Thursday, January 31, 2019

WHAT HAPPENED TO MONDAY


Nakangiti na naman ang pepe ko sa napanood na isang magandang pelikula.



Salamat sa limang nagrekomenda nitong WHAT HAPPENED TO MONDAY (SEVEN SISTERS). 

Super satisfied ako.

Set ito sa dystopian future. Dahil sa overpopulation ng mundo, nagkaroon na ng batas na one-child policy per family. Ang panganay lang ang matitira and the rest, ipu-put sa cryosleep. Ito 'yung parang capsule na patutulugin diumano ang bata at gigisingin na lang kapag bumaba na ang populasyon sa future. Ipi-freeze ang drama.

Isang ina ang ikinamatay ang pagluwal ng pitong anak na kambal at naiwan ang mga ito sa pangangalaga ng kanilang lolo. Pinangalanan ni Lolo na pitong araw ng Linggo ang kanyang mga apo (Monday, Tuesday, Wednesday, so on and so forth). 

Hindi niya ito sinurrender sa gobyerno. Tinago niya ito sa isang apartment, doon tinrain at pinalaki. Pinroteksyunan niya ang mga ito. 

May matalino sa math, malandi, matapang, pasaway, etc. Typical na magkakapatid.

Nang medyo lumaki na ang mga bata, sinimulan na ni Lolo ang pagpapalabas sa mga ito araw-araw, nang naaayon sa pangalan ng mga bata. Isang apo, isang araw. Never magsasabay para hindi mahuli ng awtoridad. Pag Lunes, lalabas si Monday. Pag Martes, si Tuesday. Hanggang matapos ang Linggo. 

Para naman makaranas ng outside world ang bawat apo. 

At iisang identity lang ang gamit ng pito. 

Bale, meron silang recap ng kaganapan sa buong araw ang bawat isa. Para alam nila ang ikikilos ng susunod na lalabas na kapatid nila.     

Nang tumanda na sila at nagkatrabaho, dumating ang araw na hindi nakauwi si Monday.
Ano ang nangyari kay Monday?

Yan ang misteryong susundan mo sa pelikula.

Para siyang pinaghalu-halong MINORITY REPORT, THE NET at ORPHAN BLACK. Sandamakmak ang chase scenes, makapigil-hiningang eksena na mapapapadyak ka talaga sa suspense.

Pang-big screen!

Action-packed. 

Two hours yung pelikula pero never akong na-bored.

Bago 'yung concept na 'to sa sci-fi e kaya refreshing siya sa akin e. Igo-golden buzzer ko rin 'to kapag ako ang consultant at sa akin 'to pinitch sa war room. Ora-orada ang pa-greenlight.

Hindi pa siya mahirap intindihin. Mas nakakaalog pa ng brain cells 'yung BOBOCOP e, sa totoo lang.

Napakahusay pa ni Noomi Rapace bilang pitong magkakapatid. Bagay sila ni James McAvoy sa SPLIT.  Siya pala 'yung bida sa The Girl with the Dragon Tattoo, na kinaantukan ko at hindi ko tinapos noon.

Maganda itong panoorin sa weekend family bonding.

Watch it on Netflix.

VERDICT:

Apat na banga at ang namimintog na butt exposure ng fuck buddy ni Monday. Yun na.

No comments:

Post a Comment