Tuesday, March 10, 2020

THE INVISIBLE MAN

Kung si Sandra Bullock, may THE NET.

Si Nicole Kidman, may THE OTHERS.

At si Sharon Stone ay may BASIC INSTINCT.

Meron namang THE INVISIBLE MAN itong si Elisabeth Moss.

She was perfectly-casted sa movie kaya naging engaging 'yung pelikula.

If you're looking for a decent thrill, watch this.

Its HOLLOW MAN meets ENOUGH with a very satisfying ending.

Matutuwa ang mga faney ng sci-fi/horror dito.

VERDICT:

Apat na banga.

ON VODKA, BEERS AND REGRETS

ON VODKA, BEER AND REGRETS...

Title pa lang, nakakalasing na, 'di ba?

Don't be fooled by the trailer. It's a movie about coping up with alcoholism masquerading as a romantic flick.

Tungkol 'to sa isang papalaos na artistang babae (played immaculately by Bela Padilla) na nagkaroon ng direksiyon ang buhay nang makilala niya ang lead vocalist ng banda na si JC Santos na nagsilbing support system sa kanyang struggle sa addiction.

Ganun lang kasimple.

Yung character ni Bela dito, perfect sa kanya. Bitchesa, attitudera, walwalera, suicidal. Yung role na fit na fit at tailor-made talaga sa kanya. Wala na akong ibang maisip na aktres na babagay pa sa role niya. Kanyang-kanya ang role.

Electrifying talaga ang onscreen presence nila ni JC Santos eversince. Yung moment na nagtabi pa lang sila sa upuan, kinikilig na ako. Dun pa lang, sulit na 'yung ipinunta ko sa sinehan. Much more, nung nagsimula na silang magbatuhan ng linya. Napakanatural. Nanamnamin mo talaga 'yung pag-uusap nila.

At ang dialogue, hindi teleseryic. Hindi matulain. Walang malulutong na pang-telenobela o madramang hugutan na pang-Popoy and Basha.

Kaya ko ito nagustuhan. Direct at makatotohanan ang sagutan. Parang 'yung character mismo ni Bela, hindi pretentious.

It reminds me of three movies on addiction, depression and alcoholism: RACHEL GETTING MARRIED, LEAVING LAS VEGAS at ang paborito kong PROZAC NATION.

Somehow, parang ganun ang ang treatment niya.

Huwag na kayong umasa ng mahapdi sa puso o nakakaiyak na ending. Because that never happened sa movie like Irene Vilamor's two previous movies, SID AND AYA at ULAN.

Walang pang-cry baby na ending. Life-affirming ang pelikula. Kung isa kang bitchesang patapon ang buhay o kasalukuyang nakikipaglaban sa alcohol addiction, magandang panuorin mo ito. Magu-good vibes ka.

Dahil sa ending, hindi nagkatuluyan sina Bela Padilla... at 'yung alak.

It's a pretty decent flick. Kasi nandun ang friend kong si Em-em Bunyi. Huwag kayong kukurap sa audition scene, siya 'yung isa sa selection committee dun.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang pautong ni Matteo Guidicelli na sa sobrang pintog e kamuntikan ko nang mahigop sa sinehan.

1917

May isang award-winning director na may war film concept tungkol sa dalawang magkaibigang sundalo na inatasan ng General para ma-save ang 1600 na sundalo sa kapahamakan noong 1917.

Susundan lang ang journey ng dalawang sundalo sa loob ng isang araw kung paano nila naisakatuparan ang kanilang misyon.

Nakainuman ni Direk ang kaibigan niyang isa ring award-winning cinematographer at naikuwento niya ang konsepto. Nagustuhan ito ni DOP.

Inoffer nila sa isang production company. Naaprubahan.

Naghanap ng co-writer si Direk.

Soon enough, naisulat na ang draft.

Sa pre-prod meeting, napagkasunduan nilang ang gagawin nilang pelikula e kakaibang war film.

Palalabasin nilang isang tuhog lang ang buong pelikula. Walang cut.

Na ito 'yung klase ng pelikulang pag-aaralan ng mga aspiring filmmakers sa mga film schools for its production values, groundbreaking treatment and cinematic merit.

At mano-nominate ito ng Best Picture sa mga award-giving bodies.

Hindi ito pang mainstream audience or regular moviegoers na walang alam sa art. Dapat sumakit ang ulo nila habang napapamura kung bakit nila pinanood ito sa sinehan.

Yan ang intention ng pelikulang 1917 ni Sam Mendes.

Na na-achieved naman nila.

Kung bet mo ng Fast & The Furious action movies, hindi ito para sa'yo.

Pero kung dig mo naman ang mga comatose, artsy at substantial war films, give this a go. Hindi ka magsisisi. Maa-appreciate mo ito.

VERDICT:

Apat na banga.

CATS

Naiinis ako.

Feeling ko nanakawan ako ng spectacular movie experience nang hindi ko napanood sa big screen 'tong CATS.

Nagpaniwala kasi ako sa mga negative reviews/comments na nabasa ko dito sa FB noon kaya 'di ko na pinag-effortan sa sinehan. Kaya hinintay ko na lang sa torrents.

Nagsisisi talaga ako. Napakaganda ng pelikula!

Yung mag-isa lang ako dito sa sala na sumasayaw at nakiki-Jellicle Cats habang nanonood. Nakakaaliw!

Isa sa pinakamagandang musical movie na napanood ko in recent years.

Feeling ko, either:

1. Sinabotahe 'to ng mga theater fans o 'yung mga purist na hindi pabor sa movie adaptation ng pinakamamahal nilang stage musical. Hindi nila nagustuhan 'yung changes sa movie version ('yung additional songs, dagdag at bawas na parts/locations from the stage musical, characterization, etc). Mas nag-explore kasi ito nang mas malaki kaya nag-adjust din lahat. From one room location to multiple locations sa London. Mas bongga!

Or

2. Siniraan 'to ng ibang production company ng kasabayan nilang pelikula.

Isa o 'yang dalawang 'yan ang nag-tandem para magpakalat ng negative reviews kaya nasira ang kapalaran sa box-office nitong CATS.

Niyeta, hindi deserve ng pelikula ang mga nabasa kong negative reviews!

Pangalawa na 'tong nangyari sa akin recently e. Yung nagpaniwala sa word-of-mouth, tapos nang mapanood ko 'yung pelikula, sobrang nagustuhan ko. Yung isa. THE DARK TOWER.

Sa near future, kapag nagkaroon 'to ng rerun sa movie houses, panonoorin ko na talaga.

Gusto ko siyang ulitin sa big screen.

I want to relive the magic!

Pakiramdam ko talaga nanakawan ako ng magandang experience.

UNDERWATER

Para siyang ALIEN ni Ridley Scott, version sa ilalim ng karagatan.

May ganun sana siyang promise. Hindi nga lang nakarating.

Mas survival movie siya kesa sci-fi thriller.

Badly-lit pa ang ilang eksena. Ewan ko if sadya 'yun kasi ilalim nga ng dagat nangyari 'yung kuwento. Parang malabo, grainy siya. Hindi mo na makilala kung sino 'yung character sa loob ng exosuit.

At nang lumabas na 'yung monster, naging GODZILLA na 'yung movie.

Ang nipis pa ng kuwento.

Anim na aquatic researchers ang na-trapped sa laboratory sa ilalim ng dagat dahil sa lindol. Meron palang underwater creatures dun na mala-Xenomorph. Kung paano sila makakasurvive at makakabalik sa ibabaw ng dagat umikot ang kuwento.

Ini-stretched sa 2 hours 'yung movie, puwede namang matapos in 30 minutes at gawing horror short film.

VERDICT:

Tatlong banga.

Mas nag-enjoy pa ako sa LIFE ni Jake Gyllenhall.

Wednesday, January 15, 2020

THE TWILIGHT ZONE 2019 / AJ & THE QUEEN / LOST IN SPACE SEASON 2

 Tatlong shows ang salitan kong pinanonood ngayon.

Dalawa sa Netflix (AJ & THE QUEEN at LOST IN SPACE Season 2) at isa downloaded sa torrent (TWILIGHT ZONE).

Yung TWILIGHT ZONE, episode 5 na ako. So far, so good. Wala pang tapong kuwento. Faithful siya sa timpla ng late 80s revival series. Yung hulma niyang fantasy, science fiction, suspense, horror, and psychological thriller na merong twisted ending, na-retain at intact pa rin.

Para nga lang siyang malabnaw na version ng BLACK MIRROR sa panahon ngayon. Pang-Grade 1 o Komiks version ng BLACK MIRROR.

Yung minsan, matutumbok mo na 'yung ending o twist nang walang kahirap-hirap.,Old school ang timpla. Pang-Amazing Stories ni Spielberg noon kaya havs pa rin sa akin. Ganyan.


Yung AJ & THE QUEEN naman, after second episode, hindi ko na sinundan.

Niyetang aktingan 'yan, parang dramatization sa Teysie Ng Tahanan noon. Kundi over-acting, sablay.

Ang boring pa ng kuwento. Gasgas na 80s o 90s road movie. Yung bida na merong kasamang bata tapos along the way magkakaroon sila ng certain bonding na mauuwi sa unlikely friendship. Ang ending, maghihiwalay o magsasama together bilang pamilya. Alam ko, ganun ang pupuntahan nito e.

Pinaghalu-halong PRISCILLA: QUEEN OF THE DESERT, TRANSAMERICA at THELMA & LOUISE. Yan palagay ko ang concept ni Mama Rupaul na gustong ipa-achieve sa writer pero hindi nito napuntahan. I-strectch mo ba naman sa sampung episodes e puwede namang tapusin sa isa o dalawa lang ang kuwento.

Kung old school ka at bet mo ng kuwentong may baklang maingay na bida, magugustuhan mo 'to. Para rin 'to sa fans ng RuPaul's Drag Race, may pa-cameo ang ilang queens dito.

Para sa akin, walang katorya-torya 'to. Nakakatamad.


Yung LOST IN SPACE Season 2, na-surprised ako! Taena, walang tapon. Lahat ng episodes, panalo. Kung sa Season 1, walang bago kasi binuo muna nila 'yung kuwento ng pamilya at nagbabad muna sila ng pag-set ng mood ng series... Well dito sa Season 2, bakbakan na! Hitik na hitik na sa mga eksenang ine-expect ko ngunit hindi napuntahan ng naunang season.

Yung napadpad sila ng ibang planeta, na-explore na natin 'yung Resolute at malapit nang mapuntahan ng Robinsons family ang Alpha Centauri. Aside rin sa mga robots, may ilang alien creatures silang nilabas. Na-magnify ang suspense at action. Boosted rin ang drama. Mas titindi ang inis mo sa kontrabidang si Parker Posey.

Kapana-panabik ang bawat episodes!

Malo-lost in space ka sa ganda!

Nasa episode 6 na ako. 4 episodes to go, tapos ko na ang Season 2.

Can't wait for Season 3 na mukhang next year pa ipalalabas.

Waiting for ANCIENT ALIENS Season 15 this January at POSE Season 3 later this year.

OTHERHOOD

Napangiti ako ng Netflix movie na ito.

OTHERHOOD.

I was searching for BOOK CLUB, 'yung 2018 movie ni Diane Keaton at Jane Fonda kaso waley at ito ang unang umapir sa list of suggestions.

Naintriga ako sa title kaya sinilip ko. 

At di ko namalayang natapos ko na siya.

Kuwento ito ng tatlong countryside mothers (nasa matronic to lola stage na) na dinededma ng mga anak nilang lalaki sa New York City. Isang Mother's Day, after nilang makaranas nang pandededma mula sa mga anak (hindi man lang sila nagawang i-text, padalhan ng bulaklak o tawagan man lang), nagdecide silang tatlo na puntahan ang mga ito sa siyudad. Ambush/holdup visit. Gulatan. 

Layunin lang nilang magpapansin at alamin ang updates sa kanya-kanyang mga anak.

Hindi nila akalain na bukod sa makukuha na nila ang atensiyong hinahanap nila, mare-resolved pa ang mga issues nila sa mga ito noong past.

Ang simple lang ng plot pero nagustuhan ko siya. 

Hindi siya boring. 

Endearing siya. Well, kelan ba hindi naging endearing ang mother story?

Para siyang up-one-notch version ng BAD MOMS, with meaty at tagos-sa-pusong mga dialogues. Insightful siya sa pinagdadaanan ng isang babae: motherhood, friendship, divorce, infidelity, independence, etc. Lahat 'yan napasadahan sa kuwento pero hindi siya mabigat panoorin. Hindi kataka-taka kasi ayon sa Wikipedia, based raw ito sa isang novel. 

Meron din siyang feels ng NOW & THEN ('yung part na grown-ups na sina Demi Moore at Rosie O' Donnel ha). Ang kaibahan lang ng dalawa, 'yung friendship movie na 'yun, hindi ko nagustuhan. Pero itong OTHERHOOD, super havs sa akin.

May flare din siya ng ilang episodes ng SEX & THE CITY. Bakit hindi, 'yung director at co-writer nito e writer ng S&TC noon. At isa rin sa nagsulat e siyang nag-pen ng AS GOOD AS IT GETS kaya maaasahan mo talaga ang isang magandang pambabaeng pelikula.

Kung isa kang Nanay na merong anak na binata, ma-appreciate mo ito. Ipanood niyo 'to sa mga anak niyong lalaki para ma-guilty sila at malaman nila na importante sa inyo ang atensiyon. Na malaking bagay ang pangangamusta at hindi maganda ang pandededma.

Kung magkakaroon ito ng pinoy remake, nababagay 'tong project para kina Maricel Soriano, Dina Bonnevie at Snooky Serna o Cherie Gil.

VERDICT:

Tatlo't kalahating banga at ang nakakasurpresang pagganap ni Felicity Huffman na huli ko pang napanood sa TRANSAMERICA. Para siyang younger version ni Jessica Lange!