Itong 2009 romantic drama na SAME SAME BUT DIFFERENT.
Bida rito 'yung bagets sa THE READER ni Kate Winslet, si David Kross. Produced ito sa Germany na ang setting rin ng kuwento e mostly sa Cambodia.
Matagal ko na 'tong na-download sa torrents noon e. Lagpas isang taon na siya sa storage ko.
After ko kasing pumunta ng Cambodia noon, naghanap ako ng mga foreign movies na shinoot sa Cambodia at isa 'to sa lumabas sa Google search.
Ngayon ko lang napansin at binigyan ng atensiyon.
Bakit ako nasurpresa dito?
Kasi 'di ako nag-expect sa movie. Di ko napanood ang trailer o synopsis sa Wikipedia. Poster at bidang lalaki lang ang aware ako.
Nagandahan ako sa script, characters at sa pelikula, over-all. Ang organic ng kuwento, hindi pilit.
Well, based 'to kasi sa totoong buhay kaya lumabas na uncontrived at hindi pretentious ang movie.
Kuwento ito ng isang German guy na nasa Cambodia para sa post graduation summer trip niya. During his stay, nakilala niya ang isang Cambodian bar girl/prostitute na kumunekta sa kanya. May sparks sila!
Mabilisan silang nagka-inlaban.
Hanggang bumalik na sa Germany si kuya. Pero nagpatuloy pa rin ang kanilang long distance relationship sa kasunduang magpapadala si lalaki ng monthly financial support kay girl at in return, si prosti nama'y hindi na magpapakapokpok, maghahanap at magtatrabaho ng marangal.
Until one day, inamin ni Cambodian girl thru video chat kay german guy na HIV positive siya. Pusit si ate!
Gimbal si pogi. Naalog ang betlog.
Binalikan ni otoko si pechay sa Cambodia at hinarap nila ang problema nang sabay.
Ang tanging baon lang ni German guy e ang wagas na pag-ibig kay infected puta.
Pag-ibig. Gusto niyo ba 'yun?!
Simple lang ang plot pero havey, 'di ba?
Love versus illness. Yes, sume-semi terminal romance movie siya.
It was beautifully-shot, color-graded at napaka-cinematic ng texture! Mahihiya si Matthew Libatique sa cinematography dito. Nakatulong rin ang nanunuot na scoring ng movie.
No wonder kaya nito nasungkit ang Variety Piazza Grande Award sa Locarno Film Festival noon. (oo, sabi sa Wikipedia, wag kang ano).
There's nothing ultra special sa pelikula. Hindi naman niya ako pinakilig nang bongga o pinaiyak ng gabalde. Pero pina-promise ko sa'yong may mapupulot ka.
Ako ito:
"Kung makikipaghiwalay ka sa partner mo, end the relationship with dignity. Karapatan niyo 'yang dalawa." Or words to that effect.
Binitawan 'yan ng isang karakter sa pelikula na sa simula'y pinagtatakhan ko kung bakit binibigyan ng screentime ng director e samantalang parang extra lang naman siya sa pelikula. Pivotal role naman pala ang starlet. Sa kanya kasi mangagaling ang isa sa pinakamagandang epiphany ng movie. Simple lang ang kanyang pagkaka-deliver ng linyang 'yan sa movie, very casual lang, pero tumatak talaga sa akin ito.
At ito pa ang treat ng pelikula, sa lahat ng HIV stories na napanood ko, ito ang pinaka-light (hindi mabigat), hindi nakakalungkot.
Life-affirming siya. Positive!
Parang sinisigaw ng pelikulang ito ang "HIV ka lang, nagmamahalan kami! Lakampake! TSE!"
VERDICT:
Apat na banga at ang napakaguwapong German na bida na may pautong na pink sa dalawang eksena. Yun lang sapat na para magwater-water ka, mamsh.
No comments:
Post a Comment