Monday, July 23, 2018

GIVE UP TOMORROW


Itong GIVE UP TOMORROW na 'to masyadong nag pa-precious bago ko napanood. Nung last week pa, sa kasikatan nito online dahil sa pelikula ng dalawang Viva starlets na JAKOLIN CUMS HOME, i tried to download it sa torrent. Kaso naputulan ako ng wi-fi two weeks ago. Pero kahit disconnected na ang braoadband ko, may data pa rin siyang enough pang-Facebook pero hindi pang-download ng torrent. Ganun kaluwag ang Converge ICT kaya sina-suggest ko ito sa mga naghahanap ng reliable broadband service. So tinyaga ko talagang i-download siya everytime na nag-o-online ako dito sa desktop. After 4 days, na-download ko na ang kaisa-isang file nito sa torrent. Nyeta, 'yung text captions e in Spanish! Hindi ko maintindihan e vital information 'yung mga nakasaad. So hindi ko na itinuloy.

Tapos, 'yung kumare ko at 'yung significant other ko e naka-chat ko about it. Nalaman kong uploaded naman pala sa Facebook at sa Youtube 'yung film.

So, kinapitan ko si GoSurf50 ng Globe at pinanood ko sa Youtube kani-kanina lang.

At finally, makaka-relate na rin ako sa hype niya online. Hindi pa naman gaanong laos e. Nagdaan pa lang ang flop na SONA ni PDuterts dahil sa hindi pasabog na cosplay costume ni Senator Nancy Binay. So nakahabol pa ako sa prusisyon.

Rewind tayo ng slight, naaalala ko itong Chiong case na ito noong 1997 e. 17 years old pa lang ako noon. Laman ito noon ng news palagi. At very vivid sa akin 'yung dramatization nito sa TV starring one of the ultimate starlets of the 90s, Ms. Jennifer Sevilla! Kung hindi ako nagkakamali, sa Magandang Gabi Bayan ito ipinalabas. O sa Calvento Files yata? Hindi sa Star Drama Theater Presents ha. Basta sa ABS-CBN ko ito napanood noon.

So basically, meron na akong alam sa istorya. Yung version ng Chiong Family.

Itong GIVE UP TOMORROW, mas nag-focus sa side ng prime suspect na si Paco.

At mas pinaniniwalaan ko ito.

Tulad ng nakararami, dama ko at malakas ang kutob kong inosente si Paco sa krimen. Ang tanong, may krimen nga ba?

Aside sa malabong circumstancial evidences at testimony laban sa pitong akusado, hindi convincing sa akin na sila ang mga tunay na salarin. Maliwanag pa sa noo ni Bruce Willis, na na-framed up lang sila. Idagdag mo pa ang over-acting performance ni Mrs. Chiong na Pume-Perla Bautista sa korte nang malaman na ang verdict ng judge na guilty diumano 'yung pitong suspect. At 'yung sister niyang Vumangie Labalan sa aktingan na nanapaw ng eksena! Wrong. Hindi pang golden buzzer 'yung performance niyo, mga Inday! Hindi ako na-convinced na totoo 'yung hinagpis ng ina na humihingi ng katarungan sa fake rape-murder ng anak. Kakainan lang kayo ng squid balls ni Jaclyn Jose sa Ma' Rosa. Ganun ang pang-best actress! Yung sa inyo, pang-starlet levels lang, hindi convincing.   

Faney ako ng mga mystery novels nina Earl Stanley Gardner (of Perry Mason mysteries) at ni Jonathan Kellerman noon e. Plus addict ako sa panonood ng crime stories sa Crime Channel sa SkyCable din noon bago ako lumipat sa Cignal Cable. Nagbababad ako buong madaling araw sa pagbi-binge-watching ng mga crime programs dun.

So, may teorya ako sa totoong istorya behind the Chiong Sisters. Ito siya, in bullets form:

-  Nang pinatawag si Mr. Chiong ng Congressional Committee on Dangerous Drugs to testify against sa boss niyang si Peter Lim na pinaghihinalaang druglord, pinakidnap ni Lim ang dalawang anak nitong dalaga. Ang layunin dito ng suspected druglord e to paralyze the integrity of Mr. Chiong. Para ma-disorient ito upang hindi makapag-testify against him.

- Then, merong kahabag-habag na inosenteng dalaga ang pina-gang rape ni Peter Lim sa mga minions niya, pinatay at hinulog sa bangin. Pinalabas na ito si Marijoy, 'yung isa sa dalaga. Para mabulabog ang Cebu at ma-divert sa iba ang atensiyon. And to sensationalize the case, in order to caught the interest of media, they selected and accused black sheeps of well-off families in Cebu. Mga binatang siga like Paco at drug users para mas maging kapani-paniwala ang ibabatong kaso.

(Sa totoo lang, kung isa lang 'tong English crime novel, magandang tutukan 'yung anggulo ng kawawang dalagang ito. Props siya sa isang pangmadiinang frame-up. Alamin ang backstory niya that led to her demise. Mas interesting ang istorya ng fake girl na ito kesa sa totoong Marijoy - na by the way, hawig ni Bea Saw, 'yung winner ng Pinoy Big Brother noon. Yung chinitang favorite 'pamparami sa cast' sa Star Cinema rom-com movies).

-  And Peter Lim instructed Mr. and Mrs. Chiong about the plan. Ang alas niya, nasa kanya 'yung dalawang anak ng mga ito. Blackmail kung blackmail ang labanan!
-  Kaya nag-enroll secretly sa acting classes si Mrs. Chiong at sinamahan siya ng sister niyang eksenadora to make her dramatic scenes convincing. E mumurahing acting workshop lang ang napasukan nila kaya epic fail.

- Habang umuusad ang kaso, dinadalaw-dalaw din nina Mr. and Mrs. Chiong ang mga anak sa isang hideout ni Peter Lim. Naghahatid sila ng Double Bart Burger sa dalawa from Burger Machine from time to time sa series of visits nila. Niregaluhan din nila ng tig-isang Tamagochi virtual pet toys at Brick Game ang mga anak to keep them busy while away from home. Oo, very 90s ang teorya ko kaya may support ng reference from that period to make it believable.
  
- So nilabas lahat ng mag-asawa ang kanilang powers at connections para mapakulong ang pitong inosenteng binata. Siyempre, with the financial help of Peter Lim.

- Nang mahatulan na ang mga pobreng binata ng life sentence, saka naman pinalaya ni Peter Lim ang dalawang dalaga. (sa mga recent pictures na nag-surface online kamakailan, hindi mo maikakailang sila talaga 'yun e)

- Nagpapalit ng pangalan ang dalawang dalaga at hindi naging visible sa public sa mga sumunod na taon after the conviction of the so-called Chiong 7. Tinapos nila ang Super Mario Bros 3 sa loob ng kuwarto sa loob ng maraming taon. Oo, inachieved nila 'yun.
   
- Nagserved ang pitong binata sa pamumuno ng chubby ngunit poging espanyol na si Paco sa bilibid ng maraming taon sa kasalanang hindi naman nila ginawa.

- Ang ending nga, gumawa ng documentary ang kamag-anakang filmmaker si Paco (na after so many years e hindi man lang pumayat) to air their version of the story.

THE END. Yan ang wild theory ko.

Kung ano ang sinasaluduhan ko sa documentary (na by the way e pinroduced pala ni Ramona Diaz who directed one of my favorite docufilms, IMELDA), ito ay ang epektibong ipinakita sa atin na makakapitan natin ang pag-asa (yes, si HOPE) kung may resilience sa family at faith sa Diyos.

Gusto niyo ba 'yun?! (i-Google mo na ang meaning ng resilience)

Ang documentary na ito ay eye-opener na hindi makatwiran ang justice system natin. Kung isa lang akong lawmaker sa kasalukuyang panahon, magpapasa ako ng batas na magkaroon ng DNA profile ang bawat filipino. Oo DNA database na katulad sa ibang bansa. Para kung may rape case, aalamin lang 'yung DNA thru sperm sa keps ng babae at ima-match siya sa database. Siguradong, huli na kaagad ang rapist pag may nagmatch. Mas madali 'yun kesa sa investigation. Kaso mukhang sa mga mayayamang bansa lang yata applicable 'to. Ipambibigas na lang ng mga Pinoy ang budgey para dito, sabi ni Juana Change.

Kung ako sa Viva Films, magpo-produced ako ulit ng pelikula about this para makabawi. Pero this time, version na ni Paco. Mas magpo-focus sa pitong akusadong binata at pamilya ng binata.

Jaime Fabregas bilang ama ni Paco (Oo, dahil siya pa rin ang favorite Spanish-looking pinoy actor sa Philippine movies)

Helen Gamboa bilang ina ni Paco (gawa nang hindi naman nangangailangan ng dramatic highlights ang role at hindi naman eksenadora si Mother, so puwede na ito)

Lana Asanin bilang sister ni Paco (Oo, resurrection niya ito. Pasabog na comeback! Its time para ipamalas niya ang kanyang acting prowess, if meron man)

At ang gaganap na Paco (lalayo pa ba tayo?) ay walang iba kundi si John Regala. Chos! Kafez na kafez niya talaga, aminin mo? Kaso medyo thunders na si Kuya John.
  
Siyempre, mas millennials dapat at mas slimmer.

My choice is Mark Neumann.

At ang kukumpleto sa pitong binata to attract gay audience ay sina: Boom Labrusca, Marco Gumabao, Kiko Estrada, Joseph Marco, Juancho Trivino at ang magbabalik-pelikulang si Wowie De Guzman. Para mabuhayan naman ng dugo ang natutulog na Universal motion dancers fans noong 90s. Pakonsolasyon na lang sa 90s kids, 'di ba?

Siyempre sa papel na Marijoy ('yung di gaanong kagandahan at di rin naman kachakahan), perfect si Maine Mendoza! Yun ay kung ipahiram siya ng Eat Bulaga.

At dapat idirek na 'to ng Ultimate Massacre Director na si Carlo J. Caparas, noh. Oo, ibabalik niya ang Massacre Movies! At ito ang comeback picture niya para ma-redeem naman niya ang sarili at hindi na almahan ng mga artists ang National Artist Award niya sa susunod na pagkakataon.

No comments:

Post a Comment