!->
Monday, August 6, 2012
PROZAC NATION
Naalala ko lang ‘tong movie na ‘to just now. Natagpuan ko ‘to noong panahong feeling ko ang baba-baba ng self-esteem ko, wala akong ganang mabuhay, pakiramdam ko lahat ng tao kaaway ko (pati significant other ko, hindi ako maintindihan). Me against the world ang drama ba.
Watch this movie, you'll understand why its hard to get out of bed when you're depressed, why its hard to find a reason to live and why you just can't explain the way you feel. Wow, English. Gusto niyo ba ‘yun?
Saw this decades ago na yata and i was blown-away by Cristina Ricci's riveting performance... I became an instant fan. Dito ko nalaman na hindi lang pala siya pang-Casper o Addams Family. May ibubuga pala ang puta sa aktingan! Kakabugin niya dito si Angelina Jolie sa GIRL, INTERRUPTED sa pagiging depress-depressang pechay.
Plus, nandito si super crush kong si Jason Biggs of American Pie, the main reason kaya pumasok ‘to sa radar ko at kaya ako nagkainteres na panoorin ito.
Kung meron mang best movie about depression, iboboto ko talaga ito. Super under-appreciated siya.
Nirerekomenda ko ito for anyone who goes through some mental illness resembling depression, bipolar disorder or borderline personality disorder... sobrang makaka-relate ka.
At just like me, mababawasan ang kung ano mang mga salamisim at gunam-gunam ang pumapasok sa kukote mo.
In short, mababawasan ang kabaliwan mo kasi kakapitan mo rito ang karakter ni Cristina Ricci at sasabayan niya ang pagiging aning-aning mo. At least, sa loob ng dalawang oras, magkakaroon ka ng karamay at isang karakter na makakaintindi sa kaartehan mo.
Apat na banga lang at isang sleeping pill. Kasi walang frontal si Jason Biggs dito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment