Bestfriend na comic relief, check!
Isyu sa family, check!
At ending sa airport (This time, sa loob ng eroplano), check
na check!
Ang CRAZY RICH ASIANS ay isang Star Cinema movie kung hindi
lang dun sa mahjong scene na nagpa-elevate ng pelikula.
Yung eksenang 'yun ang 'paglipad ng batang nagbibisikleta sa
E.T', 'yung dance scene nina Cristina Ricci at Brad Renfro sa CASPER' o 'hagdanan scene ni Alma Moreno sa
THE RAPE OF VIRGINIA P'.
Yun lang at ang eksena sa eroplano sa ending ang magical
moments ng pelikulang ito kung saan ang lahat ng pantasya ng mga social
climbers e masasaksihan niyo.
Quiet disappointed ako sa arrival scene ng bidang babae sa
kasal. Inaasahan ko, magkakaroon ng "Jennifer Lopez in MAID IN
MANHATTAN" factor 'yung pag-arrive niya with that waley dress pero
kinulang ng kinang! Hindi pasabog! Walang kagat. Hindi nanakmal.
Well-recommended ito sa lahat ng Pinoys na gusto si Kris
Aquino. Nabigyan siya ng importansiya sa pelikulang ito. Makabuluhan ang kuma-cameo
appearance niyang role. May moment si Ninang Tetay dito. Hindi siya nabalahura.
May napuntahan ang milyon niyang nagstos mapabilang lang sa cast ng pelikula.
It's a decent Cinderella flick. Watch.
VERDICT:
Tatlong banga. Yun lang.
No comments:
Post a Comment