Kauuwi lang from watching THE MEG.
Kuwento ito ng isang laos na higanteng pating na nabulabog
ng mga scientist/oceanographer sa ilalim ng dagat kaya't nagcomeback picture
bilang Supershark at nagmaganda sa China, gumawa ng eksena sa isang populated
beach resort doon. Kung paano siya pinatahimik at muling binaon sa limot ng mga
scientist, 'dun umikot ang buong pelikula.
Ito 'yung pelikulang binigyan ng go-signal ng producers at
sinabi sa creative/production staff niya: "Magiging box-office ito sa
China! Kaya pasakan niyo ng anything na singkit".
Basically, it's a Hollywood movie made for chinese moviegoers.
Bakit? Gawa nang malaking porsiyento ng kita ng isang hollywood movie sa ngayon
e galing sa chinese market.
Bakit?
Unang-una, ang leading lady ni Jason Statham dito ay chinese
actress na bumi-Bea Saw ng PBB o maputing version ni Maymay Entrata. Pilit ang
pagtatambal nilang dalawa ni kalbong Transporter. Ang awkward ng romantic angle
ng dalawa. Walang ka-chemistry-chemistry!
Pangalawa, set sa China ang paghahasik ng lagim ni
Supershark.
Pangatlo, ang unang nategi e isang Chinese guy. Pang-elevate
ba ng tension.
Pang-apat, may mga panaka-nakang chinese dialogue ang mga
chinese characters.
Panglima, sandamakmak ang chinese extras.
Pang-anim, ang theme song ng movie na pinatugtog sa closing
credits e chinese version ng MICKEY ni Toni Basil. Mapapakunot-noo ka na lang
talaga at maniningkit ang mga mata mo kung bakit 'yun ang ginawang theme song
ng movie. Ano'ng konek? Producers, paki-explain.
Buti na lang, hindi tsekwa ang higanteng pating dito kasi
kung ginawa din nilang intsik ang Supershark, mapapa-chinese garter na talaga
ako sa sinehan.
Pinaka-highlight ng pelikula e nang hiwain ni Jason Statham
ang katawan ng higanteng pating para
sana gawing relyeno at pinutakti ito ng maliliit na pating. Pinagtulung-tulungan
ng mga sharklets ang mapagmagandang Supershark. Oo, kinuyog nila!
Ayan kasi, kabagu-bago lang sa Oceanlandia e nagmamaka-Supershark
na kaagad. Nagpapansin at gumawa ora-orada ng eksena. Ayaw ng mga sharklets nang
ganyan!
Ito 'yung mga pelikulang magugustuhan ng tiyahin mong nagbabasa
ng komiks noon o nagbababad sa mga telenobela sa hapon. Yung mga tipo ng moviegoers
na bumabase sa visuals ang story. Wa na care sa dialogue o sa plot mismo. Kung
ano ang makita sa screen, 'yun ang paniniwalaan.
Para sa kanila 'to. Mapapatili sila dito. Mapapapadyak,
mapapasabunot at mapapamura sila sa katabi habang hinahabol ng pating ang mga
sakang sa dagat. At pag-uusapan nila ito ng kapitbahay nilang kapwa-tsismosa
kinabukasan. Or baka i-rekomenda pa nila ito sa iba.
"Uy, napanood mo na ba 'yung THE MEG, 'yung tungkol sa
higanteng pating? Panoorin mo, maiihi ka sa suspense! Ang ganda!". Yan ang
magiging dialogue niya sa'yo.
Pagtinanong mo siya ng "Bakit maganda?"
Maghanda ka sa sagot na: "Basta maganda siya.
Action/Adventure!"
Pero kung may deep understanding ka ng pelikula,
pagtatawanan mo ito. Laughable siya.
Para siyang budgeted na B movie. Oo, siya ang
pinakaginastusang B movie. Para sa chinese audience. Ganun.
VERDICT:
Dalawang banga at isang discount coupon sa Chowking na
expired na.
No comments:
Post a Comment