Sunday, April 12, 2020

RED WINE IN A DARK NIGHT

Kung 'di pa dahil sa Netflix, 'di ko malalaman na habang ang South Korea e pinagreynahan ang romcom, itong Thailand naman ay sa gay-themed movies.

Akala ko natapos na sa panahon ng LOVE OF SIAM, DRAGON LADIES at BEAUTIFUL BOXER ang pambaklang pelikula ng Thailand.

Di na pala ako updated.

Umusbong pa pala ang industriyang ito at mukhang normal na lang ito sa Thailand na parang teleserye dito sa atin.

Pero bakit parang hindi naman nag-ingay ang resurgence na ito?

Di ko naramdaman e im a sucker for foreign gay films.

Ah, alam ko na.

Sa sobrang dami ng Thai gay movies, mukhang bihira lang ang noteworthy o 'yung kasing-level ng LOVE OF SIAM.

Lahat, puro kingkingan levels. Pa-cute.

Tulad na lang nitong RED WINE IN A DARK NIGHT.

Tungkol ito sa broken-hearted na tukling na pinranked ng tropa ng kanyang ex-boyfriend sa abandoned building. Tapos, dun niya nakilala ang isang amnesiac na otoko na nangangailangan ng tulong. Pinakain at inalagaan niya ito.

At nagkatikiman sila.

Nagkainlaban.

Sino ngayon si amnesiac na otoko?

Naku, huwag mo nang alamin at hindi ganun kagimbal-gimbal ang twist.

Napakababaw.

Kung ang South Korean movies e merong pamatay na twist at substance, ang Thai gay movies e kasingbabaw ng pancit story ng batang pulubi.

Yun nga lang, may puso.

Or 'yun ang pilit na ina-achieved nitong mga Thai gay movies ngayon, 'yung merong hapdi at nag-uumapaw sa pagmamahalan na ending?

Nagiging melodramatic tuloy. Kumu-komiks na.

At alam mo ba kung bakit ganyan kaganda ang title?

Kasi WINE at DARK ang name ng dalawang lead sa movie.

Nakakatawa, 'di ba?

Skip button niyo na 'to at mas marami pang makabuluhang gay films kayong mapapanood.

Kinulang rin naman sa pakitaan ng flesh 'yung movie. Not worth your time sa tulad kong malibog.

Kaka-disappoint.

SWEET BOY

Ang first Netflix movie ko today e itong gay teen romance na SWEET BOY from Thailand.

Love Of Siam much?

Nope.

Jusko. High school kingkingan ng mga paminta na sinamahan ng tukling na bitchesa/kontrabida.

Parang gay episode ng Wattpad Presents!

Kuma-coming of age drama kuning-kuning pero ang bentahe lang naman e 'yung pink na utong ng mga bida.

Kung 'di lang sa mga masasarap na bagets dito, tatamarin na akong tapusin ito.

It's your ultimate gay high school fantasy kung saan nagkagusto sa'yo 'yung pinakabiyaw na maangas at 'yung pinakamatalinong guwaping sa klase.

Habang ikaw e pitimini sa pagka-virginal at pa-precious. Feeling sikip-sikipan.

Watch this if you're into twinks at mapapa-fingger ka sa kalagitnaan ng movie.

Pambarag sa pagkabagot mo sa mga serious Netflix movies.

THE INVASION

This quarantine season, so far, meron pa lang akong tatlong series at limang pelikulang napapanood. Mahina compare sa mga kakilala kong movie addict, oo.

Pero meron akong lagpas sampung torrents at Netflix movies na nasimulan pero hindi tinapos.

Kasi kapag hindi pa rin ako nahu-hooked sa first 20 minutes, nilalaglag ko na agad-agad.

Bakit?

Buryung-buryo na nga ako sa bahay e, pagtitiyagaan ko pa ba 'yung pelikula? Ano 'to, torture?

Maiksi ang pasensiya ko sa mga pa-precious na pelikula.

Sa paghahanap ko ng viral outbreak movie na hindi nakakatamad tulad ng iba, meron na akong natagpuang maganda na mairerekomenda ko.

Nag-palpitate ang suso ko dito sa suspense.

Itong 2007 movie na THE INVASION starring Nicole Kidman and Daniel Craig.

Based ito sa 1955 sci-fi novel na The Body Snatchers. At pang-apat na ito sa film adaptations (1956, 1978, 1993, 2007).

Dito sa latest version, nag-focus ang kuwento sa isang psychiatrist from Washington DC na may anak pero dibursiyada.

Nagkaroon ng alien virus sa lugar nila at unti-unting kumakalat sa buong mundo.

Ang virus ay naipapasa galing sa laway ng infected person at nagti-take effect kapag nakatulugan na ito ng nahawahan. Ang epekto, inaalisan nito ng emosyon ang mga tao.

Paano kung 'yung anak mo e nasa poder ng mister mo na pinaghihinalaan mong infected ng virus?

Nakahanda ka bang kunin siya para iligtas?

Paano mo maisasakatuparan ito kung kalat na kalat na ang infection sa labas?

Ganito ang struggle na hinarap ng psychiatrist na si Nicole Kidman sa movie.

Kailangan niyang mailigtas ang anak bago siya tuluyang makatulog at maging fully infected ng virus. Dahil ang anak niya ang susi sa vaccination at magiging cure sa virus!

Niyeta, 'yung nagpapanic ka na't lahat pero hindi ka nagpapakita ng emosyon para hindi mahalata ng mga infected na nagpi-pretend ka lang. Ganyan ang pinagdaanan ni Ninang Nicole sa pagligtas sa kanyang anak.

Bagay na bagay kay Nicole Kidman 'yung role. Tatak niya 'yun e!

Yung tuliru-tuliruhan pero kino-contain 'yung sarili school of acting.

Expect a roller coaster ride. Yung suspense e ka-level ng THE NET ni Sandra Bullock at NICK OF TIME ni Johnny Depp.

Kung sa sinehan ko lang ito napanood noon, naihi siguro ako sa upuan. Panic attack 'yung chase scenes e.

If you're looking for a good thriller, highly recommended ko ito.

Hindi kayo mababagot.

Mapapangiti kayo sa ending at baka mapaawit ng WE ARE THE WORLD sa tuwa.

Mukhang wala siya sa Netflix. Na-download ko lang siya sa torrents e.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang nalusaw kong Addam's apple sa kasisigaw sa habulan scenes.

JUPIT

So far, natapos ko nang i-rewatch ang Top 10 favorite comedy movies ko starting from PRISCILLA: QUEEN OF THE DESERT up to MRS. DOUBTFIRE.

Yes, mostly gender-bender films siya.

Bigla kong naalala 'yung isang unpopular (at sa tingin ko, under-appreciated) pinoy indie gay comedy na nagpahalakhak sa amin ng mga beki friends ko noon.

Itong 2006 gay indie movie na JUPIT, idinirek ni Alvin Reyes Fortuno.

Bida si Ate Gay. The rest, puro mga starlets. Pati 'yung gumanap na nanay niya, parang tindera ng leche flan sa palengke.

Napanood lang namin 'to sa pirated DVD noon e after ng nomo session naming mga bakla sa bahay.

So hindi kami nag-expect na maaaliw kami.

Punyeta, it ended up as one of my favorite pinoy comedy movies.

Napahalakhak kami, napaubo at sumakit ang tiyan namin sa katatawa!

Yung beki humor ng mga baklang kanal sa barangay, kuhang-kuha ng pelikula.

Yung kung paano lumandi ng boylet, rumampa, bumooking, makipagwarlahan sa pechay, captured na captured ng movie.

Ito 'yung gay comedy na hindi nagpupumilit na nagpapaka-beki or nagsusumigaw na 'Vice Ganda material ito!'.

Baklang-bakla talaga 'yung movie. Napakanatural. Hindi pretensiyosa.

Wala ring makapal na storyline 'yung pelikula. Mababaw pa nga siya, actually.

Kuwento lang ito ng isang baklang parlorista na nagpatayo ng parlor sa barangay. Kung paano siya nagreact sa bagong lipat na boylet sa harap, sa ex-boylet niyang bumabalik, sa pamilya niyang umaasa sa kanya at sa grupo ng beki friends niyang may kanya-kanya ring pinagdadaanan sa buhay.

Mostly, landian at okrayan 'yung movie na merong sundot ng kadramahan between gay actors na feelar na feelar ang pagiging aktres sa pelikula. Kaya aliwan paradise siya.

Kung na-captured ng HIKBI ang kapokpokan moments ko, itong JUPIT naman e ang funny moments ko with beki friends. Ganun siya.

Ito 'yung humor na in-achieved ko sa self-published book kong #BEKIPROBLEMS noon e. Ito ang pamantayan ko ng gay comedy.

Ninakaw yata 'yung nabili kong original DVD nito e o hindi na sinauli ng baklang nanghiram. Punyeta siya.

Hindi na rin siya available sa lahat ng Astro branches, chinecked ko. Pati sa online, wala na ring nagbebenta.

Sino may copy nito? Pahiram naman ako. Ibe-burn ko lang. Or kung ibebenta mo, willing akong bilhin kahit doblehin mo 'yung original price niya.

Para siyang komedyante kong kaibigan na nagpasaya sa akin noon at nami-miss kong makita.