Di pa rin ako maka-get over sa BIRD BOX kaya ito kukuda ako
nang slight.
Taena, ang ganda ng pelikula! Napakaganda, actually!
Pinaghalu-halong THE MIST, THE RIVER WILD, A QUIET PLACE at
THE WALKING DEAD!
Walang tapong eksena. Walang room para kumalma ka. Nonstop
ang suspense!
Yung pang widescreen siya at hindi ka dapat maihi kundi
you'll miss out something!
(SPOILER ALERT)
Ang pinakanagustuhan kong eksena sa BIRD BOX aside sa ending
e ‘yung eksena sa river bago ‘yung raging rapids (na ang rinig ko nung unang
sabihin ni Sandra e rabbits), kung saan, ini-instruct ni Sandra ang dalawang
bata sa gagawin. Na isa sa kanilang dalawa ang dapat magtanggal ng blindfold
para ituro ‘yung tamang path patungo sa safe community na tinatahak nila.
Tapos, super volunteer si Boy na siya na lang daw ang magtatanggal ng blindfold.
Nireject ni Sandra ‘yung pagvo-volunteer ni Boy kasi nga tunay niyang anak ito
kaya sabi niya instead “Ako na ang pipili sa inyong dalawa” na may subtext na “Si
Girl ang napili kong gagawa nun”. At base sa reaction ni Girl, nakuha niya ang
gusto ni Sandra kaya nag-volunteer na siya. Awwww. Meaning, at an early age, naiintindihan
na niya ang konsepto ng pagsasakripisyo.
Niyeta, sumikip ang dibdib ko sa eksenang ‘yun.
Mas lalo pa nang magdecide si Sandra na wala na lang
magtatanggal ng blindfold sa dalawa. Patay-bahala na lang nilang haharapin ang
raging rapids. Bahala na si Batman.
Powerful ‘yung eksenang ‘yun! Kasi pinakita niyang pantay
ang pagmamahal niya sa dalawa, at tinupad niya rin ang pangako kay Olympia na
aalagaan niya ang anak nitong si Girl.
May puso ang pelikula!
Petition for Cindy Curleto sa papel ni Sandra Bullock para
sa Pinoy Remake!
VERDICT:
Limang banga para sa pivotal role ng tatlong walang dialogue
na ibon sa pelikula.
No comments:
Post a Comment