Tuesday, October 24, 2017

1922

Itong “1922” English novella ni Stephen King nasimulan ko na ‘to three years ago pero di ko tinapos. Na-bored ako sa setting ng kuwento,na farm tapos sa year 1922 pa nangyari. Ang luma! And medyo archaic ang mga termsy na ginamit ni Stephen King para bumagay dun sa milleu at backdrop ng kuwento. So nag-jump ako sa second story sa FULL DARK, NO STARS na Big Driver story. Nagustuhan ko ‘yun. Pero ‘yung TV movie adaptation niya, hindi. Disappointed talaga ako dun. Parang pang-SOCO episode ‘yung pagkakagawa.

Kaya nang malaman kong ipalalaabas sa Netflix ‘tong 1922, binalikan ko ito para mapag-compare ko ‘yung novella sa movie. 

After koi tong matapos, na-disturbed ako at nalungkot.

Disturbed ako sa harrowing na kuwento ng father–and-son tandem for murder. Nanghilakbot ako sa kung paano nila pinatay ‘yung asawa/nanay nila. Last time na naramdaman ko ‘yun e nung napanood ko ‘yung pelikula ni Peter Jackson na Heavenly Creatures, kung saan pinatay nila ng best friend niya ‘yung mother niya kapalit ng liberty nilang dalawa from her parental control. Hindi ko yata kayang pumatay ng asawa. Much more, sa pamamagitan ng pag-gilit pa sa kanyang leeg.

Nalungkot din ako sa kuwento kasi, somehow, naka-relate ako sa solitude ni Wilfred na merong suicidal tendencies at kung paano siya lamunin ng kunsensiya at paranoia sa nagawa niyang krimen.

Ang kuwento ay parang tweak sa isang part ng isa pang novel ni Stephen King, ang “Dolores Claiborne” na kung saan pinlano niya ang pagpatay sa asawa for personal reason (si Dolores, upang makawala sa abusadong mister; si Wilfred sa “1922”, upang di matuloy ang pagbenta ng kanyang misis sa farm nila). Only this time sa “1922”, kina-kuntsaba niya ang anak nilang binatilyo.

Though parehong balon ang device sa anggulong pagko-cover sa bangkay ng dalawang minurder sa story, mas karumal-dumal ang pagpatay dito sa “1922”. Mas madugo. At in full detail!

Na may pagka-Bonnie & Clyde din ang substory dito ng anak niyang binatilyo na si Henry at ang girlfriend nitong si Shan. Mga napipintong notorious criminals!

Yung pagkakasulat ni Stephen King dito ay parang sa Dolores Claiborne din na continuous narrative, parang transcription ng spoken monologue. 

Tatak-Stephen King din ito dahil sa tatlong bagay na madalas na nakapaloob sa iba pa niyang mga kuwento (balon, bank loan, at daga).

Katatapos ko lang mapanood ‘yung TV adaptation ng 1922.

Ito ang masasabi ko: Sa lahat ng movie adaptations ni Stephen King, ito ang pinaka naging faithful sa novel niya.

Hindi dinagdagan ng eksena ng scriptwriter ang kuwento sa pamamagitan ng creative license. Kung meron man, very minimal lang.

Ito ang hindi nagawa ng pelikulang Misery ni Rob Reiner noon kung saan sanitized version ‘yung movie, nawala ‘yung gore na meron ang book ni SK. Or ng The Mist, na nabago ‘yung ending.

Yung gloomy atmosphere ng pelikula, very consistent din mula umpisa hanggang sa final scene.

Mas nagandahan ako sa kanya kesa sa Gerald’s Game at The Dark Tower.

For me, pinaka-da best na Stephen King adaptation this year. 

Nasa Top 5 ko of all-time SK movie adaptations.

Literal, binuhay niya ‘yung novella. Exactly how I had imagined it to be.

Bilang isang Stephen King fan, sobra akong na-satisfied.

No comments:

Post a Comment