Napalampas ko ang “The Space Between Us” at “Fifty Shades Darker” sa sinehan. Pero itong nasa watchlist ko din this 2017 na “The Arrival” e hindi ko talaga palalampasin kasi Ancient Astronaut’s Theory believer ako at sobrang fascinated sa mga UFO’s. Bentang-benta sa akin ‘yung premise nito na first contact ng tao sa aliens.
Kaya habang pinapanood ko ito sa sinehan e ini-imagine kong ako si Amy Adams na nagde-decipher ng mga codes ng mga aliens.
Hindi si Amy Adams ang bida ng “The Arrival” kundi ang screenwriter nito. Napakasimple lang ng story pero ‘yung structure ng pagkakalahad ng kuwento, ang lupit!
Para siyang sinulat ni M. Night Shyamalan tapos kay Christopher Nolan pinadiriheng pelikula. Ganung level!
Sina-suggest ko ito sa lahat ng kakilala kong writers. Go watch it! Kapag gusto niyong makanood ng kakaibang putahe. Para kayong nakanood ng textbook ng bagong structure sa paggawa ng kuwento.
Intelligent writing.
5 stars!