Saturday, September 21, 2013

ANG KUWENTO NI MABUTI

Nakaisa na ako sa CineFilipino Film Fest!

Here's my take on Mes De Guzman's ANG KUWENTO NI MABUTI.

Ang joy sa panonood nito ay ang makita si Nora Aunor na nagsasalita in Ilocano the entire film. Refreshing siya! At hindi mukhang inaral, she's very proficient!

Not her best performance (mas gusto ko pa rin siya sa Thy Womb), pero Nora Aunor is still brilliant as "Mabuti". Kahit most of the time e nakangiti siya, kitang-kita mo pa rin sa mga mata niya na may dala-dala siyang mga "bagahe". The role suits her perfectly.

Medyo annoying lang ang CGI fog sa eksenang paakyat siya ng bundok at papunta sana siya kay Kapitan. Deadly ito dahil 'yun ang opening sequence na magse-set ng mood ng audience.

Jarring din ang paiba-ibang kulay ng mga eksena. May problema sa color grading.

And sana, hindi na lang idinaan sa dialogue 'yung "... hindi pagsubok ang bag ng pera na yan... bigay yan ng Diyos dahil nangangailangan tayo... kapalaran yun" (or words to that effect).

'Yun na kasi ang mensahe ng buong pelikula at hindi na sana ini-spoonfeed sa mga tao. Mas better kung subtext na lang para mas effective.

Still a pretty decent film. Just don't expect too much. 

No comments:

Post a Comment