Friday, January 4, 2019

AURORA


Pumasok sa signal ko ang pangalang Yam Laranas noong early 2000 nang mapanood ko ang BALAHIBONG PUSA, one of my favorite pinoy erotic films. Dito yata unang nag-breast exposure si Rica Peralejo at ang hindi ko malilimutang linya niya sa pelikulang “Yung cheeseburger daw nila, walang cheese.” Sa sinehan ko ito napanood, tawang-tawa ako sa dialogue na ‘yun.

Ang next project ni Yam Laranas na napanood ko at sobrang nagustuhan e ang HIBLA. Sino’ng batang 90s ang makakalimot sa “Rica na, Maui pa”, ‘di ba?

Tapos, SIGAW came. Sobra kong nagustuhan ‘yun. Ito at ang FENG SHUI ang dalawang ambag ng Pilipinas sa Asian Horror bandwagon nung panahong ‘yun.

Then, natagpuan ko ang blog ni Yam Laranas. At nabalitaan kong iri-remake sa Hollywood ang Sigaw at magiging The Echo. Ang crushie ko pa namang si Jesse Bradford of SWIMFAN ang magbibida kaya from time to time e chine-check ko talaga ang blogsite niya. For a year, updated ako sa mga news at blog entries niya. From pre-prod pictures ng THE ECHO hanggang sa matapos na niya ang pelikula, nasubaybayan ko talaga. Isang taon pa ang nagdaan bago tuluyang naipalabas sa mga sinehan dito ‘yun na unfortunately, VOD (Video On-Demand) lang ang naging distribution sa States noon. Parang pang-digital lang, pang-Netflix. Ganyan.

Maganda naman ‘yung Hollywood version pero mas nakakatakot pa rin ‘yung SIGAW.  

Tapos, pumasok na nga itong napaka-chakang PATIENT X. Nagtae ang pelikulang ito. Nagmamaka-something! Pretentious ito. Di ko maintindihan kung bampira ba sila o manananggal? Kung mental patient ba si Christine Reyes o naglulukaret-lukaretan lang. May social commentary ba ito? Nagsusumigaw ang pelikula na “Kakaibang horror ito!”. Daming pinaglalaban!

Feeling ko, rumaket lang si Direk sa pelikulang PATIENT X.

Then came, ‘yung GMA films na THE ROAD. Para sa akin, isa ito sa TOP 3 pinakamagandang pinoy horror movie of 2000s, kasama ng SIGAW at FENG SHUI (na pareho pa ng taon ipinalabas, 2004). Nawindang ako sa eksena ni Alden Richards dun nang pukpukin niya sa ulo si Rhian Ramos o (si Barbie Forteza ba?) from behind. Anlakas maka-Norman Bates of Psycho! Napaangat ang puwet ko sa kinauupuan. To think, na sa pirated DVD ko lang ito napanood noon. So much more kung sa sinehan pa. Mapapatili siguro ako dun nang mahaba. Oo, kasing haba ng pelikula ni Lav Diaz.

Dahil sa THE ROAD, Yam Laranas is back in the game!

After that, wala na akong nabalitaang film project niya. Tama nga ako, kasi upon checking his IMDB, isang indie film lang ang pagitan ng THE ROAD at itong latest movie niya.

After a long time, ngayon lang yata nagbalik sa mainstream horror si Yam Laranas via this MMFF entry, AURORA. Na-excite ako nang mapanood ko ‘yung trailer nito. Mukhang special ito.

I decided na ito ang nasa Top 1 kong ipa-prioritize panoorin sa MMFF 2018. Aside kasi sa horror fanatic ako, isa sa mga Direktor na kagrupo ko e ‘yung AD nila dito. So, Top 2 ko e ang JACK EM POPOY. Top 3, ONE GREAT LOVE. Top 4, RAINBOW’S SUNSET. At siyempre, hindi mawawala ang FANTASTIKA. Naging tradition na kasi namin ng family ng Dad ko ang panonood ng Vice Ganda movie every MMFF. Yung Top 1-4, meron akong kakilala/friend sa industriya na kasama sa creative at production staff ng mga pelikulang ‘yan kaya napasok sa watchlist. I’m interested to see kasi kung ano ang maio-offer nila kaya I need to check their films.
    
Kaso, FANTASTIKA at JACK EM POPOY lang ang meron sa SM Baguio nung first week. Second week, nagkaroon na ng AURORA, na pinanood ko nga kagabi kaya may hanash ako ngayon. Pagbalik ko ng Manila, sana maabutan ko pa sa sinehan ‘yung ONE GREAT LOVE at RAINBOW’S SUNSET.

Ito na nga, after ng mahabang pasakalye… my take on AURORA:

(SPOILER ALERT)

Para siyang Japanese o European horror film na napanood ko noon (hindi ko lang matandaan ‘yung title). Yung nagsimula ng tahimik, tapos unti-unti kang hihilahin para sa isang pasabog na last quarter. Semi-lethargic siya. Slow burn. Na-hooked lang ako nang lumabas sa screen si Marco Gumabao at pumintig ang kaliwang utong ko.

Napaka-unsettling ng atmosphere. Yung feeling mo, hindi ka safe sa pelikula. Ang eerie. Nakatulong ang color grade na tulad ng sa pelikula ni Taylord Hackford na favorite ko, DOLORES CLAIBORNE (based from Stephen King novel). Ang hazy ng texture! (Hello, horror nga, divah? Mema lang. Pampadagdag ng words).

At ang bumanggang barko, buhay na buhay! Hanep ng visual effects. Ginastusan!

Deserved nito ang Best Cinematography award! Hands down.

Commendable din ang production design. Mamahalin. Halatang hindi tinipid. Pulido ang detalye. Impressive ang Seaside Inn. Napaka-vivid! Na kung hindi ka maalam sa filmmaking o isa ka lang regular viewer, aakalain mong totoo ang bahay at hindi isang studio o mocked-up ‘yung location.

Pagdating sa script, medyo sumablay lang nang slight.

Kasi ‘yung linya ni Anne Curtis na “Ayokong makinabang sa mga patay” very contradictory sa actions niya sa buong pelikula. Nagpapahanap siya ng mga bangkay sa laot pero ibabagsak niya with conviction ‘yung dialogue na ‘yun? Na alam naman ng lahat ng manonood na merong nakalaang reward na 50,000 pesos sa kung sino man ang makakakita ng bangkay. Ano ‘yun, trip-trip lang niya?

I was waiting for a pay-off e. Akala ko may kinalaman ‘yung pagkaaksidente at paglubog ng sasakyan ng mga magulang ni Anne sa motibo niya. Maganda sanang angklahan ng intention ‘yun ng karakter ni Anne e. Pero wala e.

Meron ba? Kasi tatlong beses akong umihi sa CR e. Baka nakaligtaan ko lang. Itama niyo na lang ako, if ever.

Nakadagdag pa sa confusion ‘yung desisyon ni Anne nang sabihin niyang “Sayo na ‘yan” or words to that effect nung ibrought-up ni Allan Paule kung paano ang hatian nilang tatlo sa pagkakahanap ng bangkay ni Giant. To justify lang ‘yung una niyang nakalilitong dialogue. Pero ang tanong ng bayan: Bakit niya pinahahanap sa dalawa ‘yung mga bangkay?!

Dun nagkaproblema sa characterization ni Anne. Yung conflicting statement niya sa actions niya.

Actually, puwede pa ngang hatiin sa dalawang pelikula ang kuwento. Una, tungkol sa bangkay na ayaw magpauwi sa hometown (kuwento ng Giant). At pangalawa, ‘yung tungkol sa owner ng Seaside Inn kung saan lumubog ang barko sa harap nito (ito ‘yung kuwento ni Anne). Kaya dama ko nahirapan ‘yung writer na tapusin nang sabay ‘yung kuwento nito sa ending pelikula.

Ngayong, natagpuan na ang mga bangkay… ano na? May resolution or closure ba kina Anne at Giant?

I heard pa nga sa isang moviegoer sa loob ng sinehan: “Ano na nangyari dun kay Benjamin (Giant)?” na biglang nag-aparisyon sa ending ang multo. Para sabihin ba sa audience na “matatahimik na rin ang kaluluwa ko” trope ng isang Pinoy Ghost movie?

Ganun-ganun na lang ba kadali ‘yun?

Tapos, ‘yung character ni Marco Gumabao, tingin ko may room for improvement pa sana. It could have been better kung meron siyang koneksiyon sa barko. Hindi sapat ‘yung dark past nila ni Anne e kung bakit niya gustong i-save ang magkapatid, na hindi rin naman pala nangyari. Parang nagging props lang si Papa Marco sa pelikula. Tulad ng dati, pampadagdag sa isang Viva movie para magka-project.

Alam mo kung sino ang perfect sa role ni Anne dito?

Si Alessandra de Rossi. Siyang-siya ‘yung character. Hindi mo na paaartehin. Yung nuances, yung look at acting, bagay na bagay sa kanya ito.

Pero hindi rin naman failure si Anne. Ginawa naman niya ang kanyang assignment.

Tingin ko, apat sa cast ang perfectly-casted: Si Arnold Reyes, Ruby Ruiz, Sue Prado at Raul Dillo (‘yung Giant). Wala na akong makitang ibang artista na mas babagay pa sa mga roles nila.
  
Meron pa pala, ‘yung pinakanakakatakot na multo sa buong pelikula… ‘yung Barko!

Naisip ko rin na bagay din ‘tong material kay Chito Roño. Pero tingin ko, ibang atake ang gagawin niya dito. Sandamakmak na gulat factor ‘yan. Mas mainstream ang approach. At baka si Kris Aquino ang ibida niya ulit dito.

So it’s better na si Yam Laranas ang nag-helm. Nakakakilabot ang pelikula. Kung matatakutin ka sa Ghost Story, panoorin mo ‘to para magkaroon ka ng sleepless nights sa loob ng kuwarto mo. Tumaas ang balahibo ko sa ilang eksena!

Yung pugot na ulo na lalaki na pumasok sa bintana. Siyet na malagket!

AURORA is a pretty decent horror film. Puwedeng i-remake ito ulit ng Hollywood. This time, pang-Netflix na. Ang bida e si Hillary Duff.

VERDICT:

Apat na banga at ang nakakainis na eksena ni Marco Gumabao sa ilalim ng dagat. Hindi makatotohanan, dapat nakahubad!

No comments:

Post a Comment