Friday, November 29, 2019

FROZEN 2


Big fan ako ng original FROZEN.

Naalala ko six years ago, mag-isa ko itong pinanood sa SM Megamall. Lumabas ako sa sinehang nakangiti at blown away.

Kinabukasan na kinabukasan rin, bumili ako ng CD ng soundtrack nito.

Inaraw-araw ko 'yun hanggang sa magsawa na 'yung kapitbahay ko sa kapapakinig sa sabayang pagkanta ko sa CR. Wa kems. Kulang na lang e tumuntong ako sa inodoro kapag bine-belt out ko 'yung chorus ng Let It Go.

Nagsawa na lahat pero 'yung tenga ko, hindi pa. Nakabisado ko pa nga halos lahat ng lyrics nun e.

Next to THE LITTLE MERMAID, instantly 'yun ang naging favorite Disney animated musical ko.

At pasok siya sa Top 10 List ko ng Best Animated Movies Of All Time sa pangunguna ng ISKO: ADVENTURES IN ANIMASIA. Chos.

Itong FROZEN 2, wala talaga akong planong panoorin. Kasabayan kasi 'to ng unang mainstream movie na kino-write ko, ang ADAN. Kontrabida 'to sa buhay ko. Pinataob kami nito sa box office e. So bakit ko tatangkilikin, 'di ba?

Pero, may forgiving heart naman ako. Ako 'yung taong walang ka-grudge grudge sa mga bagay na nakapagpasama ng loob ko. Saksi ang mga punyetang nanggago sa akin noon na nasa listahan ko ng ipatutumba sakaling yumaman na ako.

Chos ulit.

Dahil wala nang ADAN sa sinehan, i finally decided na silipin itong sequel ng FROZEN.

Hindi ako na-disappoint. Napakaganda!

Subalit... datapwat... bagaman...

Meron lang akong munting puna.

Sa mga nakanood na...

Medyo mataas siya, 'di ba?

Yung hindi siya pambata.

O sadyang ganitong level na ang katalinuhan ng mga bata ngayon? Kalinyahan na lahat ni Greta Thunberg ang understanding? Na ako na lang ang hindi upgraded at fixated sa notion ang cartoons e dapat kasing babaw at kasing-kingkingan lang dapat ng Cinderella o Princess Sara?

Kasi aside kay OLAF at sa visulas, hindi na ito pambata e.

Well, i'm speaking about the content - 'yung substance ng kuwento,  hindi pang grade school.

Mas papasang pang-Young Adult.

Kasi though tungkol ito sa journey ng mga bida sa Enchanted Forest para madiscover ang nakaraan ng kingdom at masolve ang misteryo ng enchanting voice, mas may deeper implication pa 'yung pelikula. Tungkol sa tiwala't pagtatraydor.

Puwede nga itong representation ng kinakaharap ng Pilipinas sa ngayon.

Yung Grandfather nina Elsa, puwedeng kumatawan sa bansang China.

Yung Enchanted Forest e ang Pilipinas.

Yung leader ng Northuldra, si Duterte.

Yung dam, ito 'yung mga proposals, mga huwad na pangako, deal na napagkasunduan nina Duterte at China.

Yung mga natirang tribe ng Northuldra, mga Dilawan.

Yung mga na-trapped na troop ng Arendellian soldiers, mga Dutertards.

Tapos, sina Elsa at Anna 'yung mga pinoy political activists na magtatama sa future sa nangyaring kaululan ng PDuts Administration sa past.

Then 'yung mga Earth Giants, 'yung mga pinoy na nagrebolusyon sa future.

Yan ang pumasok sa radar ko.

Pinakanagustuhan ko sa pelikula, si OLAF. Minsan lang ako makakita ng sidekick na hindi bobo. Malalim 'yung snowman na ito. Daming alam. At napaka-funny niya! Winner 'yung mga punchlines niya.

At hindi rin disappointing ang soundtrack ng movie.

Mapapakanta ka talaga ng "Into The Unknown" paglabas mo ng sinehan.

VERDICT:

Apat na banga at ang mas mahaba't malagong blondinang nakatirintas na hairdo ni Elsa na gagayahin na naman ng mga baklang impersonator sa mga future shows nila. Paghandaan ito.

1 comment:

  1. Very true. Tumaas yung pagkagawa ng Frozen 2, Maybe because the characters are adult na? But yet ang ganda pa din niya na movie.

    ReplyDelete