Thursday, June 25, 2020

SURROGATES

May nadiscover na naman akong magandang sci-fi action movie.

Nabusog na naman ang aking sci-fi appetite nitong 2009 movie na SURROGATES starring Bruce Willis.

Set ang kuwento nito sa futuristic world kung saan usung-uso na ang mga remote-controlled humanoid robots (androids) na kung tawagin ay mga Surrogates. 

Mabibili sila ng mga tao at mako-control sa labas kahit nasa loob lang 'yung mga 'operators' nila. 

Parang uma-Avatar? Yes. 

Same sensation ang mararamdaman ng mga surrogates at operators nito. Pero, kapag nadisgrasya ang surrogates sa labas, safe naman si operator sa bahay. 

Nang dahil nga sa invention na ito, nabawasan ang crime rate sa buong mundo.

Isang gabi, merong dalawang surrogates ang pinatay sa labas ng bar. 

Nang imbestigahan ito ng mag-partners na pulis (Bruce Willis at Radha Mitchell), napag-alaman nilang kasabay rin ng mga itong namatay sa kanya-kanyang bahay ang mga 'operators' nito.

At isa sa namatay e anak pa mismo ng inventor ng surrogates.

Sino ang pumatay? O sino ang nag-utos?

Ayan ang iso-solve ng character ni Bruce Willis.

Kumo-conspiracy ba? Yes!

Kuma-cop story? Yes.

Hitik sa action? Yes.

May drama? Yes.

May chase scenes? Yes.

Nandito ba si Bea Binene? WALA!

Kasing level niya ang MINORITY REPORT at THE NET sa thrill. Para nga siyang mahabang episode ng BLACK MIRROR, actually. Tume-techno paranoia.

It's one of Bruce Willis' least popular movies, i know. 

At 37% fresh rating lang ang nakuha nito sa Rotten Tomatoes. Kinutya pa ng ibang critics ang predictable at poor script raw nito.

Naiintindihan ko naman. Kasi 2009 lang ito pinalabas (11 years ago). Nauna nang ipinalabas ang MINORITY REPORT, TOTAL RECALL, ROBOCOP at I, ROBOT na halos same mold lang nito.

At parang sophisticated version lang ito ng DISTURBING BEHAVIOR at STEPFORD WIVES.

Pero believe me, it's entertaining.

Watch for the escapist' fun of it. Pambarag lang ba sa mga Thai BL series at KDramas.

Wala siya sa Netflix ha. Na-download ko lang sa torrents.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga.