Thursday, July 19, 2018

BILLIONAIRE BOYS CLUB


Dahil maagang nagising (na once in a blue moon lang mangyari), pagdiskitahan natin 'tong pelikulang BILLIONAIRE BOYS CLUB.

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang yayamanin sa Los Angeles noong dekada-otsenta na nagplanong mas yumaman sa pamamagitan ng Pyramid Scheme kaya nagrecruit sila ng kapwa-yayamaning mga otoko. Sa simula, success ang negosyo. Until ma-fucked up ang lahat nang mapatay nila ang investor nila who happened to be a con artist o propesyunal na manggagancho. Finish na.

Based daw ito sa tunay na buhay. At set noong 1980s.

Pero never kong na-feel ang 80s atmosphere or mood sa pelikula. Aside from malalaking TV monitor at lumang telepono na ginamit na props/set dress sa mga eksena, wala na akong nakitang significant remnant ng 1980s sa pelikula. Yun lang talaga sa pagkakaalala ko. Pati hairdos, wardrobe, etc, puwedeng pumasang 90s or 2000s.  Nagkulang ang art department. Kulang sa research ang production design! 

Pati music scoring, hindi ko naramdaman ang 80s! Again, puwedeng 90s or millennials song ang peg.

E napaka-critical pa naman ng mood sa isang period film. Kung hindi mo maramdaman na nandun ka mismo nung panahong 'yun, para kang si Sisa na naghahanap kina Crispin at Basilio. Maliligaw ka.  

At sa casting, ha. Hilaw sina Ansel Elgort at Taron Egerton sa mga roles na natoka sa kanila. Akting na akting, hindi natural na lumalabas. Parang Aljur Abrenica lang sa GMA noon bago siya humusay sa ABS. Eye candy, check. Arte, kahoy. Para bang kalalabas lang nila sa acting workshop at ito ang culminating film nila. Kabisado ang mga dialogue, nakadeliver sa hinihingi ng eksena, pero walang lalim. Nao-off ako sa ilang eksena nila. Ang awkward. Mas bagay ito kina Jesse Eisenberg at kay Daniel Radcliffe. Sila ang nakikita ko sa roles ng dalawa.

Mukhang in-achieved lang ng casting director 'yung dalawang guwapong aktor para sa baklang direktor niya for their movie e. Kung uso din ba ang ganitong sistema sa Hollywood? Aba, malay ko.

Buti na lang at napakahusay ni Kevin Spacey, ang gumanap na Investor/Con Artist at naiangat niya sa pagkabano 'yung dalawa. 

Slight boring siya for a crime film na dapat e nag-e-escalate ang tension tulad ng A SIMPLE PLAN at ng FARGO man lang. 

Para ka lang nanood ng TV movie sa Hallmark channel or special presentation ng any Crime channel sa cable na biglang may lalabas na text sa ending, isang paragraph kung ano na ang kinahinatnan ng kaso. 

Ito 'yung isa sa mga pelikulang kapag napanood mo, madali mong makakalimutan in just a few years. Yung mapapaisip ka kung napanood mo na ba 'yun kapag narinig mo 'yung title or napag-usapan niyo ng mga kaibigan mong film buff. 

Forgettable siya.

Hindi ako nagsisisi na tatlong beses akong naihi sa sinehan at dalawang beses halos nakaidlip.

VERDICT:

Dalawang banga at isang sorry sa beshie kong nagyaya sa aking panoorin ito gawa nang sobrang krass niya si Ansel Elgort. Sensya na, di ko talaga bet 'yung movie ng ultimate krass mo.

No comments:

Post a Comment