Thursday, August 1, 2019

HELLO, LOVE, GOODBYE


Sa tatlong pelikula ni Kathryn Bernardo na napanood ko, dito ko lang siya nagustuhan sa HELLO, LOVE, GOODBYE.

Gumradweyt na rin siya sa wakas sa pabebe roles. Naunahan nga lang siya ni Nadine Lustre sa NEVER NOT LOVE YOU.

Up one level siya sa movie na 'to.

Puwede nang ibigay sa kanya ang TAGOS NG DUGO remake. Chos.

Kidding aside, nagustuhan ko ang pelikula. Totoo ang bulung-bulungan at mga hanash ng mga baklang hopeless romantic na nakanood sa first day of showing kahapon. Maganda siya!

Here's my take sa movie:

Tungkol ito sa isang DH sa Hongkong na naghihintay na lang ng visa niya papuntang Canada  nang makilala ang lalaking may unresolved issues sa pamilya at sa ex-girlfriend nito.

Nagkamabutihan at nagka-inlaban ang dalawa.

Ngayon ito ang tanong, tutuloy pa ba si girl na pumunta ng Canada if ever na dumating na ang kanyang visa?

Tanong ulit, pakakawalan pa ba siya ni boy?

Isang babaeng may pangarap. Isang lalaking may unresolved issue sa past. Mga pamilyang pasakit sa bangs ng mga bida. Mga nakapalibot nilang mga kaibigang ogag boys at bubbly chaka girls. Mga pang-comic relief na pampakapal ng kuwento. Typical Star Cinema romantic movie.

But the two lead characters, just like Popoy and Basha of ONE MORE CHANCE...  lovable. Mararamdaman mo sila. Kakapitan mo sila sa pinagdaraanan nila. Gustuhin ng masa 'yung ganung mga characters e. Yung merong mga aspirations sa buhay na kasing equal ng mga problema nila.

Yun ang magic ng script, 'yung two lead characters.

Ibang-iba sa mga millennial characters ng romantic movies nowadays na kapag na-meet na ang inaakala nilang soulmate nila, finish na. Dapat maiaksal na ora-orada. Si Girl, parang nakakita ng susi na magbubukas ng nakakadena niyang keps. At si Boy, kulang na lang e ipa-tattoo sa mga mata niya ang pangalan ni Girl para patunayang mahal na mahal niya ito.

Nag-iisip ang mga characters nina Kathryn at Alden dito. Kahit natagpuan na nila ang isa't isa't nagkainlaban, hindi pa rin sila nagpaulol sa pag-ibig at sinunod pa rin nila ang mga priorities nila, aside from pamilya nila, ang mga sarili nilang pangarap.

Nagustuhan ko 'yun. Yung nag-iisip. Hindi 'yung parang mga timawang merong mottong "Love is all that matters" kineso.

Para akong nagbabasa ng romance novels nina Gilda Olvidado at Helen Meriz noong araw. Yung sinusubaybayan ko talaga ang pupuntahan ng kuwento sa sobrang ganda ng linyahan nila. No, hindi hugot. Para silang nagbabasa ng tula. Mga dialogue na ninanamnam, galing sa puso.

While watching this, maaalala mo ang mga past relationships mo kasi 'yung mga sitwasyon at eksena nila, sigurado akong napagdaan mo rin. Sobrang relatable ang story kahit kanino na nagmahal at nasaktan. Yun ang kaibahan niya sa ibang romantic dramas in recent years. Organic ang pagkakalahad ng kuwento. Though tahing-tahi ang mga scenarios, hindi pilit. Hindi pretentious. Para ka lang nagmamasid sa kaibigan mong magjowa habang nag-a-unfold sa harapan mo ang love story nila.   

Ganyang feels.

Kung ano man ang pinaka-favorite kong eksena dito (SPOILER ALERT), ito ay ang usapan nila sa tuktok ng burol bago mag-ending. Yung habang pinagmamasdan nila ang mga building at kalawakan, sasabihin ni Kathryn ang "Ang lawak ng mundo. Natatakot ako."

Sagot ni Alden: "Kaya mo 'yan."

Yun ang tunay na pag-ibig. Hindi sakim. Encouragement sa life's decision ng partner mo to grow. That is pure love.

Ang ONE MORE CHANCE pa rin ang may hawak ng pinakamagandang Romantic Drama na pinroduced ng Star Cinema.

At ang pinakafavorite ko pa ring romantic film in recent years e ang KITA KITA.

Pangalawa ang EXES BAGGAGE.

Pero itong HELLO, LOVE, GOODBYE... Lumaban!

Better than NEVER NOT LOVE YOU at SID AND AYA pa nga. Though medyo pareho sila ng tone. Yung pang adult relationship kind of love story at mag-iiwan ng hapdi sa puso mong nasugatan.

Deserve nitong magkaroon ng part 2. Interesado pa rin akong malaman ang next chapter ng love story nila. May room pa para dun.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga kasama ng mga audience na humihikbi at ayaw pa ring magsitayuan sa sinehan nang mag-roll na ang credits ng pelikula. Hinihintay pa yatang magjakol ni Alden sa post-credits scene.
     

No comments:

Post a Comment