Tuesday, November 5, 2019

NUUK



Niyeta. Ang ganda ng NUUK.

Kung ano ang inexpect ko sa trailer, 'yun ang napanood ko.

Sa simula, aakalain mong love story na may malungkot na ending ang pelikula sa pagmi-meet nina Alice at Aga na parehong nasa depressive state. Talak dito, talak doon ang characters nilang dalawa. Getting-to-know each other phase pa sila.

Sume-semi-comatose movie siya sa simula or dahil kaya sa milieu? Effective at ang perfect kasi ng Nuuk bilang backdrop ng kuwento.

Sa totoo lang, hindi pa ako sold sa pagka-cast kina Aga at Alice sa umpisa. Sa isip-isip ko, hindi sila ang perfect casting. Mas si Derek Ramsey at aktres na Maricel Soriano-caliber ang nakikita ko dito.

Until pumasok 'yung anak ni Alice, naging mother-son drama na ang timpla. Again, hindi rin ako sold sa pagka-cast sa anak ni Alice dito. Mukhang ewan. Hello, mas marami pa naman sigurong good-looking at marunong umarteng Danish boy kesa sa gumanap. Mukhang anak ng producer kaya naisingit lang e.

Sa puntong ito, medyo nabo-bore na ako. Mukhang walis 'tong movie, nasabi ko sa sarili ko.

Slow-paced kasi. Walang ganap sa kuwento. Puro chikahan.

Hindi malinaw ang pinupuntahan. Love story ba ito or family drama? At saka bakit ang gloomy ng timpla? May pay-off ba ito sa ending?

Akala ko madi-disappoint ako ni Veronica Velasco for the first time. Lahat kasi ng pelikula niyang napanood ko, nagustuhan ko. Faney ako ng mga movies niya. From INANG YAYA to DEAR OTHER SELF, lahat nagustuhan ko talaga.

Then sa Third Act, naging mystery-thriller na ang moda. Teka nga, baliw ba si Alice? May pagka-psycho-thriller na ba ito?

Nag-escalate ang pelikula.

At ang panalong twist. BANG!

Nahulaan ko man 'yung twist pero huli na. Nandun na mismo sa eksena kung saan mari-reveal na kay Alice ang lahat.

Lahat ng mga pangyayari sa simula, nag-make sense sa ending. As in lahat, walang naiwanang butas. Tahing-tahi ang lahat. Pulido ang pagkakasulat ng script.

Pati 'yung disappointment ko sa pagka-cast kina Aga, Alice at dun sa anak e binalewala ko sa ganda ng twist.

Napapalakpak ako.

Meron akong napanood na US movie na may katulad na ganitong treatment noon e. Nakalimutan ko lang 'yung title at mga artista. Pareho rin ang setting, may pa-snow-snow kineme rin.

Pero wala pa akong nakitang ganito sa Pinoy movie. Wala itong katulad dito. Kakaiba siya.

Tagumpay ang blending ng romance, drama at thriller. Nag-create siya ng sariling timpla.

Kung ito mapapanood ng foreigner producer, iti-tweak lang ito ng konti (babaguhin ang milieu at iwa-whitewashed casting lang), hollywood movie na.

Nakikita ko sina Diane Lane or young Sally Field sa role ni Alice at isa kina Jake Gyllenhaal or Ryan Gosling ang perfect sa role ni Aga. Tapos sa role ng anak ni Alice, si Tom Holland. At isa sa dalawang gaganap sa lead role ang mano-nominate sa Oscars.

Ganun kaganda ang concept. Pang-hollywood material siya.

Hindi rin ako magugulat kung magkakaroon ito ng South Korean remake sa near future.

Sa mga mahihilig sa mystery thriller with unexpected twist diyan like me, highly recommended ko 'to sa inyo. Di masasayang ang effort at pera niyo.

Topnotch Pinoy thriller. Mabigat nga lang ang handle.

Panoorin niyo!

VERDICT:

Apat na banga.

No comments:

Post a Comment