Friday, June 21, 2019

CHILD'S PLAY 2019


Horror fans like me, enjoyable ang bagong CHILD'S PLAY!

Na-entertained ako nang sobra. Better than Pet Sematary remake at ang disapponting na Brightburn.

Nagawan nila ng bagong bihis 'yung kuwento.

Sa totoo lang, puwede pa ngang mag-stand alone na ibang horror film about sa killer doll 'tong reboot na 'to e minus the original Chucky movie about sa possesed doll. Ang concept: "What if a toy/doll becomes psycho?". Inalis 'yung sapi-sapi factor.

Or tatayo ring episode ng Black Mirror about the horrific future of doll industry marrying artificial intelligence.

What if mag-malfunction ito? Or magkaroon ng glitch? Or nagkaroon ng sariling pag-iisip?

Parang danger ng robot concept ni Isaac Asimov. Yung magkaroon ng sariling desisyon 'yung robot.

Sa mga fans ng original franchise, be warned. Alam ko magpapaka-loyal kayo o magpapaka-purist kayo at baka madisappoint kayo dito. May ganyan akong nakikitang tendencies once napanood niyo 'tong bagong Chucky movie.

Bago na ang boses ni Chucky at hindi na siya kasingkupal kung magsalita tulad ng dating manikang minahal niyo.

Just the same, maganda 'tong updated version. Na-retain 'yung blood and gore ng original.

VERDICT: Tatlo't kalahating banga at ang bagong Chucky na kamukha ni Carding ng ReyCards Duets noon. Mukha siyang baklang unano na isang parlorista. O Leprechaun na lumaklak ng Glutathione at nagpakulay ng buhok.

No comments:

Post a Comment