This quarantine season, so far, meron pa lang akong tatlong series at limang pelikulang napapanood. Mahina compare sa mga kakilala kong movie addict, oo.
Pero meron akong lagpas sampung torrents at Netflix movies na nasimulan pero hindi tinapos.
Kasi kapag hindi pa rin ako nahu-hooked sa first 20 minutes, nilalaglag ko na agad-agad.
Bakit?
Buryung-buryo na nga ako sa bahay e, pagtitiyagaan ko pa ba 'yung pelikula? Ano 'to, torture?
Maiksi ang pasensiya ko sa mga pa-precious na pelikula.
Sa paghahanap ko ng viral outbreak movie na hindi nakakatamad tulad ng iba, meron na akong natagpuang maganda na mairerekomenda ko.
Nag-palpitate ang suso ko dito sa suspense.
Itong 2007 movie na THE INVASION starring Nicole Kidman and Daniel Craig.
Based ito sa 1955 sci-fi novel na The Body Snatchers. At pang-apat na ito sa film adaptations (1956, 1978, 1993, 2007).
Dito sa latest version, nag-focus ang kuwento sa isang psychiatrist from Washington DC na may anak pero dibursiyada.
Nagkaroon ng alien virus sa lugar nila at unti-unting kumakalat sa buong mundo.
Ang virus ay naipapasa galing sa laway ng infected person at nagti-take effect kapag nakatulugan na ito ng nahawahan. Ang epekto, inaalisan nito ng emosyon ang mga tao.
Paano kung 'yung anak mo e nasa poder ng mister mo na pinaghihinalaan mong infected ng virus?
Nakahanda ka bang kunin siya para iligtas?
Paano mo maisasakatuparan ito kung kalat na kalat na ang infection sa labas?
Ganito ang struggle na hinarap ng psychiatrist na si Nicole Kidman sa movie.
Kailangan niyang mailigtas ang anak bago siya tuluyang makatulog at maging fully infected ng virus. Dahil ang anak niya ang susi sa vaccination at magiging cure sa virus!
Niyeta, 'yung nagpapanic ka na't lahat pero hindi ka nagpapakita ng emosyon para hindi mahalata ng mga infected na nagpi-pretend ka lang. Ganyan ang pinagdaanan ni Ninang Nicole sa pagligtas sa kanyang anak.
Bagay na bagay kay Nicole Kidman 'yung role. Tatak niya 'yun e!
Yung tuliru-tuliruhan pero kino-contain 'yung sarili school of acting.
Expect a roller coaster ride. Yung suspense e ka-level ng THE NET ni Sandra Bullock at NICK OF TIME ni Johnny Depp.
Kung sa sinehan ko lang ito napanood noon, naihi siguro ako sa upuan. Panic attack 'yung chase scenes e.
If you're looking for a good thriller, highly recommended ko ito.
Hindi kayo mababagot.
Mapapangiti kayo sa ending at baka mapaawit ng WE ARE THE WORLD sa tuwa.
Mukhang wala siya sa Netflix. Na-download ko lang siya sa torrents e.
VERDICT:
Tatlo't kalahating banga at ang nalusaw kong Addam's apple sa kasisigaw sa habulan scenes.
No comments:
Post a Comment