Kung faney ka ng Disney cartoons, huwag na huwag mong
palalagpasin ang ALADDIN.
Super nag-enjoy ako sa kanya.
The best live-action version ng animated films ng Disney. Way
better than CINDERELLA, BEAUTY AND THE BEAST at DUMBO live action versions.
Binuhay niya ang cartoons. Literal.
Kung ano ‘yung enjoyment ko nung napanood ko siya nung bata
ako sa sinehan, same din sa 2019 version.
Naibalik niya ako sa pagkabata.
Yung magic carpet scene habang kinakanta nila Aladdin at
Princess Jasmine ‘yung A Whole New World… One word. Magical.
Tatak-Disney. Pambata na ma-aapprecaite din ng mga matatanda.
Sayang nga lang at napagitnaan ito ng blockbuster movies
kaya hindi gaanong umingay sa first day. Hati ang audience sa gastos. Pangatlong araw na niya today at hindi marami
ang nanonood. Sad. Hays.
Gen Y audience, relive your childhood with your children, it’s
a family movie bonding event, sinasabi ko sa inyo… Panoorin niyo!
Na-distract lang ako sa screen registration ni Mena Massoud,
‘yung gumanap sa title role. Parang drug addict! May traces na user siya sa
mukha e. Halatang-halata sa ilang eksena. Vital pa naman ‘yung mga eksenang ‘yun.
Yung mga eksenang dapat magpakilig siya, mukha siyang tuyot.
Well, sa ilang scenes naman, batang hamog siya so bumagay.
Pero nung naging prinsipe na siya, hindi pa rin siya mukhang
fresh. Annoyed ako nang slight.
Leading man, mukhang galing sa rehab?! Make-up department,
anyareh?
Ganun pa man, well-recommended ko ito. Super satisfying
siya. Pambarag sa bakbakan movies like AVENGERS: ENDGAME at JOHN WICK 3. Medyo
light.
Siyempre sa IMAX 3D ko ‘to pinanood, pangmalakasang movie
treat ko ‘to sa sarili kasi fan ako ng original animated film.
I suggest, doon niyo rin ito panoorin for added thrills.
Amplify your movie watching experience ba.
Pero just the same, ma-e-enjoy niyo pa rin ang movie sa
regular cinemas. That’s a promise.
VERDICT:
Apat at kalahating banga at ang nakakalokang starlet na
handmaiden na ipinartner kay Will Smith.