Mahal si Vice ng mga tao. Hindi lang ng mga beki, kundi pati ng mga bata, matanda. Pati madre nga nagkukumayog na masilayan siya sa tumpok ng mga tao.
Tapos bumalik ako dun sa pila, ang hahaba ng lane, lahat sila ‘yung Vice Ganda movie ang panonoorin, narinig ko. Ang gulu-gulo ng pila. Ang bagal ng mga takilyera. Imagine, isa’t kalahating oras na ako dun sa pila nang marating ko ‘yung ticket seller. The last time na naranasan ko ‘yun e sa pelikula ni Maricel Soriano nung late 80’s pa.
At nang makaharap ko ang ticket seller, sinabi sa aking sarado na raw ang dalawang screening ng movie at ang next na available na e 9:10 pm. At take note, 280 pesos ang presyo ng ticket nila. 3D ba ito?
Napaisip tuloy ako, HINDI kailangan ni Vice Ganda ang MMFF para kumita ang pelikula. Kailangan siya ng MMFF para kumita ito.
Sa dala ng pagtitiis ko sa pila, sabi ng nagdidiliryo kong binti, “Gow! Push mo na ‘yan! Nandito ka na e bibitiw ka pa ba?”
Huwag kayong manonood sa Trinoma! Hindi maayos ang pila at napakabagal pa ng ticket system, mas mahal pa siya compare sa ibang sinehan.
So after kong makabili ng ticket for 9:10 pm screening, naghintay ako sa friend ko sa garden sa labas ng cinema level. At nang dumating siya, nag-early dinner muna kami sa Sbarro bago kami tumingin-tingin sa loob ng Landmark department store at nag-coffee sa Starbucks sa garden to kill time.
Nang magna-9pm na saka kami pumunta sa sinehan. Full house!
At nakita pa namin ‘yung madre sa moviegoers. Si Valak e faney din ni Vice Ganda!
Ito ang take ko sa movie. No spoiler alert needed kasi hindi ko naman kelangang ikuwento ‘yung plot ng movie kasi mababaw lang siya. Kahit si Aling Tasing o si Mang Kanor pa ang manood niyan e maiintindihan nila ang kuwento. Hindi na kailangang paganahin ang brain cells niyo.
Hindi siya kasingganda ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy (my ultimate fave Vice Ganda film) pero mas funny siya kesa sa Beauty and The Bestie. Tawang-tawa ako sa ilang mga eksena. As in, sumakit ang tiyan at panga ko sa katatawa level.
Tuwang-tuwa ding lumabas ‘yung mga chikiting.
Kudos to the three writers na gumawa ng script. Hindi man pang-intelihenteng tao ‘yung humor ng movie e naaliw niyo naman ang napakaraming tao. In writing, mas mahirap magpatawa kesa sa magpaiyak.
Sa mga pa-intellectual diyan, self-proclamed film critics, na umaalipusta sa kababawan ng mainstream comedies, watch this movie. Tutal china-challenge niyo ang mga mabababaw na tao na nakaka-appreciate ng bakyang komedya na manood ng intelligent indie movies, challenge sa inyo na hindi naman masakyan ang humor ng pelikulang ito. At kapag napatawa kayo sa kahit isa man lang sa eksena dito, puwes kayo na ang may problema.
To all of you, Vice Ganda faney or not, if you want a good laugh, go watch The Super Parental Guidance. Sulit ang ibabayad niyo. Promise. Nakakatanggal ng stress. Anlakas maka-good vibes!