Thursday, January 3, 2019

JACK EM POPOY


Last Vic Sotto na napanood ko sa sinehan e ‘yung kasama niyang bida sina Ryza Mae Dizon at Bimby Aquino. Nandun din si Aiza Seguerra, Jose Manalo at Paolo Ballesteros. Tapos, kontrabida si Jaclyn Jose. Kung hindi ako nagkakamali, ito ‘yung MY LITTLE BOSSINGS.

Super nasuka ako sa ka-chopsueyan ng pelikulang ‘yun!

Sa story, pagkakalatag at comedy, nagkulang. At sobrang sabog sa ka-cliché-yan at ka-cornyhan ang movie. MMFF entry pa man din.

Nakakapanghinayang ‘yung binayad, effort at oras ko sa panonood.

Gusto kong magbuhos ng gas at magsindi ng apoy sa loob ng sinehan sa inis!

To think na mahusay ‘yung director nito, na siya ring nagdirek ng indie film na nagpahalakhak sa akin ng todo noon sa Cinemalaya.

For a time, naging faney din naman ako ng Vic Sotto movies. Yang mga TVJ 80s comedy films na ‘yan, pinanonood ko pa ang replays sa TV noon. Favorite ko nga ‘yung BILIBID GAYS nila. Super havs sa akin ‘yun!

Wala rin akong pinalamapas na OKAY KA FAIRY KO movies. Natapos ko ‘yan. Napahinto lang nung naging ENTENG KABISOTE na ito. Bakit? Kasi hindi ko na henerasyon ‘yun. Hindi na ako bata nang magsimula ‘yun.

So you see, ang ilan sa Vic Sotto movies e childhood movie ko. Batang 90s yata ito.

Pero since MY LITTLE BOSSINGS, pinangako ko na sa sarili ko na never na akong manonood ng Vic Sotto movies. Nakakainsulto sa natitirang katalinuhan sa kukote ko e.

Kaso mahal daw nila dito sa Baguio si Coco Martin sabi ng younger sister ko e. So tinreat ko siya manood ng JACK EM POPOY kanina.

Vic Sotto formula: slapstick humor, cheesy melodrama, salpakan mo ng EAT BULAGA hosts at community characters. Isama mo pa ang walang kamatayan niyang catchphrase na “Hi, fans!”. Lahat ‘yan present.

Ang wala lang sa JACK EM POPOY e ang sexy leading actress niya.

Predictable ang kuwento. Magbilang ka lang ng 1, 2, 3… alam mo na ang plot at mga twist.

Pero dahil affected ako sa mga pelikulang may temang Father-Son/Reunion/Forgiveness, sapul ako ng pelikula. Yung sumikip nang slight ang dibdib ko sa hapdi. Oo, naantig ang puso ko ng isang comedy film.
Nubayan, nakakahiya.

To add, forgivable ang formula, timplado.

Plus napakalinis ng pelikula (editing, cinematography, directing, acting, sound, etc).

Hindi nakakaumay.

Ang treat ng movie, anufangavah, Coco and Vic in drag!

I was entertained. Pati ‘yung sister ko, nag-enjoy. Kaya naibalik ang kumpiyansa ko kay Vic Sotto.

JACK EM POPOY is a Vic Sotto movie done right.  

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang ipinilit na eksena ng inakala kong pandak na extra pero si Ryza Mae Dizon pala.   

No comments:

Post a Comment