Sunday, March 29, 2020

VIVARIUM

Ang VIVARIUM ay isang pinahabang episode ng TWILIGHT ZONE with a very satisfying ending. Or ito ang TWILIGHT ZONE The Movie.

Kuwento ito ng magkarelasyon na naghahanap ng bahay para makapagsimula. Ang kanilang simpleng pag-inquire sa isang real estate agent ang naging daan para sila ma-trapped sa isang utopian village.

Kung saan, sila lang dalawa ang residente.

Makakalis lang raw sila dun kung aalagaan nila at palalakihin ang sanggol na bigla na lang dumating sa tapat ng bahay nila.

Gustung-gusto ko siya!

Mystery/Horror na sume-semi 'mystery box', 'yung storytelling style na pinauso ni JJ Abrams kung saan nagpe-present siya ng mystery na papatungan pa ng isang mystery ngunit madamot sa pagbibigay ng explanation o kasagutan para ma-solved ito. Sa huli, mapapa-"What The Fuck?" ka na lang sa pinanood mo.

Kung pamilyar ka dito, ma-aappreciate mo 'yung movie.

At sa tulad kong mahilig sa horror, mystery at sci-fi, dig na dig ko 'to. Masasakyan ko ang pelikulang about parallel universe, alternate reality, ibang dimensions kuning-kuning or 'yung may pa-Rabbit Hole basta hindi magulo ang pagkakalatag ng kuwento tulad nito.

Hindi ito kasing complex ng IN THE TALL GRASS kaya masusundan ito ng karamihan.

Makakarelate ka pa ng bongga dahil ang magkarelasyong bida dito e parang naka-quarantine sa iisang bahay sa buong pelikula. Masasakyan mo ang pagkaburing ng dalawa.

Basically, it's a story about relationship. The couple's struggle, kung paano nila ito hinarap at kung paano nila ito napagtagumpayan. Or napagtagumpayan nga ba nila?

Ganun lang kapayak na pinresent ng writer at director ang story with M. Knight Shyamalan's treatment.

Yun ang pumasok sa radar ko. Kung meron kang ibang interpretation, mas malalim kang tao sa akin.

Subjective naman sa tingin ko ang movie. Nagkakatalo lang sa level ng pagkakaintindi ng nakanood.

May isa lang continuity error or problema sa editing na napansin ko (balikan mo ako if napanood mo't napansin mo rin ha). Maliit na bagay pero medyo na-bothered lang ako.

Naipalabas pala ito sa Cannes last year.

Pero wala ito sa Netflix ha.

Dapat iri-release 'to sa US cinemas kahapon pero because of Coronavirus, diretso sa video-on-demand/digital/streaming na lang siya.

Downloadable na siya sa torrents.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga.

No comments:

Post a Comment