So far, natapos ko nang i-rewatch ang Top 10 favorite comedy movies ko starting from PRISCILLA: QUEEN OF THE DESERT up to MRS. DOUBTFIRE.
Yes, mostly gender-bender films siya.
Bigla kong naalala 'yung isang unpopular (at sa tingin ko, under-appreciated) pinoy indie gay comedy na nagpahalakhak sa amin ng mga beki friends ko noon.
Itong 2006 gay indie movie na JUPIT, idinirek ni Alvin Reyes Fortuno.
Bida si Ate Gay. The rest, puro mga starlets. Pati 'yung gumanap na nanay niya, parang tindera ng leche flan sa palengke.
Napanood lang namin 'to sa pirated DVD noon e after ng nomo session naming mga bakla sa bahay.
So hindi kami nag-expect na maaaliw kami.
Punyeta, it ended up as one of my favorite pinoy comedy movies.
Napahalakhak kami, napaubo at sumakit ang tiyan namin sa katatawa!
Yung beki humor ng mga baklang kanal sa barangay, kuhang-kuha ng pelikula.
Yung kung paano lumandi ng boylet, rumampa, bumooking, makipagwarlahan sa pechay, captured na captured ng movie.
Ito 'yung gay comedy na hindi nagpupumilit na nagpapaka-beki or nagsusumigaw na 'Vice Ganda material ito!'.
Baklang-bakla talaga 'yung movie. Napakanatural. Hindi pretensiyosa.
Wala ring makapal na storyline 'yung pelikula. Mababaw pa nga siya, actually.
Kuwento lang ito ng isang baklang parlorista na nagpatayo ng parlor sa barangay. Kung paano siya nagreact sa bagong lipat na boylet sa harap, sa ex-boylet niyang bumabalik, sa pamilya niyang umaasa sa kanya at sa grupo ng beki friends niyang may kanya-kanya ring pinagdadaanan sa buhay.
Mostly, landian at okrayan 'yung movie na merong sundot ng kadramahan between gay actors na feelar na feelar ang pagiging aktres sa pelikula. Kaya aliwan paradise siya.
Kung na-captured ng HIKBI ang kapokpokan moments ko, itong JUPIT naman e ang funny moments ko with beki friends. Ganun siya.
Ito 'yung humor na in-achieved ko sa self-published book kong #BEKIPROBLEMS noon e. Ito ang pamantayan ko ng gay comedy.
Ninakaw yata 'yung nabili kong original DVD nito e o hindi na sinauli ng baklang nanghiram. Punyeta siya.
Hindi na rin siya available sa lahat ng Astro branches, chinecked ko. Pati sa online, wala na ring nagbebenta.
Sino may copy nito? Pahiram naman ako. Ibe-burn ko lang. Or kung ibebenta mo, willing akong bilhin kahit doblehin mo 'yung original price niya.
Para siyang komedyante kong kaibigan na nagpasaya sa akin noon at nami-miss kong makita.
No comments:
Post a Comment