Friday, October 25, 2019

ADAN Official Trailer

ADAN Official Trailer

A farmer's daughter enlists the help of her best friend to escape the clutches of her father and lonely life in the barren rice fields of her youth — their friendship deepening into a sexually charged romance and threatened by secrets that could end the two women's love affair.

Directed by Roman Santillan Perez, Jr.
A story written and produced by Yam Laranas.

Starring Cindy Miranda and Rhen Escaño


Showing nationwide this Nov. 20, 2019!

Friday, October 18, 2019

ADAN - MUSIC VIDEO

Adan - OST

"HIMIG NG PAG-IBIG"
by Shanne Dandan

Music and lyrics by Lolita Carbon
Produced by Yam Laranas and ZILD
Arranged by ZILD
Directed by Roman Perez Jr.

Showing on NOV. 20, 2019 Nationwide.


Saturday, October 5, 2019

MELODY (1971)

Dahil saturated na ako sa complex interwoven plotlines ng Netflix movies & series sa loob ng ilang linggo, naghanap ako earlier ng lumang pelikula.

Natagpuan ko 'tong not so popular British film na MELODY. Pinalabas siya noong 1971, colored film naman pero sepia na ang kulay ng pelikula sa kalumaan.

Puppy love story. Baby Love ni Peque Gallaga ang drama.

Kuwento ito ng isang batang lalaki (yes, bata. papasang teenager pero mukhang hindi pa bulbulin) na bagong pasok sa school. Naging kaibigan niya ang pasaway na kaklase  at nag-click ang friendship nila. 

Hanggang sa makilala ng bida ang schoolmate nilang teenage girl, si Melody. Nagka-"inlaban" ang dalawa. Nag-jelly ace si pasaway na buddy at binully sila. Na-jeopardized ang friendship ng dalawa. 

Pero nanaig ang "pagmamahalan" nila ni Melody. Ang ending, ikinasal sila sa eme-emeng wedding organized by pasaway buddy para makabawi. At ang mga attendees e mga classmates nila at ginanap ito sa hideout ng mga ito.

Pinakahuling eksena: nasa train dolly track 'yung dalawang bida at itinulak ni pasaway buddy ito.

Parang ang subtext: humayo kayong taglay at magpakarami, mga batang pasaway!

The end. Nag-roll ang end credits.

Halos mabato ko ang mouse ng computer sa screen ng TV monitor sa inis. Niyeta, kingkingan to the fullest!

Hindi 'to papasa sa mga mainstream producers ngayon. Sobrang simple. Ang payak-payak. Nag-inarte lang 'yung mga batang characters.

Pero nagustuhan ko naman siya.

Bakit?

Unang-una, sapat na sa akin na ang soundtrack ng movie e BEE GEES songs. Parang hinaharana ako ng familiar songs nila habang nagpo-progress ang istorya.

Nope, wala siyang magical moments. Pero pinagtiyagaan ko siyang tapusin kahit almost two hours pa siya. Kailangan ko ng ganitong pelikula para mas ma-appreciate ko ang mga bagong movies ngayon e. 

Ito ang nagpapabalik sa aking kamalayan na ganito ang puppy love story noon.

Ito ang nagpapaalala sa akin na 1971 pa lang, uso na ang lumandi. Uso na ang maagang pumokpok.

Minsan, ganito ang wala sa mga bagong pelikula ngayon e. Yung simplicity. Simple story. Simple plotlines. Simple camera works. Less CGI-heavy sana kasi minsan hindi naman na kailangan. Anything na nakakapag-add sa pagiging complicated ng pelikula, iwasan. Para lumutang ang ganda. 

Simplicity. Powerful kaya 'yun. 

VERDICT:

Tatlong banga at ang napakapoging bidang bagets na saving grace ng movie. Pang-kiddie meal! #BantayBata163 here i come. 

Friday, October 4, 2019

IN THE TALL GRASS


Mindfuck 'tong IN THE TALL GRASS ng Netflix. Pero ang ganda!

Ang kuwento?  

Tungkol sa magkapatid (isang binata at ang sister niyang 6-month preggy) na nag-cross-country trip sa US. Nang mag-stop-over sila sa Kansas, sa mataas na damuhan - lagpas tao ang taas - meron silang narinig na bata na humihingi ng tulong. Pinasok nila ang damuhan para sana tulungan ang bata pero na-trapped  na rin sila sa loob tulad ng naunang pamilya na pumasok doon.

Naka-enter na pala sila ng ibang dimension.

Ang tanong, makakalabas pa kaya sila?

Supernatural horror. Based siya sa short story ni kino-wrote ni Stephen King at ng anak nitong si Joe Hill.

One location movie lang siya. 90 %, sa damuhan lang nangyari ang pelikula! Ang tipid ng production nun ha.

Ang simple lang ng plot, 'di ba?

Para siyang early works ni Stephen King sa mga short story collections niya.

Para siyang Children Of The Corn concept na pinadirek mo kay Christopher Nolan o pinasulat mo kay Charlie Brooker ng Black Mirrror.

Old-fashion Stephen King horror story na merong cerebral approach. Nakakawindang. Ganyan siya.

Maaaring magkaroon ng iba-ibang interpretation tayo dun tungkol sa monolith sa gitna ng damuhan. Ano ang nasagap ko? PM me if pareho tayo once napanood mo na.

Horror and SK fans, watch niyo. Hindi kayo madi-disappoint.

Para rin siya sa mga highbrow moviegoers. Maa-appreciate niyo 'yung movie kasi mai-stretch nang slight ang brain cells niyo. Pag-iisipin kayo nito.

Hindi naman siya kasing tuliro ng US ni Jordan Peele na matutulala ka na lang pagkatapos mong mapanood. Walang ganung kabaliwan 'tong movie.

Dito, meron at meron ka pa ring maiintindihan. Mada-digest mo naman 'yung pelikula. Medyo magpa-panic nga lang 'yung utak mo.