Wednesday, July 18, 2018

MAMMA MIA! HERE WE GO AGAIN


Mga Lolas and Thunder Titas, super havs ang part 2 ng MAMMA MIA.

Para sa inyo talaga 'tong musical na 'to! Hinaluan lang ng mga isinalpak na mga bata-batang artista to blend a youthful vibe para sa millennials audience.

(SPOILER ALERT)

Hanggang pag-uwi, tawang-tawa pa rin kami ng friend ko sa mga eksena ni CHER kung saan halatang lutung-luto sa Botox si Ninang bago sumabak sa shoot. Mukha na siyang Goldfish habang nagbabato ng linya! Papasa siyang Ivy Violan impersonator sa Kalokalike ng It's Showtime. Or younger version ni Madam Auring. Wa kems.

Ang pasabog na arrival ni Ninang CHER na parang sementado ang fezlak na mapupunit kapag na-stress at ang buhok na kumabog sa hairstyle ni TIna Paner noong 80s ng mukhang BRATZ na si Tanya (played by Christine Baranski) na hindi nabago after ilang dekada na ang nakalipas ang dalawa lang sa tatlong pasabog ng movie.

Ang pangatlo?

Ang musical number ng DANCING QUEEN!!!

Panalo! Tumindig talaga ang balahibo ko nang kantahin na 'yun. Yung song na 'yun kasi ang pinaka-inabangan ko sa movie e. It's my ultimate favorite Abba song!

Sa tatlong highlights pa lang na 'yan, masaya na ang pelikula.

Ay correction pala, sobrang saya na ng pelikula.

Slight bothered lang ako sa dalawang bagay:

Una, halos hindi na recognizable si Amanda Seyfried sa new look niya. Nawala na ang bilugan niyang mukha at doll-eyes. Numipis ang  mukha ng gagah at medyo lumiit din ang mga mata. Nagmukha tuloy siyang haggard at tuyot na fucking doll. Mukhang pati siya e nag-undergo ng Botox corrective procedure before sumalang sa shoot. Sayang, kasi 'yun ang signature looks niya e. Dun na siya minahal ng tao e.

Pangalawa, 'yung sa FERNANDO musical number ni CHER. Yung bumababa siya ng hagdan mula sa roofdeck, nakakakaba. Para mong pinanonood ang lola mong mag-isang bumababa ng hagdan. Yung parang ineestima mo kung kakayanin pa ba ng paa niya. May takot kang baka tumupi ang tuhod ni Lola!

Other than those two, it's a fun movie. Very entertaining siya. Mapapaindak ka at sasabayan mo talaga kapag alam mo ang kanta.

Kung Abba fan ka like me, huwag mo 'tong palalampasin! Uuwi kang may bitbit na ngiti sa labi.

Nirerekomenda ko rin itong movie na 'to sa mga millennials na pang-movie treat/bonding niyo with your Moms, Titas, mga beki Titos and most specially, sa inyong mga Lolas.

Promise, mag-eenjoy sila.
  
VERDICT:

Apat na banga at isang injection sa face mula sa cosmetic surgeon na nag-Botox sa mukha ni Cher.         

Pasensiya na sa poster na in-attached ko ha. Yan lang kasi ang maayos na na-download kong available sa Google, gawa nang naka-data lang ako. Pero hindi ganyan kalungkot ang movie. Super saya niya! 

No comments:

Post a Comment