Gusto mong makanood ng magandang action thriller? Yung kahit
lagpas dalawang oras 'yung peliks e'di ka mabo-bored? Yung maninigas 'yung
kalamnan mo sa suspense, enough para mapaanak ka nang wala sa oras sa bahay mo?
Watch mo itong HOTEL MUMBAI.
Day, ang ganda!
Base ang pelikula sa totoong pangyayari sa Mumbai, India
noong 2008, kung saan inatake ng mga Muslim terrorist ang Taj Hotel. Doon,
merong hidden room (tawag ng hotel e Chambers Lounge) kung saan dun
nagsipuntahan ang mga survivors (mga hotel staff at VIP guests) para hintayin
ang rescue. Pero limited lang 'yung unang nagsipuntahang pulis, lahat nategi pa
at 'yung Special Forces pa nila e manggagaling pa sa New Delhi. Kaya kakain
muna ng ilang oras ang kanilang paghihintay sa hidden room bago sila tuluyang ma-rescue.
Susundan mo ang mga natitirang guests sa loob ng hotel kung
paano nila matutunton ang Chambers Lounge nang hindi sila mahuhuli ng mga teroristang
pagala-gala sa bawat floor.
Mauunahan ba ng mga halang ang kaluluwang mga terorista ang
mga guests at ang Special Forces sa pagtunton sa hidden room?
Masasagip pa ba ang 50+ surviving hotel guests sa loob ng
hidden room?
Patayan galore. Barilan, bogahan ng baril sa ulo at ratratan
ang pelikula. Walang sasantuhin ang mga teroristang may baluktot na paniniwala,
'yung nakahandang mamatay alang-alang sa relihiyon kahit nasa maling gawain naman.
It's an intense survival movie. Nakakapanginig ng laman.
Mapapadyak ka sa inis sa mga tangang desisyon ng ibang characters.
Pero satisfying ang ending.
Pinaka-favorite ko rito 'yung eksena rito nina Dev Patel at
'yung old woman/guest na papunta nang hysteria dahil sa kaganapan, kung paano
niya ito pinakalma. Napaka-powerful ng mga linyang binitawan ni Dev Patel dun. Ganda
ng pagkakasulat ng writer dun. Parang ang subtext nun e "Pantay-pantay
tayo sa oras na 'to. Kailangan nating magtulungan para maka-survive."
Ka-level ang pelikula ng THE MIST ('yung movie version) at
'yung NO ESCAPE starring Owen Wilson, kung saan initsa niya sa rooftop ng
building 'yung asawa't anak niya papuntang kabilang building para makatakas rin
sa mga rebelde.
Remember 'yung eksena sa CITY OF GOD kung saan pinasok ng gang 'yung isang
hotel tapos niratrat lahat ng guest dun para pagnakawan? Ganun 'yung 80% ng
pelikula.
Kasing bayolente rin siya ng PURGE at THE RAID.
Ganun.
Nasurpresa ako sa pelikula. Natuwa ako sa napanood ko.
Na-entertained ako.
VERDICT:
Apat na banga at ang kumislot kong keps sa teroristang si
IMRAN na kay sarap upuan. Yung kahit mukhang 'di naliligo at dugyot, mukha
namang eight inches 'yung diameter ng nota.
No comments:
Post a Comment