished siya. Over-all direction, pulido. Napaka-glossy niya!
(spoiler alert)
Kuwento ito ng isang dalagang aspiring musician na
nagtatrabaho para sa pambuhay nila ng kapatid niyang pinapag-aral niya at sa isang
binatang in love sa bestfriend nitong bisexual.
Na-encounter nila ang isa't isa sa biyahe sa loob ng bus.
May spark at connection dahil pareho silang fan ng bandang Ben & Ben.
Pero hindi nila pinush ang attraction sa isa't isa. Hindi
nagkakuhaan ng Facebook at cell numbers. Kasi si Girl, merong boyfriend that
time. Tapos ito ngang si boy, in love kay bisexual bestfriend.
Nangangalahati na 'yung pelikula, hindi pa rin nagiging
sila.
Punyeta. Ito ba ay another case ng "Pinagtagpo pero
hindi itinadhana?".
Panoorin mo. Ayan ang sasagutin ng pelikula.
Ang ganda ng linyahan ng mga characters dito. Fluid ang
dialogue, hindi pretentious. The way they speak, millennials na millennials.
Hindi rin pala ako fan ng mga bida ditong sina Gabbi Garcia
at Khalil Ramos pero after ng movie, naging instant fan na nila ako. Ganda ni Gabbi!
Girl crush ko na siya starting today.
Life-affirming din 'yung movie. Kung aspiring musician ka,
kailangan mo 'tong mapanood. Makakarelate ka sa pinagdaraanan ni Gabbi dito at
mai-inspire kang ipagpatuloy ang pangarap mo.
What separates LSS from other mainstream romantic movies,
organic 'yung love story. Hindi pinilit. Kusa siyang nag-bloom.
Hindi rin siya predictable tulad ng ibang Star Cinema
romantic movies na bibilang ka lang ng 1, 2, 3, alam mo na sa bandang gitna,
magkakaroon ng confrontation scenes/dramahan at sa dulo, magkakabati o
maghahabulan sa airport habang traffic sa EDSA.
Kakaiba 'yung treatment nito. Kaya interesting siyang
tapusin.
May feels siya ng pelikula ni Mandy Moore na A WALK TO
REMEMBER for two reasons. Una, ang male lead, parehong may nire-resolve na issues
sa estranged father. At pangalawa, panalo 'yung soundtrack.
As in, walang tapon.
Mas maganda 'yung buong pelikula kesa sa trailer.
Ang LSS ay parang isang magandang kanta na masarap sa tenga.
Soothing, hindi nakakairita.
Habulin niyo sa mga sinehan at hanggang Sept. 19 na lang
siya.
VERDICT:
Tatlo't kalahating banga at ang winner na linyang "Fuck
you ka, anak" ni Tuesday Vargas.
No comments:
Post a Comment