Just came from FUCCBOIS Gala Night.
Here's my take on Direk Eduardo Roy Jr. Cinemalaya entry
this year:
Iiwasan kong maging biased dahil friendship ko si Direk
Edong at isa ako sa nag-extra sa pelikula.
Oo, apat na beses nag-flash at lumabas sa fillers ng eksena
ang mukha ko. Mapapansin 'yan ng mga friends at kakilala kong makakanood nito.
Truth is, i had the privilege of reading the earlier draft
of FUCCBOIS. Pinabasa sa akin ni Edong. Kaya alam ko ang mga nabago at nadagdag
na eksena sa shooting script.
Napakasimple lang ng script. Wala itong dramatic highlights
aside sa ending part. Paano naman kasi, isang araw lang nangyari ang kuwento.
Di na kinailangan ng mga inciting incidents o ng significant subplots. Sa loob
lamang ng 50 or more sequences, tapos na ang script.
Pero may deeper implications ang kuwento.
Substantial ang script.
It's about social media fame. Dreams. Corruption. Politics.
Sex. Murder.
Knowing Edong naman, hindi 'yan gagawa ng pelikula na wala
kang mapupulot. Hindi moral lessons, gagah. Insights.
At dahil sa ganda ng direction ni Edong, napaganda na naman
niya ang isang simpleng kuwento.
Nasalsal niya ang bawat detalye sa script. Nag-bleed sa
cinematic merit ang pelikula.
At nanganak na naman siya ng dalawang baguhan na mukhang
kikilalaning aktor sa industriya sa ipinamalas na galing sa pag-arte. (Remember
Mimi Juareza of Quick Change at Hiyasmine Kilip of Pamilya Ordinaryo)
Ayan ang magic niya. Tatak Edong 'yan.
Turning a simple script into a powerful movie.
Pero hindi ito para sa mga conservative moviegoers. You're
in for a shock sa crime scene! Intense 'yun. Shocking asia siya!
Para sa akin, hindi ito ang best film ni Edong. Hawak pa rin
ng Pamilya Ordinaryo 'yun.
Pero ito ang pinakamatapang niyang pelikula in terms of
nudity and material, so far.
Nakakawindang ang chupchapan ni Yayo Aguila sa lead actor na
si Royce Cabrera at ang pagsubo ni Ricky Davao sa hinlalaki sa paa ng bida sa
sex scene. Nalukret ako dun.
Malamang kung may madre lang na manonood, tiyak akong
mapapaihi sa loob ng sinehan.
Binigyan ng pelikula ng unsettling feel ang tanong na
"Who's your mommy?".
WATCH.
VERDICT:
Apat na banga para sa apat na kuha ko sa pag-eextra sa
pelikula.
#Fuccbois #Cinemalaya2019
Ito ang schedule of screenings:
No comments:
Post a Comment