Ang LOLA IGNA ay kasing charming ng MAGNIFICO na merong
poignancy ng BWAKAW.
Cute 'yung juxtaposition ng matanda at binatilyo. Na kahit
na magkaiba sila ng henerasyon, halos pareho lang sila ng struggle sa buhay:
may gustong takasan. Si Lola Igna, gusto nang mamatay. At si Yves naman,
gustong lumayo sa ina at bagong pamilya nito.
Pero dahil sa pagtatagpo nila, nagkaroon ng kahulugan ang
mga buhay nila. Naresolve ng bonding ng maglola ang mga dilemmang kinakaharap
nila.
It's a heartwarming tale about forgiveness and
reconciliation.
Kapag di nanalo si Angie Ferro ditong Best Actress, ewan ko
na lang. She played the title role immaculately. Wala na akong ibang makitang
lola na gaganap pa sa role niya sa pelikula tulad ng pagganap niya dito.
Tingin ko, mag-uuwi ito ng maraming awards from
international film festivals. Can't wait.
Kapag close ka sa lola mo, kailangan mo 'tong mapanood!
Sobrang makakarelate ka.
It's an ode to your lola.
Para sa akin, it's Eduardo Roy Jr.'s best concept.
VERDICT:
Apat na banga at ang arinola ni Lola Igna na puwedeng
iregalo kay Gretchen Diez nang makaihi na si bakla.
No comments:
Post a Comment