Thursday, August 2, 2018

HARRY & PATTY


Just got home from watching two pinoy movies from SM Megamall.

First up, HARRY & PATTY.

Chakang girl at poging bae romantic comedy. Oo, odd couple romantic movie. Para siyang pelikula nina Maricel Soriano at William Martinez noong araw na pinrodyus ng Regal: Fun and light movie minus the dance production number and the kidnapping-and-rescue-sa-abandoned-building ending.

Si Cacai Bautista e parang si Jolina Magdangal na chaka version. Pareho sila ng charm. Yung pang-masa. Sweetheart material kahit hindi kagandahan. Hindi mo kaiinisan kahit chararat. Hindi mahirap gustuhin/mahalin. Very likeable. Makita mo lang 'yung ngiti niyang lumalabas ang gilagid e mapapngiti ka na rin.

Parang 'yung pelikula mismo, hindi mahirap mahalin for its certain charm. Kapag may problema, ito ang panoorin mo at mababawasan ang iniisip at lungkot mo.  

No, hindi ka hahagalpak sa katatawa sa pelikula (Well, kung medyo mababaw ang kaligayahan mo, siguradong havey sa'yo ang mga eksena ni Donna Cariaga na agaw-eksena dito). Hindi ito 'yung signature film ni Cacai. Hindi ito ang 'TANGING INA ni Ai-Ai' or ang 'KIMMY DORA ni Eugene Domingo' niya.

Pero kung chaka ka rin, its either makaka-relate ka or kaiinsecure-an mo ang character ni Cacai dito. Mapapasigaw ka sa sinehan ng "Ang ganda mo! Nakakainis ka!" kapag sinusuyo na siya ni Ahron Villena at kapag nagde-deliver siya ng dialogue na parang naka-braces ang ipin sa sobrang pagpapakipot.

Masusulit ang panonood mo sa sweet romance ng odd-couple sa movie. Mapapahagikgik ka, kikiligin sa love story nina Cacai at Ahron at lalabas ng sinehan na nakangiti't magaan ang loob.

Hindi ko kinaya ang pa-twister fries sa bandang ending ha. Kumo-komiks!

I love it.

Though ang concept nito ay hindi na bago. Kasi merong Korean movie na quite similar sa kuwento nito e, 'yung TIME (SHI GAN). Pero 'yun naman e romantic drama. Ito e romantic comedy.

And sa tingin ko, medyo mali lang ang timing ng pagpapalabas ng movie para kina Cacai at Ahron kasi medyo napanis na 'yung moment ng dalawa. Na-delayed ang maganda sana nilang pagsasamahang movie. Alam na kasi ng tao na 'friends' lang sila sa totoong buhay. Tapos, nagkaroon pa sila ng negative issue sa pagkakaibigan nila.

Pero kung ito lang ay pinalabas bago 'yun, magagawa ng pelikula sa kanila ang nagawa ng DIARY NG PANGET kina James Reid and Nadine Lustre.    

Nonetheless, it's still a pretty decent rom-com. Better than DIARY NG PANGET pa nga.

Kung feel-good movie ang hanap mo, watch this!

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at isang braces sa gilagid ni Cacai na very visible sa ibang eksena.     

No comments:

Post a Comment