Friday, December 20, 2019

STAR WARS: THE RISE OF SKYWALKER


Hindi ako faney ng STAR WARS.

Pero everytime na merong bagong Star Wars movie, pinanonood ko talaga sa sinehan.

Bakit? Kasi gusto ko ang nai-experience kong visual spectacle na ini-offer nito. Interesting din sa akin ang mga alien creatures at mga out-of-this-world characters dito. Siyempre, hindi rin matatawaran ang bakbakan ng mga Jedis at Siths.

Well, given na 'yun.

Pero 'yung saga part... Leave it to the nerds. Hindi siya para sa akin.

Oo, nakapag-create siya ng sariling universe pero, ewan ko ba, hindi lang interesting sa akin 'yung politics at war angle na malaking element ng story arc ng buong Star Wars franchise. I hate political and war movies. I find it boring.

At sa totoo lang, nandun pa rin ako sa modang si Darth Vader pa rin ang kontrabida sa Star Wars.

Tulad ng ang panahon na ang pinakakilala ko sa PBA e nahinto kay Jaworski.

Sa NBA, si Michael Jordan.

Sa Rap, e Bone Thugs & Harmony pa rin.

Sa video game, Super Mario.

Sa divahan, si Whitney Houston pa rin.

Sa wrestling e sina Hulk Hogan, Jake The Snake at Andre D' Giant pa rin.

Na-fixate yata ako sa 80s at 90s era. Yun kasi ang bumuo ng pagkabata ko.

Yun ang definitive years ko e.

Ang tanging na-update lang sa firmware ng utak ko, 'yung Porn Actors.

Done na ako kina Ginger Lynn, Asia Carrera, Jon Dough at Peter North. Napagfinggeran ko na 'yang mga 'yan e. Naubos na nila ang lakas ko noon.

Pumasok na sina Jordi El Nino Polla at Brent Corrigan sa radar ko ngayon at in-embrace ko na sila sa utak ko. Na-gangbang na nga nila ako e.

QUIBOLOY STHAP.

Mabalik tayo dito sa finale diumano ng STAR WARS franchise, itong THE RISE OF SKYWALKER.

(Finale daw, o)

If I know, parang SHAKE, RATTLE AND ROLL lang 'yan. Ngayon pa lang, binubuo na ng creatives ang material para sa future sequels nito. Hangga't merong mapipiga sa kuwento nito, ipu-push pa rin ni George Lucas. Jusko. Sayang kaya ang cult following. Sayang ang kita. Bilyones din 'yun.

At sasabihin ko, sa lahat ng STAR WARS movies, dito ako sobrang nag-enjoy. Hindi sa KOKEY, anuvah.

STAR WARS: THE RISE OF SKYWALKER was a very satisfying movie experience.

Niyeta. This is how you end a successful franchise. Kung totoo man na ito na ang pinaka-final movie ha.

After ng ending, nang mag-roll ang end credits, saka ko lang nalaman na si J.J. Abrams pala ang nag-helm ng project na ito. Kaya naman pala naalagaan nang husto 'yung proyekto.

Para siyang AVENGERS: ENDGAME ng STAR WARS franchise. Ganung levels.

Ignore the bad reviews. Faney ka man o hindi, mapapapalakpak ka pagkatapos ng pelikula.

Watch.

Added treat na mapanood mo ito sa IMAX 3D, 4DX or DOLBY ATMOS para dumadagundong ang sound effects at para maramdaman mo ang pagtapyas ng lightsaber sa pisngi ng keps mo.

VERDICT:

Apat na banga at ang pa-cameo ng tatlong original STAR WARS Trilogy, isama mo na ang mga (drum rolls) Ewoks! Aminin mo, na-miss mo rin sila na pinakahuli mong napanood sa TIYANAKS.  

Wednesday, December 11, 2019

KNIVES OUT


Itong KNIVES OUT, panalo.

Para akong nagbasa ng whodunit mystery novel nang hindi nabagot at nawindang sa twist. Very satisfying.

Naibalik niya 'yung memory at pakiramdam ko nung teenager ako, noong panahong adik na adik pa ako sa pagbabasa ng mga whodunit/murder-mystery novels (Erle Stanley Gardner's Perry Mason Mysteries, Agatha Christie, Jonathan Kellerman, Hardy Boys, Nancy Drew, Sweet Valley High -- charot lang 'tong panghuli).

Yung mga nobelang matapos mong pagbintangan at pagsuspetsahan lahat ng possible murderer e biglang pipihit ng 360 degrees ang kuwento. Tapos, wiwindangin ka sa totoong killer at 'yung backstory ng motibo niya.

Ganito 'yun.

Akala ko nga based 'to sa isang mystery novel e. Pero hindi naman kinleym sa closing credits. Ang nakalagay lang 'written by'. So palagay ko, sinulat siyang diretso as a screenplay na.

Kuwento ito ng isang mayamang nobelista na natagpuan ng kanyang housekeeper isang umaga na patay na, naglaslas ng leeg. Isang private detective ang naatasang mag-imbestiga, ininterview isa-isa ang mga anak ng nobelista, mga pamilya nito na kasama sa mansion. Kasama pati ang nurse ng nagpakamatay na isang latina.

Halos lahat sila may motibo sa pagpatay at pagkamkam ng mana.

Ito ang tanong: Nagpakamatay nga ba ang nobelista o pinatay? Sino ang salarin?

Mukha ba siyang talk movie sa pagkukuwento? Boring? Oo, parang ganun na nga. More more chikahan verbola. Investigation kemerlu. Question and answer portion.

Buti na lang, suportado ng playful flashbacks ang mga chikahan kaya naging entertaining ito. Kung wala lang 'yung flashbacks na 'yun, puwede ka nang mag-mahjong o pusoy dos with your amigas sa loob sa  kaboringan.

Pero mas naging interesting pa ang pelikula nang pumihit ang kuwento nito bandang gitna nang ma-reveal 'yung totoong nangyari sa pagkamatay ni nobelista. From whodunit, nag-full blown murder mystery na siya.

Sa simula ng movie, akala ko magiging problematic ang script. Kasi sa kapapanood ko ng Forensic Files sa Netflix, alam kong ilang weeks lang, maso-solved na kaagad 'yung case na tulad nito sa tulong ng advanced forensic science sa States ngayon e. Buti sana kung sinet sa panahon ng MURDER SHE WROTE 'tong movie. Forgivable 'yun. Papasang authentic 'yung kuwento.

Kaso contemporary ito. Kahit buhay pa si Enrile, panahon na ito ng cellphone at internet. Kaya madali na lang maso-solve 'yung mga suicide-suicide na ganyan sa US.  
  
Buti na lang nagawan ng eksena at naipasok sa pelikula 'yung tungkol sa forensics process at araw lang ang time frame ng kuwento, hindi weeks.

Kung hindi, magtataas talaga ng kilay at mapapangiwi ang lahat ng Forensic Files fans sa movie. Sasabihin ng mga ito, "Huwag niyo kaming gawing tanga! Sa Pilipinas lang mabagal ang paglutas ng kaso dahil panahon pa ng Visconde Massacre ang huling update ng Forensics nila. Kaya nga hanggang ngayon, wala pa ring lead na sindikato sa mga van na nangunguha ng mga bata e. Magsitigil kayo!"

Ang pinakanagustuhan ko sa pelikula, bukod sa satisfying nitong twist (mas satisfying pa kesa sa pagsolve sa nawawalang diary sa MARA CLARA noon), e ang napakahusay na ensemble casting ng movie. Lahat nagperform! Lalong-lalo na ni Daniel Craig.

Nasorpresa talaga ako sa kanya, malalim pala siyang aktor. Habang pinanood ko siya kanina, minsan ang tingin ko, si Kevin Costner na 'yung umaarte. Minsan naman, si Joel Torre sa husay ng pagbitaw ng mga linya.

Hindi lang pala siya pang-angas-angasan acting tulad sa James Bond movies niya. Bigyan mo siya ng monologue, makaka-deliver 'yan si Daddy.

Kanomi-nominate siya sa pagka-Best Supporting Actor sa pelikula, para sa akin.

Sa mga whodunit/murder mystery fans diyan, habulin niyo 'to sa mga sinehan. Hindi kayo magsisisi. Mas makabubuting dapat nakakain kayo nang tama at nakatulog nang mahaba-haba bago niyo siya tuusin sa sinehan para mas maintindihan niyo ang pelikula. Maraming detalye kayong dapat malaman sa dialogue.

Kalevel 'to ng SEARCHING sa ganda.

VERDICT:

Apat na banga.  

Wednesday, December 4, 2019

HOTEL MUMBAI


Gusto mong makanood ng magandang action thriller? Yung kahit lagpas dalawang oras 'yung peliks e'di ka mabo-bored? Yung maninigas 'yung kalamnan mo sa suspense, enough para mapaanak ka nang wala sa oras sa bahay mo?

Watch mo itong HOTEL MUMBAI.

Day, ang ganda!

Base ang pelikula sa totoong pangyayari sa Mumbai, India noong 2008, kung saan inatake ng mga Muslim terrorist ang Taj Hotel. Doon, merong hidden room (tawag ng hotel e Chambers Lounge) kung saan dun nagsipuntahan ang mga survivors (mga hotel staff at VIP guests) para hintayin ang rescue. Pero limited lang 'yung unang nagsipuntahang pulis, lahat nategi pa at 'yung Special Forces pa nila e manggagaling pa sa New Delhi. Kaya kakain muna ng ilang oras ang kanilang paghihintay sa hidden room bago sila tuluyang ma-rescue.

Susundan mo ang mga natitirang guests sa loob ng hotel kung paano nila matutunton ang Chambers Lounge nang hindi sila mahuhuli ng mga teroristang pagala-gala sa bawat floor.

Mauunahan ba ng mga halang ang kaluluwang mga terorista ang mga guests at ang Special Forces sa pagtunton sa hidden room?

Masasagip pa ba ang 50+ surviving hotel guests sa loob ng hidden room?

Patayan galore. Barilan, bogahan ng baril sa ulo at ratratan ang pelikula. Walang sasantuhin ang mga teroristang may baluktot na paniniwala, 'yung nakahandang mamatay alang-alang sa relihiyon kahit nasa  maling gawain naman.

It's an intense survival movie. Nakakapanginig ng laman. Mapapadyak ka sa inis sa mga tangang desisyon ng ibang characters.

Pero satisfying ang ending.

Pinaka-favorite ko rito 'yung eksena rito nina Dev Patel at 'yung old woman/guest na papunta nang hysteria dahil sa kaganapan, kung paano niya ito pinakalma. Napaka-powerful ng mga linyang binitawan ni Dev Patel dun. Ganda ng pagkakasulat ng writer dun. Parang ang subtext nun e "Pantay-pantay tayo sa oras na 'to. Kailangan nating magtulungan para maka-survive."
     
Ka-level ang pelikula ng THE MIST ('yung movie version) at 'yung NO ESCAPE starring Owen Wilson, kung saan initsa niya sa rooftop ng building 'yung asawa't anak niya papuntang kabilang building para makatakas rin sa mga rebelde.

Remember 'yung eksena sa CITY OF  GOD kung saan pinasok ng gang 'yung isang hotel tapos niratrat lahat ng guest dun para pagnakawan? Ganun 'yung 80% ng pelikula.

Kasing bayolente rin siya ng PURGE at THE RAID.

Ganun.

Nasurpresa ako sa pelikula. Natuwa ako sa napanood ko. Na-entertained ako.

VERDICT:

Apat na banga at ang kumislot kong keps sa teroristang si IMRAN na kay sarap upuan. Yung kahit mukhang 'di naliligo at dugyot, mukha namang eight inches 'yung diameter ng nota.   


Friday, November 29, 2019

FROZEN 2


Big fan ako ng original FROZEN.

Naalala ko six years ago, mag-isa ko itong pinanood sa SM Megamall. Lumabas ako sa sinehang nakangiti at blown away.

Kinabukasan na kinabukasan rin, bumili ako ng CD ng soundtrack nito.

Inaraw-araw ko 'yun hanggang sa magsawa na 'yung kapitbahay ko sa kapapakinig sa sabayang pagkanta ko sa CR. Wa kems. Kulang na lang e tumuntong ako sa inodoro kapag bine-belt out ko 'yung chorus ng Let It Go.

Nagsawa na lahat pero 'yung tenga ko, hindi pa. Nakabisado ko pa nga halos lahat ng lyrics nun e.

Next to THE LITTLE MERMAID, instantly 'yun ang naging favorite Disney animated musical ko.

At pasok siya sa Top 10 List ko ng Best Animated Movies Of All Time sa pangunguna ng ISKO: ADVENTURES IN ANIMASIA. Chos.

Itong FROZEN 2, wala talaga akong planong panoorin. Kasabayan kasi 'to ng unang mainstream movie na kino-write ko, ang ADAN. Kontrabida 'to sa buhay ko. Pinataob kami nito sa box office e. So bakit ko tatangkilikin, 'di ba?

Pero, may forgiving heart naman ako. Ako 'yung taong walang ka-grudge grudge sa mga bagay na nakapagpasama ng loob ko. Saksi ang mga punyetang nanggago sa akin noon na nasa listahan ko ng ipatutumba sakaling yumaman na ako.

Chos ulit.

Dahil wala nang ADAN sa sinehan, i finally decided na silipin itong sequel ng FROZEN.

Hindi ako na-disappoint. Napakaganda!

Subalit... datapwat... bagaman...

Meron lang akong munting puna.

Sa mga nakanood na...

Medyo mataas siya, 'di ba?

Yung hindi siya pambata.

O sadyang ganitong level na ang katalinuhan ng mga bata ngayon? Kalinyahan na lahat ni Greta Thunberg ang understanding? Na ako na lang ang hindi upgraded at fixated sa notion ang cartoons e dapat kasing babaw at kasing-kingkingan lang dapat ng Cinderella o Princess Sara?

Kasi aside kay OLAF at sa visulas, hindi na ito pambata e.

Well, i'm speaking about the content - 'yung substance ng kuwento,  hindi pang grade school.

Mas papasang pang-Young Adult.

Kasi though tungkol ito sa journey ng mga bida sa Enchanted Forest para madiscover ang nakaraan ng kingdom at masolve ang misteryo ng enchanting voice, mas may deeper implication pa 'yung pelikula. Tungkol sa tiwala't pagtatraydor.

Puwede nga itong representation ng kinakaharap ng Pilipinas sa ngayon.

Yung Grandfather nina Elsa, puwedeng kumatawan sa bansang China.

Yung Enchanted Forest e ang Pilipinas.

Yung leader ng Northuldra, si Duterte.

Yung dam, ito 'yung mga proposals, mga huwad na pangako, deal na napagkasunduan nina Duterte at China.

Yung mga natirang tribe ng Northuldra, mga Dilawan.

Yung mga na-trapped na troop ng Arendellian soldiers, mga Dutertards.

Tapos, sina Elsa at Anna 'yung mga pinoy political activists na magtatama sa future sa nangyaring kaululan ng PDuts Administration sa past.

Then 'yung mga Earth Giants, 'yung mga pinoy na nagrebolusyon sa future.

Yan ang pumasok sa radar ko.

Pinakanagustuhan ko sa pelikula, si OLAF. Minsan lang ako makakita ng sidekick na hindi bobo. Malalim 'yung snowman na ito. Daming alam. At napaka-funny niya! Winner 'yung mga punchlines niya.

At hindi rin disappointing ang soundtrack ng movie.

Mapapakanta ka talaga ng "Into The Unknown" paglabas mo ng sinehan.

VERDICT:

Apat na banga at ang mas mahaba't malagong blondinang nakatirintas na hairdo ni Elsa na gagayahin na naman ng mga baklang impersonator sa mga future shows nila. Paghandaan ito.

Tuesday, November 19, 2019

ADAN SHOWING NA BUKAS!

Sugod na sa sinehan para sa #ADANmovie. Bukas na!

Nov 20 in cinemas nationwide.

Thursday, November 14, 2019

ADAN Advance Screening (FREE ADMISSION)

Here's your chance to watch #ADANmovie in advance and for free!

Watch the special advance screening this November 18, 2pm at UP Cine Adarna! Registration starts at 12nn. This will be in a first come, first serve basis!

ADAN opens November 20 in cinemas nationwide! UP Film Institute

Tuesday, November 5, 2019

NUUK



Niyeta. Ang ganda ng NUUK.

Kung ano ang inexpect ko sa trailer, 'yun ang napanood ko.

Sa simula, aakalain mong love story na may malungkot na ending ang pelikula sa pagmi-meet nina Alice at Aga na parehong nasa depressive state. Talak dito, talak doon ang characters nilang dalawa. Getting-to-know each other phase pa sila.

Sume-semi-comatose movie siya sa simula or dahil kaya sa milieu? Effective at ang perfect kasi ng Nuuk bilang backdrop ng kuwento.

Sa totoo lang, hindi pa ako sold sa pagka-cast kina Aga at Alice sa umpisa. Sa isip-isip ko, hindi sila ang perfect casting. Mas si Derek Ramsey at aktres na Maricel Soriano-caliber ang nakikita ko dito.

Until pumasok 'yung anak ni Alice, naging mother-son drama na ang timpla. Again, hindi rin ako sold sa pagka-cast sa anak ni Alice dito. Mukhang ewan. Hello, mas marami pa naman sigurong good-looking at marunong umarteng Danish boy kesa sa gumanap. Mukhang anak ng producer kaya naisingit lang e.

Sa puntong ito, medyo nabo-bore na ako. Mukhang walis 'tong movie, nasabi ko sa sarili ko.

Slow-paced kasi. Walang ganap sa kuwento. Puro chikahan.

Hindi malinaw ang pinupuntahan. Love story ba ito or family drama? At saka bakit ang gloomy ng timpla? May pay-off ba ito sa ending?

Akala ko madi-disappoint ako ni Veronica Velasco for the first time. Lahat kasi ng pelikula niyang napanood ko, nagustuhan ko. Faney ako ng mga movies niya. From INANG YAYA to DEAR OTHER SELF, lahat nagustuhan ko talaga.

Then sa Third Act, naging mystery-thriller na ang moda. Teka nga, baliw ba si Alice? May pagka-psycho-thriller na ba ito?

Nag-escalate ang pelikula.

At ang panalong twist. BANG!

Nahulaan ko man 'yung twist pero huli na. Nandun na mismo sa eksena kung saan mari-reveal na kay Alice ang lahat.

Lahat ng mga pangyayari sa simula, nag-make sense sa ending. As in lahat, walang naiwanang butas. Tahing-tahi ang lahat. Pulido ang pagkakasulat ng script.

Pati 'yung disappointment ko sa pagka-cast kina Aga, Alice at dun sa anak e binalewala ko sa ganda ng twist.

Napapalakpak ako.

Meron akong napanood na US movie na may katulad na ganitong treatment noon e. Nakalimutan ko lang 'yung title at mga artista. Pareho rin ang setting, may pa-snow-snow kineme rin.

Pero wala pa akong nakitang ganito sa Pinoy movie. Wala itong katulad dito. Kakaiba siya.

Tagumpay ang blending ng romance, drama at thriller. Nag-create siya ng sariling timpla.

Kung ito mapapanood ng foreigner producer, iti-tweak lang ito ng konti (babaguhin ang milieu at iwa-whitewashed casting lang), hollywood movie na.

Nakikita ko sina Diane Lane or young Sally Field sa role ni Alice at isa kina Jake Gyllenhaal or Ryan Gosling ang perfect sa role ni Aga. Tapos sa role ng anak ni Alice, si Tom Holland. At isa sa dalawang gaganap sa lead role ang mano-nominate sa Oscars.

Ganun kaganda ang concept. Pang-hollywood material siya.

Hindi rin ako magugulat kung magkakaroon ito ng South Korean remake sa near future.

Sa mga mahihilig sa mystery thriller with unexpected twist diyan like me, highly recommended ko 'to sa inyo. Di masasayang ang effort at pera niyo.

Topnotch Pinoy thriller. Mabigat nga lang ang handle.

Panoorin niyo!

VERDICT:

Apat na banga.

ADAN SHOWING ON NOV 20 NATIONWIDE


ADAN

A farmer's daughter enlists the help of her best friend to escape the clutches of her father and lonely life in the barren rice fields of her youth — their friendship deepening into a sexually charged romance and threatened by secrets that could end the two women's love affair.

Directed by Roman Santillan Perez, Jr.
A story written and produced by Yam Laranas
Screenplay by Jonison Fontanos & Roman Perez, Jr.

Starring Cindy Miranda and Rhen EscaƱo

FRACTURED

Dalawa lang naman ang possible conclusion ng isang psychological thriller. Either, totoo o hindi ang nagpapakurta ng utak ng bida. So, predictable na ang ending.

Mas interesting sa akin 'yung journey ng movie. Kung paano niya ako binaliw sa pag-iisip if ano ba ang totoo sa kuwento ng bida? Kung paano niya ako hindi pinaantok kahit simple lang ang premise at boring ang camera works.

Dun ako sa magandang pagkakalahad.

Hindi kaya fragment lang ng kurtadong utak ng bida ang lahat?

O baka totoo namang nangyari pero wala lang naniniwala sa kanya?

Kaya applauded sa akin 'tong FRACTURED sa Netflix e.

Ganda ng treatment!

Kasing level ng IDENTITY, PRISONERS, BLACK SWAN at FRAILTY 'to sa akin.

Much better than the disappointing SHUTTER ISLAND.

To think, minimal lang ang locations ng buong pelikula. Tatlo lang, i think. Isa pa dun ang highway.

Na-pull off ng director ang isang magandang script.

Apat na banga.

Friday, November 1, 2019

Pasilip sa ADAN (Directed by Roman Perez Jr.)

Dito tahimik. Dito malayang magmahal.

#ADAN is showing in Philippine cinemas starting November 20.

Starring Rhen EscaƱo and Cindy Miranda.

Film by Roman Santillan Perez, Jr.

Story written and produced by Yam Laranas

Screenplay by Jonison Fontanos and Roman Perez, Jr.

#LoveLustLiesAdan

Friday, October 25, 2019

ADAN Official Trailer

ADAN Official Trailer

A farmer's daughter enlists the help of her best friend to escape the clutches of her father and lonely life in the barren rice fields of her youth — their friendship deepening into a sexually charged romance and threatened by secrets that could end the two women's love affair.

Directed by Roman Santillan Perez, Jr.
A story written and produced by Yam Laranas.

Starring Cindy Miranda and Rhen EscaƱo


Showing nationwide this Nov. 20, 2019!

Friday, October 18, 2019

ADAN - MUSIC VIDEO

Adan - OST

"HIMIG NG PAG-IBIG"
by Shanne Dandan

Music and lyrics by Lolita Carbon
Produced by Yam Laranas and ZILD
Arranged by ZILD
Directed by Roman Perez Jr.

Showing on NOV. 20, 2019 Nationwide.


Saturday, October 5, 2019

MELODY (1971)

Dahil saturated na ako sa complex interwoven plotlines ng Netflix movies & series sa loob ng ilang linggo, naghanap ako earlier ng lumang pelikula.

Natagpuan ko 'tong not so popular British film na MELODY. Pinalabas siya noong 1971, colored film naman pero sepia na ang kulay ng pelikula sa kalumaan.

Puppy love story. Baby Love ni Peque Gallaga ang drama.

Kuwento ito ng isang batang lalaki (yes, bata. papasang teenager pero mukhang hindi pa bulbulin) na bagong pasok sa school. Naging kaibigan niya ang pasaway na kaklase  at nag-click ang friendship nila. 

Hanggang sa makilala ng bida ang schoolmate nilang teenage girl, si Melody. Nagka-"inlaban" ang dalawa. Nag-jelly ace si pasaway na buddy at binully sila. Na-jeopardized ang friendship ng dalawa. 

Pero nanaig ang "pagmamahalan" nila ni Melody. Ang ending, ikinasal sila sa eme-emeng wedding organized by pasaway buddy para makabawi. At ang mga attendees e mga classmates nila at ginanap ito sa hideout ng mga ito.

Pinakahuling eksena: nasa train dolly track 'yung dalawang bida at itinulak ni pasaway buddy ito.

Parang ang subtext: humayo kayong taglay at magpakarami, mga batang pasaway!

The end. Nag-roll ang end credits.

Halos mabato ko ang mouse ng computer sa screen ng TV monitor sa inis. Niyeta, kingkingan to the fullest!

Hindi 'to papasa sa mga mainstream producers ngayon. Sobrang simple. Ang payak-payak. Nag-inarte lang 'yung mga batang characters.

Pero nagustuhan ko naman siya.

Bakit?

Unang-una, sapat na sa akin na ang soundtrack ng movie e BEE GEES songs. Parang hinaharana ako ng familiar songs nila habang nagpo-progress ang istorya.

Nope, wala siyang magical moments. Pero pinagtiyagaan ko siyang tapusin kahit almost two hours pa siya. Kailangan ko ng ganitong pelikula para mas ma-appreciate ko ang mga bagong movies ngayon e. 

Ito ang nagpapabalik sa aking kamalayan na ganito ang puppy love story noon.

Ito ang nagpapaalala sa akin na 1971 pa lang, uso na ang lumandi. Uso na ang maagang pumokpok.

Minsan, ganito ang wala sa mga bagong pelikula ngayon e. Yung simplicity. Simple story. Simple plotlines. Simple camera works. Less CGI-heavy sana kasi minsan hindi naman na kailangan. Anything na nakakapag-add sa pagiging complicated ng pelikula, iwasan. Para lumutang ang ganda. 

Simplicity. Powerful kaya 'yun. 

VERDICT:

Tatlong banga at ang napakapoging bidang bagets na saving grace ng movie. Pang-kiddie meal! #BantayBata163 here i come. 

Friday, October 4, 2019

IN THE TALL GRASS


Mindfuck 'tong IN THE TALL GRASS ng Netflix. Pero ang ganda!

Ang kuwento?  

Tungkol sa magkapatid (isang binata at ang sister niyang 6-month preggy) na nag-cross-country trip sa US. Nang mag-stop-over sila sa Kansas, sa mataas na damuhan - lagpas tao ang taas - meron silang narinig na bata na humihingi ng tulong. Pinasok nila ang damuhan para sana tulungan ang bata pero na-trapped  na rin sila sa loob tulad ng naunang pamilya na pumasok doon.

Naka-enter na pala sila ng ibang dimension.

Ang tanong, makakalabas pa kaya sila?

Supernatural horror. Based siya sa short story ni kino-wrote ni Stephen King at ng anak nitong si Joe Hill.

One location movie lang siya. 90 %, sa damuhan lang nangyari ang pelikula! Ang tipid ng production nun ha.

Ang simple lang ng plot, 'di ba?

Para siyang early works ni Stephen King sa mga short story collections niya.

Para siyang Children Of The Corn concept na pinadirek mo kay Christopher Nolan o pinasulat mo kay Charlie Brooker ng Black Mirrror.

Old-fashion Stephen King horror story na merong cerebral approach. Nakakawindang. Ganyan siya.

Maaaring magkaroon ng iba-ibang interpretation tayo dun tungkol sa monolith sa gitna ng damuhan. Ano ang nasagap ko? PM me if pareho tayo once napanood mo na.

Horror and SK fans, watch niyo. Hindi kayo madi-disappoint.

Para rin siya sa mga highbrow moviegoers. Maa-appreciate niyo 'yung movie kasi mai-stretch nang slight ang brain cells niyo. Pag-iisipin kayo nito.

Hindi naman siya kasing tuliro ng US ni Jordan Peele na matutulala ka na lang pagkatapos mong mapanood. Walang ganung kabaliwan 'tong movie.

Dito, meron at meron ka pa ring maiintindihan. Mada-digest mo naman 'yung pelikula. Medyo magpa-panic nga lang 'yung utak mo.

Tuesday, September 17, 2019

COMING SOON: ADAN


Coming Soon: ADAN

Starring Rhen EscaƱo and Cindy Miranda with Bembol Rocco, Ruby Ruiz and Epi Quizon


Story by Yam Laranas

Screenplay by Jonison Fontanos & Roman Perez Jr.

Direction: Roman Perez Jr.

Peroduced by Viva Films, Aliud Entertainment and ImaginePerSecond 


.

Sunday, September 15, 2019

LSS (LAST SONG SYNDROME)


Nang mapanood ko ang trailer nitong LSS (Last Song Syndrome), hindi talaga ako nagkainteres na panoorin ito. Hindi rin naman talaga ako faney ng romantic movies E. Pinipili ko lang ang pinanonood kong romance movies.

Ang number 1 kong pinagbabasehan if dapat ko ba itong pag-effortan ng oras e kung  bet ko 'yung leading man (kung pagfi-finggeran ko ba siya after) o may word of mouth na maganda ito.

Hindi rin ako natutuwa sa mga lead characters na aspiring musicians so wala akong kabalak-balak na panoorin ito.

Nang pumunta ako sa Robinsons Forum earlier, I was planning to watch VERDICT. Kaso, hindi ito palabas dun. Nagche-check dapat muna kasi ng sched sa Click the City, Joni. So i ended up watching LSS.

And i'm glad i did.

Para siyang Korean romantic movie. Napakalinis ng pagkakagawa! Mula sa script hanggang sa cinematography, sound design at acting, polished siya. Over-all direction, pulido. Napaka-glossy niya!

(spoiler alert)

Kuwento ito ng isang dalagang aspiring musician na nagtatrabaho para sa pambuhay nila ng kapatid niyang pinapag-aral niya at sa isang binatang in love sa bestfriend nitong bisexual.

Na-encounter nila ang isa't isa sa biyahe sa loob ng bus. May spark at connection dahil pareho silang fan ng bandang Ben & Ben.

Pero hindi nila pinush ang attraction sa isa't isa. Hindi nagkakuhaan ng Facebook at cell numbers. Kasi si Girl, merong boyfriend that time. Tapos ito ngang si boy, in love kay bisexual bestfriend.   

Nangangalahati na 'yung pelikula, hindi pa rin nagiging sila.

Punyeta. Ito ba ay another case ng "Pinagtagpo pero hindi itinadhana?".
Panoorin mo. Ayan ang sasagutin ng pelikula.

Ang ganda ng linyahan ng mga characters dito. Fluid ang dialogue, hindi pretentious. The way they speak, millennials na millennials.

Hindi rin pala ako fan ng mga bida ditong sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos pero after ng movie, naging instant fan na nila ako. Ganda ni Gabbi! Girl crush ko na siya starting today.

Life-affirming din 'yung movie. Kung aspiring musician ka, kailangan mo 'tong mapanood. Makakarelate ka sa pinagdaraanan ni Gabbi dito at mai-inspire kang ipagpatuloy ang pangarap mo.

What separates LSS from other mainstream romantic movies, organic 'yung love story. Hindi pinilit. Kusa siyang nag-bloom.

Hindi rin siya predictable tulad ng ibang Star Cinema romantic movies na bibilang ka lang ng 1, 2, 3, alam mo na sa bandang gitna, magkakaroon ng confrontation scenes/dramahan at sa dulo, magkakabati o maghahabulan sa airport habang traffic sa EDSA.
 
Kakaiba 'yung treatment nito. Kaya interesting siyang tapusin.

May feels siya ng pelikula ni Mandy Moore na A WALK TO REMEMBER for two reasons. Una, ang male lead, parehong may nire-resolve na issues sa estranged father. At pangalawa, panalo 'yung soundtrack.
As in, walang tapon.

Mas maganda 'yung buong pelikula kesa sa trailer.

Ang LSS ay parang isang magandang kanta na masarap sa tenga. Soothing, hindi nakakairita.

Habulin niyo sa mga sinehan at hanggang Sept. 19 na lang siya.

VERDICT:
Tatlo't kalahating banga at ang winner na linyang "Fuck you ka, anak" ni Tuesday Vargas.

Tuesday, September 10, 2019

LOLA IGNA


Ang LOLA IGNA ay kasing charming ng MAGNIFICO na merong poignancy ng BWAKAW.

Cute 'yung juxtaposition ng matanda at binatilyo. Na kahit na magkaiba sila ng henerasyon, halos pareho lang sila ng struggle sa buhay: may gustong takasan. Si Lola Igna, gusto nang mamatay. At si Yves naman, gustong lumayo sa ina at bagong pamilya nito.

Pero dahil sa pagtatagpo nila, nagkaroon ng kahulugan ang mga buhay nila. Naresolve ng bonding ng maglola ang mga dilemmang kinakaharap nila.

It's a heartwarming tale about forgiveness and reconciliation.

Kapag di nanalo si Angie Ferro ditong Best Actress, ewan ko na lang. She played the title role immaculately. Wala na akong ibang makitang lola na gaganap pa sa role niya sa pelikula tulad ng pagganap niya dito.

Tingin ko, mag-uuwi ito ng maraming awards from international film festivals. Can't wait.

Kapag close ka sa lola mo, kailangan mo 'tong mapanood! Sobrang makakarelate ka.

It's an ode to your lola.

Para sa akin, it's Eduardo Roy Jr.'s best concept.

VERDICT:

Apat na banga at ang arinola ni Lola Igna na puwedeng iregalo kay Gretchen Diez nang makaihi na si bakla. 

Monday, September 9, 2019

FORENSIC FILES


Done with 40 episodes of FORENSIC FILES on Netflix.

Ito ang apat na bago kong natutunan  after binge-watching the program:

1. Na ang mga serial killers ay merong kinukuhang isang gamit ng mga binibiktima nila at ang tawag nila  dito ay "Trophy".

2. Na ang mga forensics e mayroong Rape Kit ng bawat rape cases, kung saan nakapaloob ang DNA profiles ng victim at suspect na puwede nilang balikan kapag naging cold case na ito.

3. Na halos lahat ng kasong pagpatay, ang may kagagawan  e mga mahal sa buhay o 'yung mga taong malapit sa biktima (kapamilya, kaibigan, kasamahan sa work, etc).

4. Na lahat halos ng mga kriminal (murderer, rapists, etc) e may history ng drug addiction or mental illness.

5. Na sa programang ito kinopya ng SOCO at IMBESTIGADOR ang mga format nila.

Taena, kakaadik siya!

Sana magkaroon na ng mga bagong episodes! Can't wait.

Friday, August 30, 2019

WEATHERING WITH YOU


Nagustuhan ko naman 'yung mga tagalized anime noong 90s like Princess Sara, A Dog Of Flanders at Remi Nobody's Girl. Pero hindi ako gaanong familiar sa Japanese movies, much more sa animated films nila.

Never pa akong nakanood ng AKIRA KUROSAWA films. Alam ko, favorite siya ng mga cinephiles. Pero di lang talaga ako nagkainteres na silipin ang works niya. Not my cup of tea siguro. Ayoko namang maging pretentious na sabihing napanood ko na 'yung mga movies niya, 'di ba?

Pero some of Takashi Miike's works, napasadahan ko't nagustuhan. I dig his works. Lalung-lalo na 'yung AUDITION. Pati ni Hideo Nakata ng RINGU. Pawang horror filmmakers kasi.

Sa totoo lang, ang mga pinanood ko lang na Japanese movies e mga J-Horror noong early 2000s (Ringu, The Grudge. etc).

At isang japanese film lang ang pinakanagustuhan ko talaga, ito 'yung NOBODY KNOWS. Tumambling ako dun with kasamang acrobatics sa ere sa sobrang ganda!

In recent years, as in wala pang limang taon ang nakakaraan, natagpuan ko naman ang SPIRITED AWAY. Favorite kasi ng kakilala kong writer 'yun kaya na-curious ako't dinownload ko sa torrents.  Hindi naman ako na-blown away sa ganda.

But it caught my interest. Sabi ko, may ibubuga pala ang Japan sa paggawa ng animated films. In terms of narrative at visual storytelling, unique sila. Malamig sa mata. Dama mo 'yung lugar e. May magic.

Next to that, na-encountered ko ang THE GRAVE OF THE FIREFLIES. Niyeta, sumikip ang dibdib ko sa pelikulang 'yan. Nadurog ang puso ko sa sinapit ng magkakapatid sa panahon ng giyera. Torture 'yung movie na 'yan sa mga mabababaw ang luha. Paiiyakin ka talaga ng swarovski.

Pangatlong Japanese animated movie na napanood ko, WOLF CHILDREN . Split din ako sa pelikulang 'yun sa ganda. Tungkol sa single mom na merong dalawang anak na nagiging wolf. Simple, pero may kagat rin sa puso.

Guess kung ano ang pang-apat?

Itong WEATHERING WITH YOU na.

Wala talaga akong balak panoorin 'to kanina sa Robinsons Forum. Nasira kasi ang knob ng bagong aircon ko (Oo, ke bago-bago, nasira! Wag kayong bibili ng EUREKA aircon! Mahinang klase gawa nang siya ang pinakamura).

Pumunta ako ng Forum to buy a replacement knob sa ACE Hardware dun sana. Alam ko, bukas ng tanghali, sa sobrang init, hihiwalay na naman ang betlog ko sa katawan. Ayoko nang maulit 'yun. Nangyari sa akin 'yun noong nakaraang summer e.

E kaso, hindi available sa ACE. So sabi ko, instead na umuwi akong walang ganap at masayang lang ang punta ko dun, manonood na lang ako ng sine.

Kaya ito ngang Japanese animated film na 'to ang pinanood ko.

(SPOILER ALERT)

Kuwento ito ng isang binatilyo na istokwa (stowaway) sa mga magulang na napadpad ng Tokyo. Namulubi dun, walang makain at matirhan. Until nakahanap siya ng trabaho, bilang assistant sa maliit na publishing company. Stay-in siya at libre meals.

Ang una niyang assignment e tungkol sa mga Urban Legends na nakapaloob sa hindi matapos-tapos na maulang weather sa Tokyo. Unlimited  rainy season ang peg.

At nagresearch siya tungkol sa isang babaeng may kakayahang magpaaraw sa gitna ng ulan. Tinagurian nila itong si 'Sunshine Girl".  Mutant? Hindi, gifted lang.

Along the way, mae-encounter niya si Sunshine Girl sa isang unexpected turn. Kinuha niya itong partner sa online business niyang itatayo, ang serbisyo nila ay ang magpaaraw ng isang lugar sa gitna ng ulan sa pamamagitan ng power ni Sunshine Girl. Mga customer nila, mostly mga event organizers.

Maganda ang takbo ng negosyo. Malaki ang kita.

Kaso, na-inlove si binatilyo kay girl.

Ito ang twist: Para palang sumpa ang gift ni Sunshine Girl. Sa kada paaraw niya, unti-unti siyang mawawala na parang bula. Sacrifice ng sarili niya para sa kasiyahan ng iba? Parang ganun na nga.

Paano na ang love story ni binatilyo? Kakayanin kaya niya itong ipaglaban kahit na lamunin na si Sunshine Girl ng mga ulap sa kalangitan?

Yan ang tatakbuhin ng pelikula.

Romantic fantasy!

Naalala ko 'yung 90s movie na nagustuhan ko noon dito, 'yung POWDER at WHAT DREAMS MAY COME. May elements siya nun. Meron siyang katiting na magic realism.

Maganda rin ang concept, 'di ba? Panahon yata ngayon ng mga weird concepts like RADIUS, LOVE ALARM at ANG BABAENG ALLERGIC SA WI-FI.

Nakakakilig? Check.

Cute? Check.

Kakaibang concept? Check na check. Very original siya. Walang katulad.

WEATHERING WITH YOU is a beautiful Japanese animated film. Napangiti ako ng pelikulang ito.

Worth a check.

VERDICT:

Apat na banga.

Monday, August 5, 2019

FUCCBOIS


Just came from FUCCBOIS Gala Night.

Here's my take on Direk Eduardo Roy Jr. Cinemalaya entry this year:

Iiwasan kong maging biased dahil friendship ko si Direk Edong at isa ako sa nag-extra sa pelikula.

Oo, apat na beses nag-flash at lumabas sa fillers ng eksena ang mukha ko. Mapapansin 'yan ng mga friends at kakilala kong makakanood nito.

Truth is, i had the privilege of reading the earlier draft of FUCCBOIS. Pinabasa sa akin ni Edong. Kaya alam ko ang mga nabago at nadagdag na eksena sa shooting script.

Napakasimple lang ng script. Wala itong dramatic highlights aside sa ending part. Paano naman kasi, isang araw lang nangyari ang kuwento. Di na kinailangan ng mga inciting incidents o ng significant subplots. Sa loob lamang ng 50 or more sequences, tapos na ang script.

Pero may deeper implications ang kuwento.

Substantial ang script.

It's about social media fame. Dreams. Corruption. Politics. Sex. Murder.

Knowing Edong naman, hindi 'yan gagawa ng pelikula na wala kang mapupulot. Hindi moral lessons, gagah. Insights.

At dahil sa ganda ng direction ni Edong, napaganda na naman niya ang isang simpleng kuwento.

Nasalsal niya ang bawat detalye sa script. Nag-bleed sa cinematic merit ang pelikula.

At nanganak na naman siya ng dalawang baguhan na mukhang kikilalaning aktor sa industriya sa ipinamalas na galing sa pag-arte. (Remember Mimi Juareza of Quick Change at Hiyasmine Kilip of Pamilya Ordinaryo)

Ayan ang magic niya. Tatak Edong 'yan.

Turning a simple script into a powerful movie.

Pero hindi ito para sa mga conservative moviegoers. You're in for a shock sa crime scene! Intense 'yun. Shocking asia siya!

Para sa akin, hindi ito ang best film ni Edong. Hawak pa rin ng Pamilya Ordinaryo 'yun.

Pero ito ang pinakamatapang niyang pelikula in terms of nudity and material, so far.

Nakakawindang ang chupchapan ni Yayo Aguila sa lead actor na si Royce Cabrera at ang pagsubo ni Ricky Davao sa hinlalaki sa paa ng bida sa sex scene. Nalukret ako dun.

Malamang kung may madre lang na manonood, tiyak akong mapapaihi sa loob ng sinehan.

Binigyan ng pelikula ng unsettling feel ang tanong na "Who's your mommy?".

WATCH.

VERDICT:

Apat na banga para sa apat na kuha ko sa pag-eextra sa pelikula.

#Fuccbois #Cinemalaya2019

Ito ang schedule of screenings:




Thursday, August 1, 2019

HELLO, LOVE, GOODBYE


Sa tatlong pelikula ni Kathryn Bernardo na napanood ko, dito ko lang siya nagustuhan sa HELLO, LOVE, GOODBYE.

Gumradweyt na rin siya sa wakas sa pabebe roles. Naunahan nga lang siya ni Nadine Lustre sa NEVER NOT LOVE YOU.

Up one level siya sa movie na 'to.

Puwede nang ibigay sa kanya ang TAGOS NG DUGO remake. Chos.

Kidding aside, nagustuhan ko ang pelikula. Totoo ang bulung-bulungan at mga hanash ng mga baklang hopeless romantic na nakanood sa first day of showing kahapon. Maganda siya!

Here's my take sa movie:

Tungkol ito sa isang DH sa Hongkong na naghihintay na lang ng visa niya papuntang Canada  nang makilala ang lalaking may unresolved issues sa pamilya at sa ex-girlfriend nito.

Nagkamabutihan at nagka-inlaban ang dalawa.

Ngayon ito ang tanong, tutuloy pa ba si girl na pumunta ng Canada if ever na dumating na ang kanyang visa?

Tanong ulit, pakakawalan pa ba siya ni boy?

Isang babaeng may pangarap. Isang lalaking may unresolved issue sa past. Mga pamilyang pasakit sa bangs ng mga bida. Mga nakapalibot nilang mga kaibigang ogag boys at bubbly chaka girls. Mga pang-comic relief na pampakapal ng kuwento. Typical Star Cinema romantic movie.

But the two lead characters, just like Popoy and Basha of ONE MORE CHANCE...  lovable. Mararamdaman mo sila. Kakapitan mo sila sa pinagdaraanan nila. Gustuhin ng masa 'yung ganung mga characters e. Yung merong mga aspirations sa buhay na kasing equal ng mga problema nila.

Yun ang magic ng script, 'yung two lead characters.

Ibang-iba sa mga millennial characters ng romantic movies nowadays na kapag na-meet na ang inaakala nilang soulmate nila, finish na. Dapat maiaksal na ora-orada. Si Girl, parang nakakita ng susi na magbubukas ng nakakadena niyang keps. At si Boy, kulang na lang e ipa-tattoo sa mga mata niya ang pangalan ni Girl para patunayang mahal na mahal niya ito.

Nag-iisip ang mga characters nina Kathryn at Alden dito. Kahit natagpuan na nila ang isa't isa't nagkainlaban, hindi pa rin sila nagpaulol sa pag-ibig at sinunod pa rin nila ang mga priorities nila, aside from pamilya nila, ang mga sarili nilang pangarap.

Nagustuhan ko 'yun. Yung nag-iisip. Hindi 'yung parang mga timawang merong mottong "Love is all that matters" kineso.

Para akong nagbabasa ng romance novels nina Gilda Olvidado at Helen Meriz noong araw. Yung sinusubaybayan ko talaga ang pupuntahan ng kuwento sa sobrang ganda ng linyahan nila. No, hindi hugot. Para silang nagbabasa ng tula. Mga dialogue na ninanamnam, galing sa puso.

While watching this, maaalala mo ang mga past relationships mo kasi 'yung mga sitwasyon at eksena nila, sigurado akong napagdaan mo rin. Sobrang relatable ang story kahit kanino na nagmahal at nasaktan. Yun ang kaibahan niya sa ibang romantic dramas in recent years. Organic ang pagkakalahad ng kuwento. Though tahing-tahi ang mga scenarios, hindi pilit. Hindi pretentious. Para ka lang nagmamasid sa kaibigan mong magjowa habang nag-a-unfold sa harapan mo ang love story nila.   

Ganyang feels.

Kung ano man ang pinaka-favorite kong eksena dito (SPOILER ALERT), ito ay ang usapan nila sa tuktok ng burol bago mag-ending. Yung habang pinagmamasdan nila ang mga building at kalawakan, sasabihin ni Kathryn ang "Ang lawak ng mundo. Natatakot ako."

Sagot ni Alden: "Kaya mo 'yan."

Yun ang tunay na pag-ibig. Hindi sakim. Encouragement sa life's decision ng partner mo to grow. That is pure love.

Ang ONE MORE CHANCE pa rin ang may hawak ng pinakamagandang Romantic Drama na pinroduced ng Star Cinema.

At ang pinakafavorite ko pa ring romantic film in recent years e ang KITA KITA.

Pangalawa ang EXES BAGGAGE.

Pero itong HELLO, LOVE, GOODBYE... Lumaban!

Better than NEVER NOT LOVE YOU at SID AND AYA pa nga. Though medyo pareho sila ng tone. Yung pang adult relationship kind of love story at mag-iiwan ng hapdi sa puso mong nasugatan.

Deserve nitong magkaroon ng part 2. Interesado pa rin akong malaman ang next chapter ng love story nila. May room pa para dun.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga kasama ng mga audience na humihikbi at ayaw pa ring magsitayuan sa sinehan nang mag-roll na ang credits ng pelikula. Hinihintay pa yatang magjakol ni Alden sa post-credits scene.