Kuwento ito ng isang grupo ng mga immortal ('yung mga taong hindi namamatay at may sa-Wolverine sa pag-heal ng sugat sa katawan). Ito ay sa pamumuno ng century old at hindi tumatandang Ninang Charlize. May nadiscover ang grupo na isang female soldier sa Afghanistan na tulad nila at nirecruit nilang maging bagong member.
Kasabay nito, tinutugis naman ang grupo nila ng isang pharmaceutical company para pag-eksperimentuhan.
Tama ka rin ng hinala like me, si Enrile ang pinagbasehan ng concept.
CHAR.
Based ito sa superhero comic book kaya pala madaling intindihin at sundan ang kuwento.
Medyo predictable na ang plot at twist, lalo na ang ending nito. Nagawa na ng ibang pelikula.
Ganunpaman, thrill ride pa rin siya.
Mukhang mas maa-appreciate ko siya sa big screen. Mas bagay ito sa sinehan.
Hindi nga lang kasing aksiyon ng EXTRACTION ni Chris Hemsworth. Huwag nang mag-expect ng ganun. Ang mahalaga, entertaining siya.
Hindi ka madi-disappoint ni Charlize. Kahilera ito ng mga angas-angasan femme fatale movies niya.
Kapantay nito ang AEON FLUX. Ganung promise.
Perfect para sa kanya ang role.
VERDICT:
Tatlo't kalahating banga.