Itong Japanese animated film na ‘to e pinost ng isang baklang ka-FB ko the other day. Tapos, inulan ng magagandang comments from his FB friends. Na kesyo maganda daw, nakakaiyak nga lang.
Naintriga ako.
E nasa moda akong manood ng Japanese animation at drama-drama kagabi kaya dinownload ko sa torrent. Matagal-tagal na rin kasi akong nakanood ng Japanese animation. Last ko pa e ‘yung SPIRITED AWAY years ago.
Punyeta. Nalungkot ako after watching this 1988 film...
GRAVE OF THE FIREFLIES.
No, hindi ako naiyak. Na-contain ko naman ang luha ko. Pero parang sasabog sa kalungkutan ‘yung puso ko after the movie. Parang may pumiga o dumagan na mabigat na bagay sa dibdib ko. Yes, ambigat-bigat sa puso ng cartoons na ito. Yung lungkot na ka-level ng Japanese animated series noon na A DOG OF FLANDERS.
*Spoiler Alert.
Kuwento ito ng magkapatid (isang binatilyo at batang babae) sa Japan na namatayan ng ina at naghihintay sa ama nilang Navy noong panahon ng World War II. Tipong survival movie ito, kung saan, susubaybayan mo kung paano nila hinarap ang consequences ng giyera at pagiging ulila sa magulang. Walang matirhan. Walang pangkain. Oo, hanggang sa wala na silang ma-lafs. To the point na kinaskas na yelo, ibinilad na palaka’t toge na lang at pati holen ang ipinasok nila sa bibig nila to survive. Yung tipong magnanakaw si kuya ng mga gamit sa bahay-bahay habang nagtatago ‘yung mga residente sa mga bunker kasi binobomba ‘yung community. Ito ay upang meron siyang maipangka-kalakal at may pangkain sila ni bunso. Kinabog ang MGA BASANG SISIW. Kuwentong pang-MMK!
Para itong concept na common monologue sa acting workshop at nakikita nating ginagawa ng mga actors sa audition. ‘Yung darating ‘yung anak sa makeshift nilang bahay dala ang isang supot ng pancit at madadatnang malamig na bangkay na ang kanyang ina at magda-dialogue ito ng: “Nay, ito na po ang pancit. Kainin niyo na po at malamig na.” It turned out na namatay na pala sa gutom ang kanyang ina at hindi nakaabot ang malamig niyang pancit na nabili niya galing sa perang ninakaw. Ginawa lang na bunsong kapatid na babae si Nanay at binigyan ng magandang backstory na set sa panahon ng giyera.
No, hindi ito base sa ‘pancit concept’ na ‘yun pero katulad niya ito. Bagkus itong movie na ‘to, ayon sa Wikipedia e halaw sa 1967 short story ni Akiyuki Nosaka.
Kamukha pa ng bidang binatilyo dito si Matthia, ‘yung ka-love team ni Remi sa REMI: NOBODY’s GIRL noong 90s. Yung kauna-unahan kong na-crush-an na cartoon character!
Ka-molda ito ng EMPIRE OF THE SUN ni Steven Spielberg. Ka-mood ng MALENA. Katipo rin ito ng na-semi-snubbed sa Oscars na 2007 film THE KITE RUNNER. Pare-parehong binatilyo ang main character at set ang kuwento sa kalagitnaan ng giyera.
Animated film nga lang.
Siguro kung ia-adapt ito sa live-action film, magandang material ito para kay Stephen Daldry (The Reader, The Hours). Siguradong makakapasok ito sa Oscars.
More than a war drama/survival flick, it’s a celebration of the human-spirit film. Yung kahit na malabo ang future ng war-torn na magkapatid, hindi sila nagpatalo hanggang sa pinakahuling hininga nila. Nakipaglaban sila sa buhay. Hanggang sa kamatayan. Even after death, hindi sila nagkahiwalay.
Pumasok ito sa Top 15 Favorite Animated Films ko along with THE PRINCE OF EGYPT, FROZEN, CORALINE, PARANORMAN, THE LITTLE MERMAID, FRANKENWEENIE, BALLERINA, SAUSAGE PARTY, TROLLS, RISE OF THE GUARDIANS (Jack Frost is <3 a="" at="" before="" christmas="" ga="" guardians:="" land="" legend="" nightmare="" of="" owls="" span="" style="mso-spacerun: yes;" the="" time="" zootopia.=""> 3>
Kung maawain kang tao, o may sobrang pagmamahal sa mga kapatid mo, o mahilig sa War movies, panoorin mo ito. Pero magtabi ka nga lang ng tissue. Siguradong maiiyak ka sa pagkahabag sa sinapit ng dalawang magkapatid dito. Yung sa sobrang awa mo, tipong nanaisin mong pumasok sa screen para magpaka-Vicky Morales ka at bigyan silang dalawa ng Puregold grocery showcase para mapakain. Tapos afterward, feeling mo Fairy Godmother ka kasi nakatulong ka sa dalawang ulila. Ganung pag-iinarte. Kapwa Ko, Mahal Ko ni Connie Angeles.