Monday, April 2, 2018

NEVER NOT LOVE YOU


NEVER NOT LOVE YOU ng Jadine ay SANA MAULIT MULI millennial version minus the magic.

Its Love versus Job opportunities/career growth. And in the end, Love always wins.

Passive storytelling. Tahimik, walang gaanong dramatic highlights. Kalmado ang atmosphere.

Parang bumiyahe ka lang sa kahabaan ng NLEX nang walang nangyaring aksidente or hindi ka man lang nag-stop over sa gas station para jumingle.

Nandun pa rin ang walang kawawaang ‘hiwalayan sa airport’ scene’, ‘kainan/chikahan sa cheapanggang lugar’, ‘tatawagan sa cellphone pero to no avail si leading man’ at ‘meal with bidang babae’s family’.  

Ang kulang na lang e gawing middle class ang family at pasukan ng bubbly bestfriend si Nadine, Star Cinema film na ito.

Pero para sa mga nasa LDR (Long Distance Relationship), makaka-relate kayo dito. Makatotohanan ang mga dialogue at sitwasyon.

Kung ano man ang nag-illuminate sa movie, ito ang chemistry ng love team nina Nadine at James. Yung mga tinginan nila na tipong magsasakmalan na sa romansahan. Very high in intimacy. At nakatutuwa silang dalawang makitang nag-mature na ang mga roles na pinu-portray nila. Na hindi lang pala sila pang teeny bopper roles. Napatunayan nilang may ibubuga din sila bilang adult characters na hindi lang selosan, tampuhan at kangkangan ang lovelife kundi partnership sa pagbuo ng mga pangarap.

Over-all, isa itong decent pinoy romantic drama ngunit hindi nag-iwan ng marka kundi isang sugat na hindi nabudburan ng asin kaya hindi mo naramdaman ang hapdi at sakit ng pag-ibig.

I hate to tell you, Jadine fans, pero its forgettable.

May kulang.

Wala si Vice Ganda. Chos!

No comments:

Post a Comment