Last week ko pa 'to napanood e. Wala talaga akong balak na gawan ng hanash 'tong ROMA ni Alfonso Cuaron. Pero dahil matagal-tagal na rin akong walang entry sa movie blog ko, sige pagdiskitahan ko na.
Yun na nga, wala nga ako talagang balak gumawa ng eme-emeng rebyu nito.
Bakit?
Kasi after ng nakakaengganyong pagrerekomenda ng mga kaibigan ko na panoorin ko ito, na mostly mga artists (writers, directors, etc) pa man din at puring-puri sa pelikula, quite disappointed ako.
Hindi ko siya nagustuhan.
Maganda siya, oo. Pero hindi naman ako na-blown away sa ganda levels. Nakapanood naman ako ng mga foreign-language films na napa-split talaga ako nang mag-roll ang end credits sa ganda.
Like 'yung A SEPARATION, MALENA, CENTRAL STATION, CHILDREN OF HEAVEN, Y TU MAMA TAMBIEN at AMOUR. Lahat 'yan pinalakpakan ko after ng final scene. Mga pelikulang hindi lang nagpakiliti ng imahinasyon ko kundi nagpakirot pa ng puso ko. Ganyan.
Pero itong ROMA, walang extra special.
Underwhelming pa nga.
To think na iniyakan pa 'to ng iba ha. Pero wala naman akong naramdamang poignancy sa pelikula. Walis talaga, i swear. Hindi ako na-moved ng pelikula.
(SPOILER ALERT)
Kuwento ito ng isang katulong na naninilbihan sa isang pamilyang bound na masira sa Mexico... Lumantod si yayey, nabuntisan, iniwanan ng boylet. Itinuloy ang pagbubuntis at sa ending, hindi buhay ang bata nang ipanganak niya. Tuloy ang buhay. Mananatili siyang tagasilbi sa pamilyang tumuring sa kanyang kamiyembro na rin. It was told in black and white.
Sa simula, aakalain mong tungkol lang ang kuwento sa domestic relationship. Yung relasyon ng katulong sa pamilya. Until umenter sa eksena ang bubuntis sa kanya. Hinaluan pa ng pa-rally at panganganak na eksena. Mukhang big influence si Lino Brocka kay Cuaron ha. Yung drama na merong political undertone. Very Brocka-ish.
You see, ganun lang kasimple. Pero walis. Hindi nag-iwan sa akin ng marka.
Ewan ko ba kung bakit walang dating sa akin 'tong ROMA. Pero 'yung mga pelikulang may simpleng premise naman tulad ng A GHOST STORY, havey na havey naman sa akin. Tungkol lang sa multo na sinubaybayan ang buhay ng naiwan niyang asawa sa lupa. Pero taena, nag-iwan sa akin ng mga gunam-gunam 'yun about death and love. Pinaisip ako at pinaiyak ng pelikulang 'yun. Napaka-visceral.
I was expecting pasabog 'yung ending nitong ROMA e. Sabi ko, dun 'to babawi. At in-expect ko sa eksena sa dagat magaganap 'yun.
Until binagsak ni Cleo 'yung dialogue na hindi niya gustong ipinganak 'yung pinagbuntis niya.
Toink.
Bakit pa niya sinabi 'yun? Mas better na sana tayong mga audience na lang ang nakadama nun, 'di ba? Tulad ng squid balls scene ni Jaclyn Jose sa MA ROSA. Walang dialogue pero damang-dama mo na trapped na siya. Di ko alam 'yung term dito, film students ha. Pero alam mo 'yun, leave it to the moviegoers. I learned lang lately sa isang magaling na director, "Huwag sabihin kung nakikita na."
Ah, alam ko na, na-justify naman 'yung dialogue na 'yun nang malaman kong malapit nang magtapos 'yung pelikula. At kailangan na niyang masabi ang mensahe ng movie. Talaga buh?
Mas na-appreciate ko siguro ang script at ang pelikula kung wala 'yung dialogue na 'yun e.
Oo, maganda naman 'yung film pero hindi ito ang best film ni Cuaron para sa akin. I'll go for GRAVITY at Y TU MAMA TAMBIEN pa rin.
Alam ko, napapangiwi na 'yung mga film critic-critican kong friends dyan na nakakabasa nito ngayon.
Patawad, hindi ako ganun ka-deep tulad niyo. Hindi ko nasakyan ang pinuri at nagustuhan niyong pelikula.
Oh well, different strokes for different folks.
10 Oscar nominations ang nakuha nitong ROMA including Best Actress para sa mukhang Tasaday na bidang katulong.
Oo, pero hindi niyo pa rin maipipilit sa akin na magustuhan ko ang pelikula. Nakaka-appreciate din naman ako ng black and white movies like 'yung SCHINDLER'S LIST, PSYCHO, WHAT EVER HAPPENED TO BABY JANE at WHITE RIBBON pero hindi talaga ako nasapul ng nagustuhan niyong pelikula.
Ganito na lang. Sa tingin ko, ito pa rin ang mag-uuwi ng Best Picture sa OSCARS. Ito 'yung THE SHAPE OF WATER ko last year. Na hindi ko nagustuhan pero itinanghal na Best Picture.
Bakit ko ito nasabi?
Kasi sobrang linis ng pagkakagawa ng pelikula. Polished ang cinematography. Winner ang pag-mount ng mga eksena, framing at composition. Lalo na 'yung tracking shot ni Cleo sa paghahanap ng mga alaga niya sa town proper. Check na check. Technical-aspect wise, pulido ang pelikula. Mabusisi. Perfection.
Pero hindi compelling ang story.
Wait. Paano ko ba ito maipapaliwanag? Ganito. Parang naghubad si Tony Labrusca sa harapan ko pero si Marco Gumabao ang pinagpapantasyahan mo.
Isa itong magandang proyekto na hindi nagpaantig sa akin. Ganda ko, 'di ba?
VERDICT:
Tatlo't kalahating banga at ang na-snubbed na pang-best supporting actor na nota ni Fermin na bumulaga sa isang eksena. Natulig ako sa pagkalembang nito. Yun ang core ng pelikula!
See Translation