Dalawa sa Netflix (AJ & THE QUEEN at LOST IN SPACE Season 2) at isa downloaded sa torrent (TWILIGHT ZONE).
Yung TWILIGHT ZONE, episode 5 na ako. So far, so good. Wala pang tapong kuwento. Faithful siya sa timpla ng late 80s revival series. Yung hulma niyang fantasy, science fiction, suspense, horror, and psychological thriller na merong twisted ending, na-retain at intact pa rin.
Para nga lang siyang malabnaw na version ng BLACK MIRROR sa panahon ngayon. Pang-Grade 1 o Komiks version ng BLACK MIRROR.
Yung minsan, matutumbok mo na 'yung ending o twist nang walang kahirap-hirap.,Old school ang timpla. Pang-Amazing Stories ni Spielberg noon kaya havs pa rin sa akin. Ganyan.
Niyetang aktingan 'yan, parang dramatization sa Teysie Ng Tahanan noon. Kundi over-acting, sablay.
Ang boring pa ng kuwento. Gasgas na 80s o 90s road movie. Yung bida na merong kasamang bata tapos along the way magkakaroon sila ng certain bonding na mauuwi sa unlikely friendship. Ang ending, maghihiwalay o magsasama together bilang pamilya. Alam ko, ganun ang pupuntahan nito e.
Pinaghalu-halong PRISCILLA: QUEEN OF THE DESERT, TRANSAMERICA at THELMA & LOUISE. Yan palagay ko ang concept ni Mama Rupaul na gustong ipa-achieve sa writer pero hindi nito napuntahan. I-strectch mo ba naman sa sampung episodes e puwede namang tapusin sa isa o dalawa lang ang kuwento.
Kung old school ka at bet mo ng kuwentong may baklang maingay na bida, magugustuhan mo 'to. Para rin 'to sa fans ng RuPaul's Drag Race, may pa-cameo ang ilang queens dito.
Para sa akin, walang katorya-torya 'to. Nakakatamad.
Yung LOST IN SPACE Season 2, na-surprised ako! Taena, walang tapon. Lahat ng episodes, panalo. Kung sa Season 1, walang bago kasi binuo muna nila 'yung kuwento ng pamilya at nagbabad muna sila ng pag-set ng mood ng series... Well dito sa Season 2, bakbakan na! Hitik na hitik na sa mga eksenang ine-expect ko ngunit hindi napuntahan ng naunang season.
Yung napadpad sila ng ibang planeta, na-explore na natin 'yung Resolute at malapit nang mapuntahan ng Robinsons family ang Alpha Centauri. Aside rin sa mga robots, may ilang alien creatures silang nilabas. Na-magnify ang suspense at action. Boosted rin ang drama. Mas titindi ang inis mo sa kontrabidang si Parker Posey.
Kapana-panabik ang bawat episodes!
Malo-lost in space ka sa ganda!
Nasa episode 6 na ako. 4 episodes to go, tapos ko na ang Season 2.
Can't wait for Season 3 na mukhang next year pa ipalalabas.
Waiting for ANCIENT ALIENS Season 15 this January at POSE Season 3 later this year.