Thursday, April 20, 2017

THE HOURS

Starting today, April 20, I'll be participating in the 30 Day Film Challenge on my blog...

Day 1: My favorite film.

The Hours.

Yung pelikulang sinalang mo 'yung bala sa DVD player nang hindi ka nag-e-expect na maganda pero it ended as your favorite film of all time. Ito 'yun.

Sa pirated dvd ko lang 'to napanood noon. Yung copy pa na napanood ko e kuha sa sinehan, tabingi 'yung framing tapos may mga tumatayong tao. Pero after mag-end, tumumbling at split talaga ako sa ganda. Na-moved ako ng pelikulang ito ni Stephen Daldry.

To think na lesbian-themed siya pero sobrang nagustuhan ko ang story at 'yung mga characters, damang-dama ko, lalung-lalo na ni Virginia Woolf (played by Nicole Kidman, who won Best Actress at the Oscars that year). Sobra akong naka-relate sa depression at mental breakdown niya!

Tumatak talaga sa akin 'yung mga performances ng tatlong lead dito (Meryl Streep, Nicole Kidman and Julianne Moore). Yung suwabeng pagkakalahad ng kuwento na parang nagbabasa ka ng nobela ang nagpahanga sa akin sa british filmmaker na nag-helm ng film na 'to. Na bihirang-bihira ko na makita sa mga pelikula ngayon. Damang-dama ko ang bawat eksena dito, lalung-lalo na yung train station scene ni Nicole Kidman! Pulido ang pagkakatahi ng bawat eksena, mula sa acting to editing, pati musical scoring.

Kung magkakaroon man ako ng chance na mabigyan ng grant to produce my passion film, it would be a pinoy version of this magnificent film. Only this time, gagawin kong gay characters 'yung tatlo. Either ako ang magsusulat or ako ang magdidirek. 

Top 2 ko ang The Reader, na same din ng nagdirek ng The Hours.

Top 3 ko ang Malena.

#30DayFilmChallenge

No comments:

Post a Comment