Saturday, October 5, 2019

MELODY (1971)

Dahil saturated na ako sa complex interwoven plotlines ng Netflix movies & series sa loob ng ilang linggo, naghanap ako earlier ng lumang pelikula.

Natagpuan ko 'tong not so popular British film na MELODY. Pinalabas siya noong 1971, colored film naman pero sepia na ang kulay ng pelikula sa kalumaan.

Puppy love story. Baby Love ni Peque Gallaga ang drama.

Kuwento ito ng isang batang lalaki (yes, bata. papasang teenager pero mukhang hindi pa bulbulin) na bagong pasok sa school. Naging kaibigan niya ang pasaway na kaklase  at nag-click ang friendship nila. 

Hanggang sa makilala ng bida ang schoolmate nilang teenage girl, si Melody. Nagka-"inlaban" ang dalawa. Nag-jelly ace si pasaway na buddy at binully sila. Na-jeopardized ang friendship ng dalawa. 

Pero nanaig ang "pagmamahalan" nila ni Melody. Ang ending, ikinasal sila sa eme-emeng wedding organized by pasaway buddy para makabawi. At ang mga attendees e mga classmates nila at ginanap ito sa hideout ng mga ito.

Pinakahuling eksena: nasa train dolly track 'yung dalawang bida at itinulak ni pasaway buddy ito.

Parang ang subtext: humayo kayong taglay at magpakarami, mga batang pasaway!

The end. Nag-roll ang end credits.

Halos mabato ko ang mouse ng computer sa screen ng TV monitor sa inis. Niyeta, kingkingan to the fullest!

Hindi 'to papasa sa mga mainstream producers ngayon. Sobrang simple. Ang payak-payak. Nag-inarte lang 'yung mga batang characters.

Pero nagustuhan ko naman siya.

Bakit?

Unang-una, sapat na sa akin na ang soundtrack ng movie e BEE GEES songs. Parang hinaharana ako ng familiar songs nila habang nagpo-progress ang istorya.

Nope, wala siyang magical moments. Pero pinagtiyagaan ko siyang tapusin kahit almost two hours pa siya. Kailangan ko ng ganitong pelikula para mas ma-appreciate ko ang mga bagong movies ngayon e. 

Ito ang nagpapabalik sa aking kamalayan na ganito ang puppy love story noon.

Ito ang nagpapaalala sa akin na 1971 pa lang, uso na ang lumandi. Uso na ang maagang pumokpok.

Minsan, ganito ang wala sa mga bagong pelikula ngayon e. Yung simplicity. Simple story. Simple plotlines. Simple camera works. Less CGI-heavy sana kasi minsan hindi naman na kailangan. Anything na nakakapag-add sa pagiging complicated ng pelikula, iwasan. Para lumutang ang ganda. 

Simplicity. Powerful kaya 'yun. 

VERDICT:

Tatlong banga at ang napakapoging bidang bagets na saving grace ng movie. Pang-kiddie meal! #BantayBata163 here i come. 

No comments:

Post a Comment