Sunday, May 29, 2016

LOVE ME TOMORROW


Kanina, tinopak akong pumunta ng Robinsons Forum para habulin sa sinehan yung Love Me Tomorrow starring Dawn Zulueta and Piolo Pascual ng Star Cinema. Kasi i’m a sucker for May-December affair movies!

So bale, ako yung unang pumasok ng sinehan sa una nitong schedule for the day. Nang pumasok ako, wala pang pinapalabas na trailer or music man lang. Its creepy pala kapag mag-isa ka lang sa loob ng sinehan. Ang dami mong maiisip na baka may multo kang makakatabi or baka may sumulpot na tyanak sa paanan mo o baka may blob na creature na biglang lalabas sa tuktok ng kisame ng sinehan. Hanggang sa bigla na lang pinatugtog ‘yung Lupang Hinirang, kamuntikan kong maitapon yung iniinom kong softdrinks sa sobrang gulat.

Nang pagtapos ng Pambansang Awit Ng Pilipinas, bigla ngang may dumating na isang lola na umupo sa first row ng balcony section. Matandang babae na may mahabang puting buhok. Lilia Cuntapay ang peg! Natakot ako. Kung sa akin siguro ‘yun tumabi e tatakbo talaga ako palabas ng sinehan. Buti na lang e sa first row siya umupo.

Then ilang saglit lang at may umakyat din na isa pang lola. Ka-fez naman ni Luz Fernandez! Nagpanic ako ng slight kasi akala ko nasa set na ako ng Shake, Rattle & Roll movie.

Maya-maya pa e napuno na ang first row ng mga grand lolas at aakalain mong private viewing for senior citizens ‘to ng Love Me Tomorrow!

At habang nagpe-play ang mga trailers, halos mapuno naman ng mga middle-aged women ang second row ng balcony. Nandyan na ang mga Malu Barry-lookalike at iba pang matronic beauties na bilat!

Its grannies versus the Titas of Manila! Ito pala ang market ni Dawn Zulueta.

So sa hanay ng mga moviegoers dun kanina, ako lang ang nag-iisang beki na hindi maikakailang matrona na rin ang peg.

And in ferla, nagustuhan ko yung movie!

Sobra kong ineexpect ang isang mabigat na conflict pero napakasimple lang ng story nito! Walang hardcore na sampalan, walang malalang confrontation scenes, walang campy dialogues, walang kerida or no. 2 na mas bitchesa pa kesa sa bida, walang ending na ‘and they happily lived ever after’. Yung pagiging simple lang ng kuwento ang magic ng pelikula kasi totoong-totoo siya. May puso. And that’s what I love about the film, na yung ineexpect ko sa kanya e hindi yun ang nakita ko.
Ang ganda pa rin ni Dawn Zulueta! Papasa pa nga siyang under 40 sa hitsura niya!
At ang ikinaloka ko sa panonood e yung marinig ko ang kilig ng mga lola sa Row 1 kapag may eksena together sina Dawn at Piolo! Parang mga teenagers lang na nanonood ng Kathniel. Parang pinipitpit ang mga fossilized na mane!

Sayang, sana kung nandito lang ang mommy ko, she would enjoy this film!

Recommended for women 35 and up! Especially dun sa mga nasa May-December affair. Siguradong makaka-relate kayo!

At tulad ng mga lolas kanina, lalabas kayo ng sinehan na nakangiti ang mga kepyas niyong virgin na ulit.

Tuesday, May 10, 2016

X-MEN; APOCALYPSE

Napakaganda ng X-Men Apocalypse! Ito na for me ang the best Marvel Superhero movie or X-Men movie sa franchise nito.

If you are an X-Men fan, or a batang 90’s, this one is definitely a must-watch for you! Mag-e-enjoy ka talaga!

Bakit? (Spoiler Alert)

1. Lumabas na dito ang pinakapaborito kong X-Men character… si Jubilee! Kahit na hindi man lang niya ipinamalas ang kanyang powers, at least na-introduce na rin siya. Imagine, sa cartoons noon, siya lang ang inaabangan ko at kung minsan sa tapat ng salamin tina-try ko kung may lalabas ding pyrotechnic energy plasmoids tulad ng super powers niya. At nung una ngang pelikula ng X-Men e siya talaga ang inabangan ko. Finally, lumabas na siya!

2. Nakakaelib ‘yung pagpapakita ni Havok ng plasma blasts niya sa loob ng Cerebro!

3. Ang bongga ng eksenang matatapunan ng sasakyan si Storm tapos biglang may-i-enter si Psylocke at hinati ng kanyang telekinetic katana ang sasakyan! Napaangat ako sa kinauupuan ko sa sobrang amazement! Nilamon ni Psylocke ang eksena ni Storm!

4. Ang gumanap na young Cyclops dito e ang super crush kong si Tye Sheridan! Ampogi! Kinilig pa ako sa una nilang pagkikita ni Jean Grey!

5. Nag-cameo rin ang favorite ng lahat na si Wolverine!

6. Nagustuhan ko ‘yung eksenang sinagip ni Quicksilver ‘yung mga mutants sa pagsabog tapos ‘yung background music e yung Sweet Dreams Are Made Of This ng Eurythmics!

7. Naging Phoenix si Jean Grey at siyang nakatalo kay Apocalypse!

8. I was always fascinated by Ancient Egypt and its culture kaya nang ipakita ang pyramid, kung saan galing si Apocalypse, e sadya akong na-excite.

9. Nang lumabas ang Sentinels sa ending para pagpraktisan ng X-Men, ayun na, napapalakpak talaga ako sa loob ng sinehan!

Simula umpisa hanggang dulo, you’ll be glued to your seat and will be purely entertained. Its an enjoyable ride!