Sunday, March 29, 2020

VIVARIUM

Ang VIVARIUM ay isang pinahabang episode ng TWILIGHT ZONE with a very satisfying ending. Or ito ang TWILIGHT ZONE The Movie.

Kuwento ito ng magkarelasyon na naghahanap ng bahay para makapagsimula. Ang kanilang simpleng pag-inquire sa isang real estate agent ang naging daan para sila ma-trapped sa isang utopian village.

Kung saan, sila lang dalawa ang residente.

Makakalis lang raw sila dun kung aalagaan nila at palalakihin ang sanggol na bigla na lang dumating sa tapat ng bahay nila.

Gustung-gusto ko siya!

Mystery/Horror na sume-semi 'mystery box', 'yung storytelling style na pinauso ni JJ Abrams kung saan nagpe-present siya ng mystery na papatungan pa ng isang mystery ngunit madamot sa pagbibigay ng explanation o kasagutan para ma-solved ito. Sa huli, mapapa-"What The Fuck?" ka na lang sa pinanood mo.

Kung pamilyar ka dito, ma-aappreciate mo 'yung movie.

At sa tulad kong mahilig sa horror, mystery at sci-fi, dig na dig ko 'to. Masasakyan ko ang pelikulang about parallel universe, alternate reality, ibang dimensions kuning-kuning or 'yung may pa-Rabbit Hole basta hindi magulo ang pagkakalatag ng kuwento tulad nito.

Hindi ito kasing complex ng IN THE TALL GRASS kaya masusundan ito ng karamihan.

Makakarelate ka pa ng bongga dahil ang magkarelasyong bida dito e parang naka-quarantine sa iisang bahay sa buong pelikula. Masasakyan mo ang pagkaburing ng dalawa.

Basically, it's a story about relationship. The couple's struggle, kung paano nila ito hinarap at kung paano nila ito napagtagumpayan. Or napagtagumpayan nga ba nila?

Ganun lang kapayak na pinresent ng writer at director ang story with M. Knight Shyamalan's treatment.

Yun ang pumasok sa radar ko. Kung meron kang ibang interpretation, mas malalim kang tao sa akin.

Subjective naman sa tingin ko ang movie. Nagkakatalo lang sa level ng pagkakaintindi ng nakanood.

May isa lang continuity error or problema sa editing na napansin ko (balikan mo ako if napanood mo't napansin mo rin ha). Maliit na bagay pero medyo na-bothered lang ako.

Naipalabas pala ito sa Cannes last year.

Pero wala ito sa Netflix ha.

Dapat iri-release 'to sa US cinemas kahapon pero because of Coronavirus, diretso sa video-on-demand/digital/streaming na lang siya.

Downloadable na siya sa torrents.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga.

Friday, March 13, 2020

SAME SAME BUT DIFFERENT

Meron na naman akong napanood na magandang unpopular film na nasurpresa ako. 

Itong 2009 romantic drama na SAME SAME BUT DIFFERENT.

Bida rito 'yung bagets sa THE READER ni Kate Winslet, si David Kross. Produced ito sa Germany na ang setting rin ng kuwento e mostly sa Cambodia.

Matagal ko na 'tong na-download sa torrents noon e. Lagpas isang taon na siya sa storage ko. 

After ko kasing pumunta ng Cambodia noon, naghanap ako ng mga foreign movies na shinoot sa Cambodia at isa 'to sa lumabas sa Google search.

Ngayon ko lang napansin at binigyan ng atensiyon.

Bakit ako nasurpresa dito?

Kasi 'di ako nag-expect sa movie. Di ko napanood ang trailer o synopsis sa Wikipedia. Poster at bidang lalaki lang ang aware ako.

Nagandahan ako sa script, characters at sa pelikula, over-all. Ang organic ng kuwento, hindi pilit. 

Well, based 'to kasi sa totoong buhay kaya lumabas na uncontrived at hindi pretentious ang movie.

Kuwento ito ng isang German guy na nasa Cambodia para sa post graduation summer trip niya. During his stay, nakilala niya ang isang Cambodian bar girl/prostitute na kumunekta sa kanya. May sparks sila! 

Mabilisan silang nagka-inlaban. 

Hanggang bumalik na sa Germany si kuya. Pero nagpatuloy pa rin ang kanilang long distance relationship sa kasunduang magpapadala si lalaki ng monthly financial support kay girl at in return, si prosti nama'y hindi na magpapakapokpok, maghahanap at magtatrabaho ng marangal.

Until one day, inamin ni Cambodian girl thru video chat kay german guy na HIV positive siya. Pusit si ate!

Gimbal si pogi. Naalog ang betlog.

Binalikan ni otoko si pechay sa Cambodia at hinarap nila ang problema nang sabay. 

Ang tanging baon lang ni German guy e ang wagas na pag-ibig kay infected puta.

Pag-ibig. Gusto niyo ba 'yun?!

Simple lang ang plot pero havey, 'di ba?

Love versus illness. Yes, sume-semi terminal romance movie siya. 

It was beautifully-shot, color-graded at napaka-cinematic ng texture! Mahihiya si Matthew Libatique sa cinematography dito. Nakatulong rin ang nanunuot na scoring ng movie.

No wonder kaya nito nasungkit ang Variety Piazza Grande Award sa Locarno Film Festival noon. (oo, sabi sa Wikipedia, wag kang ano).

There's nothing ultra special sa pelikula. Hindi naman niya ako pinakilig nang bongga o pinaiyak ng gabalde. Pero pina-promise ko sa'yong may mapupulot ka. 

Ako ito: 

"Kung makikipaghiwalay ka sa partner mo, end the relationship with dignity. Karapatan niyo 'yang dalawa." Or words to that effect.

Binitawan 'yan ng isang karakter sa pelikula na sa simula'y pinagtatakhan ko kung bakit binibigyan ng screentime ng director e samantalang parang extra lang naman siya sa pelikula. Pivotal role naman pala ang starlet. Sa kanya kasi mangagaling ang isa sa pinakamagandang epiphany ng movie. Simple lang ang kanyang pagkaka-deliver ng linyang 'yan sa movie, very casual lang, pero tumatak talaga sa akin ito.

At ito pa ang treat ng pelikula, sa lahat ng HIV stories na napanood ko, ito ang pinaka-light (hindi mabigat), hindi nakakalungkot. 

Life-affirming siya. Positive!

Parang sinisigaw ng pelikulang ito ang "HIV ka lang, nagmamahalan kami! Lakampake! TSE!"  

VERDICT:

Apat na banga at ang napakaguwapong German na bida na may pautong na pink sa dalawang eksena. Yun lang sapat na para magwater-water ka, mamsh.    

Tuesday, March 10, 2020

THE ROMAN SPRING OF MRS. STONE (2003)


Napanood ko 'to sa isang cable channel isang madaling araw noong early 2000s (Lifetime Network o Cinemax, 'di ko na matandaan).

Naalala ko lang kagabi sa paghahanap ng cougar movie na panonoorin.

Yes, 'yun ang moda ko kagabi, cougar movie. Yung mga matronang nai-inlove, may relasyon o kinakangkang ng mga bagets. Anlakas maka-Young At Heart ng mga ganun e.

Ang pelikulang tinutukoy ko e itong THE ROMAN SPRING OF MRS. STONE na pinagbibidahan ni Helen Mirren.

Kuwento ito ng isang papalaos na matronang Hollywood actress na namatayan ng asawa sa kanilang Italian trip dalawa. Sa Rome, nagdecide siyang mag-stay sa isang luxury hotel para doon makapagnilay-nilay. Doon rin niya nakilala ang isang kapwa-matronang Contessa (na kung susumahin mo ang character sa pelikula e isang babaeng bugaw).

Ipinakilala siya nito sa iba't ibang gigolo until makatapat niya ang pinakanagustuhan niya, si Paolo (Olivier Martinez, mga baks!).

Yes, tama ka, binoylet niya si Paolo o naging regular booking ni Mama! Kangkangan to the fullest sila. Tinrato talaga siyang vavaeng-vavaeh ni koyah!

Ang ending, nalaman niyang pera lang niya ang habol ni Italian boy (anufangavah?) at sa harap niya pa mismo, ipinakilala pa sa kanya ang bago nitong target na aging actress rin, na mas bata nga lang sa kanya.

Naimpakta si Ninang! Nagwala, nanumbat... pinalayas si boylet. I got physical ang drama ni Mamsh. Tinapos na niya ora-orada ang kanilang relasyon.

Ay mali pala, si boylet pala ang tumapos. Kasi nakaramdam rin siya na hindi na siya susustentuhan ni aktres e.

Ito na ang final scene na nag-iwan sa akin ng marka kaya pumasok ito sa Top 5 Favorite Cougar Movie List ko.

(SPOILER ALERT!)    

Merong isang poging taong grasa na obsessed kay aktres na parati siyang sinusundan. Ini-stalk, ganyan.  Planted ito sa umpisa pa lang ng movie.

Isang gabi, habang nagpapa-Wind Beneath My Wings sa veranda ng penthouse ang ating bida, napansin niya itong si taong-grasa sa pinakababa ng hotel. Tinginan lang, nagkaroon sila ng spark bigla. Kumunekta ang mane ng puta sa binatang gusgusin. Ampogi ba naman kasi. (Keannu Reeves ang peg). Ayan, ewan ko na lang kung 'di pa manginig ang utong mo.

Ano ang ginawa ng makati pa sa higad na bida nating thunder?

Tinupi niya ang susi ng hotel room sa pangmayaman niyang panyo at binato 'yun kay taong grasa sa baba.

FLANG! with sparkles.

Parang sinasabi niya sa eksenang ito "Habulin mo ako sa tabing ilog, dodong".

Ganern.

Umakyat si taong grasa at nagtagpo sila sa penthouse. Si Ninang, poised na poised pa rin sa suot niyang royalty outfit. Korona na lang ang kulang, reynang-reyna na!

Anofangavah ang kasunod?

E di sa likod ng pagroll ng end credits, nagpakarat si aktres sa taong grasa.

WINNER, 'di ba?!

Baklang-bakla ang concept!

Subjective ang ending. Bahala ka na kung ano pumasok sa radar mo. Tinanggap na ba niya ang pagkalaos? O tinanggap na niya na hanggang ganun lang ang level ng lalaking tatanggap sa kanya? O kinati na lang ba talaga siya?

Chinecked ko siya sa Wikipedia at nalaman kong 'yung napanood ko pala e TV Movie version ng 1961 british movie starring Vivien Leigh. At isinaere ito sa telebisyon noong 2003.

For me, ito ang pinakamagandang pelikula ni Helen Mirren.

Kung matrona ka or baklang tunay, watch this. Maa-appreciate mo siya! Makakarelate ka nang bonggang-bongga!

Merong sanitized version sa Youtube, just type "Nauto na naman ako ni Joni".

VERDICT:

Apat na banga lang kasi 'di pa hardcore ang sex scenes. Wag asahan ang facial, cumshot at frontal scenes. Hindi ito pang-Pornhub!

Pero finger-worthy pa rin.

THE INVISIBLE MAN

Kung si Sandra Bullock, may THE NET.

Si Nicole Kidman, may THE OTHERS.

At si Sharon Stone ay may BASIC INSTINCT.

Meron namang THE INVISIBLE MAN itong si Elisabeth Moss.

She was perfectly-casted sa movie kaya naging engaging 'yung pelikula.

If you're looking for a decent thrill, watch this.

Its HOLLOW MAN meets ENOUGH with a very satisfying ending.

Matutuwa ang mga faney ng sci-fi/horror dito.

VERDICT:

Apat na banga.

ON VODKA, BEERS AND REGRETS

ON VODKA, BEER AND REGRETS...

Title pa lang, nakakalasing na, 'di ba?

Don't be fooled by the trailer. It's a movie about coping up with alcoholism masquerading as a romantic flick.

Tungkol 'to sa isang papalaos na artistang babae (played immaculately by Bela Padilla) na nagkaroon ng direksiyon ang buhay nang makilala niya ang lead vocalist ng banda na si JC Santos na nagsilbing support system sa kanyang struggle sa addiction.

Ganun lang kasimple.

Yung character ni Bela dito, perfect sa kanya. Bitchesa, attitudera, walwalera, suicidal. Yung role na fit na fit at tailor-made talaga sa kanya. Wala na akong ibang maisip na aktres na babagay pa sa role niya. Kanyang-kanya ang role.

Electrifying talaga ang onscreen presence nila ni JC Santos eversince. Yung moment na nagtabi pa lang sila sa upuan, kinikilig na ako. Dun pa lang, sulit na 'yung ipinunta ko sa sinehan. Much more, nung nagsimula na silang magbatuhan ng linya. Napakanatural. Nanamnamin mo talaga 'yung pag-uusap nila.

At ang dialogue, hindi teleseryic. Hindi matulain. Walang malulutong na pang-telenobela o madramang hugutan na pang-Popoy and Basha.

Kaya ko ito nagustuhan. Direct at makatotohanan ang sagutan. Parang 'yung character mismo ni Bela, hindi pretentious.

It reminds me of three movies on addiction, depression and alcoholism: RACHEL GETTING MARRIED, LEAVING LAS VEGAS at ang paborito kong PROZAC NATION.

Somehow, parang ganun ang ang treatment niya.

Huwag na kayong umasa ng mahapdi sa puso o nakakaiyak na ending. Because that never happened sa movie like Irene Vilamor's two previous movies, SID AND AYA at ULAN.

Walang pang-cry baby na ending. Life-affirming ang pelikula. Kung isa kang bitchesang patapon ang buhay o kasalukuyang nakikipaglaban sa alcohol addiction, magandang panuorin mo ito. Magu-good vibes ka.

Dahil sa ending, hindi nagkatuluyan sina Bela Padilla... at 'yung alak.

It's a pretty decent flick. Kasi nandun ang friend kong si Em-em Bunyi. Huwag kayong kukurap sa audition scene, siya 'yung isa sa selection committee dun.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang pautong ni Matteo Guidicelli na sa sobrang pintog e kamuntikan ko nang mahigop sa sinehan.

1917

May isang award-winning director na may war film concept tungkol sa dalawang magkaibigang sundalo na inatasan ng General para ma-save ang 1600 na sundalo sa kapahamakan noong 1917.

Susundan lang ang journey ng dalawang sundalo sa loob ng isang araw kung paano nila naisakatuparan ang kanilang misyon.

Nakainuman ni Direk ang kaibigan niyang isa ring award-winning cinematographer at naikuwento niya ang konsepto. Nagustuhan ito ni DOP.

Inoffer nila sa isang production company. Naaprubahan.

Naghanap ng co-writer si Direk.

Soon enough, naisulat na ang draft.

Sa pre-prod meeting, napagkasunduan nilang ang gagawin nilang pelikula e kakaibang war film.

Palalabasin nilang isang tuhog lang ang buong pelikula. Walang cut.

Na ito 'yung klase ng pelikulang pag-aaralan ng mga aspiring filmmakers sa mga film schools for its production values, groundbreaking treatment and cinematic merit.

At mano-nominate ito ng Best Picture sa mga award-giving bodies.

Hindi ito pang mainstream audience or regular moviegoers na walang alam sa art. Dapat sumakit ang ulo nila habang napapamura kung bakit nila pinanood ito sa sinehan.

Yan ang intention ng pelikulang 1917 ni Sam Mendes.

Na na-achieved naman nila.

Kung bet mo ng Fast & The Furious action movies, hindi ito para sa'yo.

Pero kung dig mo naman ang mga comatose, artsy at substantial war films, give this a go. Hindi ka magsisisi. Maa-appreciate mo ito.

VERDICT:

Apat na banga.

CATS

Naiinis ako.

Feeling ko nanakawan ako ng spectacular movie experience nang hindi ko napanood sa big screen 'tong CATS.

Nagpaniwala kasi ako sa mga negative reviews/comments na nabasa ko dito sa FB noon kaya 'di ko na pinag-effortan sa sinehan. Kaya hinintay ko na lang sa torrents.

Nagsisisi talaga ako. Napakaganda ng pelikula!

Yung mag-isa lang ako dito sa sala na sumasayaw at nakiki-Jellicle Cats habang nanonood. Nakakaaliw!

Isa sa pinakamagandang musical movie na napanood ko in recent years.

Feeling ko, either:

1. Sinabotahe 'to ng mga theater fans o 'yung mga purist na hindi pabor sa movie adaptation ng pinakamamahal nilang stage musical. Hindi nila nagustuhan 'yung changes sa movie version ('yung additional songs, dagdag at bawas na parts/locations from the stage musical, characterization, etc). Mas nag-explore kasi ito nang mas malaki kaya nag-adjust din lahat. From one room location to multiple locations sa London. Mas bongga!

Or

2. Siniraan 'to ng ibang production company ng kasabayan nilang pelikula.

Isa o 'yang dalawang 'yan ang nag-tandem para magpakalat ng negative reviews kaya nasira ang kapalaran sa box-office nitong CATS.

Niyeta, hindi deserve ng pelikula ang mga nabasa kong negative reviews!

Pangalawa na 'tong nangyari sa akin recently e. Yung nagpaniwala sa word-of-mouth, tapos nang mapanood ko 'yung pelikula, sobrang nagustuhan ko. Yung isa. THE DARK TOWER.

Sa near future, kapag nagkaroon 'to ng rerun sa movie houses, panonoorin ko na talaga.

Gusto ko siyang ulitin sa big screen.

I want to relive the magic!

Pakiramdam ko talaga nanakawan ako ng magandang experience.

UNDERWATER

Para siyang ALIEN ni Ridley Scott, version sa ilalim ng karagatan.

May ganun sana siyang promise. Hindi nga lang nakarating.

Mas survival movie siya kesa sci-fi thriller.

Badly-lit pa ang ilang eksena. Ewan ko if sadya 'yun kasi ilalim nga ng dagat nangyari 'yung kuwento. Parang malabo, grainy siya. Hindi mo na makilala kung sino 'yung character sa loob ng exosuit.

At nang lumabas na 'yung monster, naging GODZILLA na 'yung movie.

Ang nipis pa ng kuwento.

Anim na aquatic researchers ang na-trapped sa laboratory sa ilalim ng dagat dahil sa lindol. Meron palang underwater creatures dun na mala-Xenomorph. Kung paano sila makakasurvive at makakabalik sa ibabaw ng dagat umikot ang kuwento.

Ini-stretched sa 2 hours 'yung movie, puwede namang matapos in 30 minutes at gawing horror short film.

VERDICT:

Tatlong banga.

Mas nag-enjoy pa ako sa LIFE ni Jake Gyllenhall.