Friday, August 30, 2019

WEATHERING WITH YOU


Nagustuhan ko naman 'yung mga tagalized anime noong 90s like Princess Sara, A Dog Of Flanders at Remi Nobody's Girl. Pero hindi ako gaanong familiar sa Japanese movies, much more sa animated films nila.

Never pa akong nakanood ng AKIRA KUROSAWA films. Alam ko, favorite siya ng mga cinephiles. Pero di lang talaga ako nagkainteres na silipin ang works niya. Not my cup of tea siguro. Ayoko namang maging pretentious na sabihing napanood ko na 'yung mga movies niya, 'di ba?

Pero some of Takashi Miike's works, napasadahan ko't nagustuhan. I dig his works. Lalung-lalo na 'yung AUDITION. Pati ni Hideo Nakata ng RINGU. Pawang horror filmmakers kasi.

Sa totoo lang, ang mga pinanood ko lang na Japanese movies e mga J-Horror noong early 2000s (Ringu, The Grudge. etc).

At isang japanese film lang ang pinakanagustuhan ko talaga, ito 'yung NOBODY KNOWS. Tumambling ako dun with kasamang acrobatics sa ere sa sobrang ganda!

In recent years, as in wala pang limang taon ang nakakaraan, natagpuan ko naman ang SPIRITED AWAY. Favorite kasi ng kakilala kong writer 'yun kaya na-curious ako't dinownload ko sa torrents.  Hindi naman ako na-blown away sa ganda.

But it caught my interest. Sabi ko, may ibubuga pala ang Japan sa paggawa ng animated films. In terms of narrative at visual storytelling, unique sila. Malamig sa mata. Dama mo 'yung lugar e. May magic.

Next to that, na-encountered ko ang THE GRAVE OF THE FIREFLIES. Niyeta, sumikip ang dibdib ko sa pelikulang 'yan. Nadurog ang puso ko sa sinapit ng magkakapatid sa panahon ng giyera. Torture 'yung movie na 'yan sa mga mabababaw ang luha. Paiiyakin ka talaga ng swarovski.

Pangatlong Japanese animated movie na napanood ko, WOLF CHILDREN . Split din ako sa pelikulang 'yun sa ganda. Tungkol sa single mom na merong dalawang anak na nagiging wolf. Simple, pero may kagat rin sa puso.

Guess kung ano ang pang-apat?

Itong WEATHERING WITH YOU na.

Wala talaga akong balak panoorin 'to kanina sa Robinsons Forum. Nasira kasi ang knob ng bagong aircon ko (Oo, ke bago-bago, nasira! Wag kayong bibili ng EUREKA aircon! Mahinang klase gawa nang siya ang pinakamura).

Pumunta ako ng Forum to buy a replacement knob sa ACE Hardware dun sana. Alam ko, bukas ng tanghali, sa sobrang init, hihiwalay na naman ang betlog ko sa katawan. Ayoko nang maulit 'yun. Nangyari sa akin 'yun noong nakaraang summer e.

E kaso, hindi available sa ACE. So sabi ko, instead na umuwi akong walang ganap at masayang lang ang punta ko dun, manonood na lang ako ng sine.

Kaya ito ngang Japanese animated film na 'to ang pinanood ko.

(SPOILER ALERT)

Kuwento ito ng isang binatilyo na istokwa (stowaway) sa mga magulang na napadpad ng Tokyo. Namulubi dun, walang makain at matirhan. Until nakahanap siya ng trabaho, bilang assistant sa maliit na publishing company. Stay-in siya at libre meals.

Ang una niyang assignment e tungkol sa mga Urban Legends na nakapaloob sa hindi matapos-tapos na maulang weather sa Tokyo. Unlimited  rainy season ang peg.

At nagresearch siya tungkol sa isang babaeng may kakayahang magpaaraw sa gitna ng ulan. Tinagurian nila itong si 'Sunshine Girl".  Mutant? Hindi, gifted lang.

Along the way, mae-encounter niya si Sunshine Girl sa isang unexpected turn. Kinuha niya itong partner sa online business niyang itatayo, ang serbisyo nila ay ang magpaaraw ng isang lugar sa gitna ng ulan sa pamamagitan ng power ni Sunshine Girl. Mga customer nila, mostly mga event organizers.

Maganda ang takbo ng negosyo. Malaki ang kita.

Kaso, na-inlove si binatilyo kay girl.

Ito ang twist: Para palang sumpa ang gift ni Sunshine Girl. Sa kada paaraw niya, unti-unti siyang mawawala na parang bula. Sacrifice ng sarili niya para sa kasiyahan ng iba? Parang ganun na nga.

Paano na ang love story ni binatilyo? Kakayanin kaya niya itong ipaglaban kahit na lamunin na si Sunshine Girl ng mga ulap sa kalangitan?

Yan ang tatakbuhin ng pelikula.

Romantic fantasy!

Naalala ko 'yung 90s movie na nagustuhan ko noon dito, 'yung POWDER at WHAT DREAMS MAY COME. May elements siya nun. Meron siyang katiting na magic realism.

Maganda rin ang concept, 'di ba? Panahon yata ngayon ng mga weird concepts like RADIUS, LOVE ALARM at ANG BABAENG ALLERGIC SA WI-FI.

Nakakakilig? Check.

Cute? Check.

Kakaibang concept? Check na check. Very original siya. Walang katulad.

WEATHERING WITH YOU is a beautiful Japanese animated film. Napangiti ako ng pelikulang ito.

Worth a check.

VERDICT:

Apat na banga.

No comments:

Post a Comment