Sunday, March 11, 2018

RED SPARROW


Mas magulo pa sa bulbul ni Goldilocks ang plotline ng RED SPARROW.

Siguro nang komisyunin ‘yung writer nito para isulat ang script, ang main intention ng producer e “Lituhin ang audience. Yung tipong mapapatili sila sa inis at pagsisisihan nilang pinanood nila ‘yung pelikula natin. Sayangin ang oras ng moviegoers.”

At successful sila.

Taena, for the longest time, ngayon lang ulit ako naligaw sa panonood ng movie. Yung tipong sa kalagitnaan ng panonood e mapapatingin ka sa katabi mo at mapapatanong ng, “Saan na tayo?”.

Hindi ko nasundan ang character at ang kuwento mismo!

Hindi ko maintindihan kung ano ang layunin ng femme fatale character ni Jennifer Lawrence sa movie. Hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban niya. Dagdag irritation pa dito ang fake Russian accent niya.
Parang gusto ko siyang ituro sa screen at sigawan ng “Ang labo mo, mare!”.

Para siyang si Georgia ng Ika-6 Na Utos na iwi-wish mong sana e mamatay na lang ‘yung character para matapos na kaagad ‘yung istorya.

Sa nakakalitong plotline pa nito, nag-introduced ang writer ng napakaraming characters NA sa kalagitnaan ng pelikula e biglang mamamatay, me-murder-in o maaaksidente na mala-Final Destination. Yes may cameo appearance dito ang rumaragasang sasakyan na ‘di mo alam kung saan nanggaling!

Hindi ko rin maintindihan kung espionage ba ito or erotic thriller na sume-semi torture porn. Nalito na rin ang writer kung ano ang lulutuin niyang putahe e.     

May katipo itong pelikula noon e. Yung 1999 film ni Ashley Judd na EYE OF THE BEHOLDER. Parehong semi-erotic thriller na merong femme fatale lead. Pareho rin silang nakalilito. Pero ang kaibahan nito sa RED SPARROW, ‘yun e nasundan ko at nagustuhan ko. Itong PULANG MAYA e hindi.

Ang tanging na-appreciate ko lang dito e ‘yung treatment ng scripting, kung saan sa simula ng story e nagpresent sila ng dalawang characters ng halos sabay. Tapos, susundan mo ang magkaibang kuwento nila hanggang sa magtagpo na sila. Yun lang.    

Pero over-all, nakaka-stress ang pelikulang ito. Ang pinakahihintayin mo na lang e kung kelan lalabas ang end credits. At mapapapalakpak ka talaga sa tuwa. Mapapasabi kang “Sa wakas, makakauwi na ako.”

Sana e inulit ko na lang ‘yung Tomb Raider. Mas natuwa pa siguro ako.

Watch it, kung gusto mong makita ang pa-boobs at guhit ng puwet ni Jennifer Lawrence. O kung naghahanap ka ng sakit ng ulo, pag-aksayahan mo itong panoorin.

Ihanda ang sarili sa paglipad ng 260 pesos mo.

No comments:

Post a Comment